Tumutulo ang luha ni Santa habang nasa biyahe siya, sakay ng taxi. Panay naman ang punas niya ng pisngi. Nasasaktan siya sa ginawang pagpapahiya ni Dominic sa kanya kanina. Pakiramdam niya ang baba nang tingin nito sa kanya. Napatingin siya sa cellphone niya, tumatawag si Dominic. Pagak siyang napatawa saka niya in-off ang cellphone. Ayaw niya na itong makita pa o makausap. Kahit kailan hindi talaga ito marunong makinig kapag galit. Mas okay na rin siguro na wala siyang trabaho para makapagpahinga rin siya. Nakakaramdam siya nang toxic. Nagpupuyos siya sa inis at galit kay Dominic, pagkatapos nang nangyari sa kanila? Basta na lang siya nitong ipahiya sa lahat? Mabilis siyang bumaba sa taxi pagkatapos niyang magbayad. Naabutan niya sa sala ang nanay niya at kuya Leo na naglalaro ng pu