Kinabukasan, maagang pumasok si Santa. Nagulat pa siya nang maabutan niyang nasa office na si Michelle. Dati naman hindi ito maagang pumapasok. "Good morning, Santa." Nakangiting bati nito sa kanya. "Good morning, Michelle." Ngumiti siya rito. Inayos niya ang dalang gamit sa mesa niya. Binuksan niya na rin ang laptop niya. "Gusto mo ng coffee? Ipagtitimpla kita." Offer nito sa kanya. Napuna niyang masaya ito ngayon. "Thanks, Michelle. Pero ako na ang magtitimpla ng kape, isasabay ko na kay Dominic." Nasanay na siyang hindi ito tawaging 'Sir' dahil na rin sa kagustuhan nito. "Uhm, natimplahan ko na siya ng kape." Napatigil siya sa ginagawa nang marinig ang sinabi nito. Nag-angat siya nang tingin at tiningnan ito, umiwas ito nang tingin sa kanya na para bang nahiya. "Pasensya k