"Ms. Marquez, come to my office." Malamig ang boses na demand ng boss niya, pagkatapos ay agad na ibinaba ang telepono.
Abot-abot ang kaba niya nang pumasok siya sa office ng boss. Hindi talaga nawawala ang takot niya rito lalo na ilang beses na siyang na-bulyawan nito.
"Yes sir?" Ani niya sa kalmanteng boses, hindi pinapahalata na kinakabahan siya. Sinigurado niya naman na wala siyang mali sa mga files na pinapa-check nito sa kanya lalo na during meetings, sinigurado niya na naisulat niya lahat ang mga importanteng detalye.
Hindi man lang nag-angat ng mukha ang boss niya at ang buong atensyon ay nasa laptop nito na hindi niya matukoy kung ano ang kinakalikot.
"Post a job hiring online for a personal assistant. I needed one. Hindi ko na mapakinabangan si Brent." Utos nito sa kanya sa baritonong boses, kung hindi lang nakaka- intimidate ang hitsura nito malamang pati boses nito ay naakit na siya.
Si Brent ang tumatayong personal assistant ni Mr.Rivas simula pa noon. Isa itong Assistant ng Head sa Marketing Department. Kapag may outdoor meetings o may business trip ay ito ang sinasama ni Mr. Rivas.
Sa ngayon kasi ay busy na ang Marketing Department dahil may bagong product na inilalabas ang kompanya for this December season.
"Okay sir, what s*x do you prefer? Male or female?" Turan niya sa pormal na boses. Nahigit niya ang hininga ng huminto ito sa ginagawa at tiningna siya, his expression was blank and cold. His piercing black eyes stared at her–na para bang sinasabi na ang stupid ng tanong niya.
Wala naman sigurong mali sa tanong niya, diba? Mas mabuti ng naninigurado. Sabi niya sa isipan.
"What do you prefer, Ms.Marquez? Sa tingin mo ba pati iyan ay iisipin ko pa?" sabi nito sa mariin na boses. Halatang nairita ito sa tanong niya.
"Okay, i'll handle it." Sabi niya sabay lunok ng sariling laway, pakiramdam niya ay nag-dry ang lalamunan niya dahil sa tingin nito. Nagmamadali na siyang umalis.
Napa-buntonghininga si Dominic saka napapailing. Hindi niya alam kung bakit lagi niyang nasusungitan ang dating secretary ng Daddy niya. Wala rin siyang makitang rason kung bakit lubos itong kinagigiliwan ng Daddy niya, bukod sa kakaiba ang hitsura at pananamit nito ay magaling nga ito sa trabahong napili. Very efficient sa job description nito as a secretary kaya hindi niya na rin ito pinalitan pa.
Minsan lang ay tingin niya rito ay napaka-stupid. Iyong tipong madaling maloko sa sobrang pagka-inosente at pagka-nerd.
He sighed.
Bakit niya ba pinagtutuunan ng pansin ngayon ang secretary niya? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Sumasakit na nga ang ulo niya sa kaka-check ng mga bagong designs na ipapalabas this week of December. Napapailing na lang siya saka itinuon ulit ang pansin sa laptop.
"O bakit ganyan na naman ang mukha mo?" Sita ni Tricia kay Santa ng magtungo siya sa office nito sa HR Department.
"Ang sungit kasi ni boss, grabe pa kung mang-insulto." Pagmamaktol niya.
"Hindi ka pa nasanay eh, pero aminin mo guwapo si boss, diba?" Kinikilig na saad ni Tricia sa kanya. Mas lalong sumimangot si Santa saka inayos ang suot na salamin sa mata, hindi pinansin ang sinabi nito.
"Ito may bagong utos po si boss, urgent hiring for personal assistant, either babae o lalaki puweding mag-apply." Sabi niya kay Tricia sabay lapag ng isang A4 size na bond paper sa table nito. Naka-print na roon ang lahat ng mga qualifications at requirements. Ginawa niya ito kanina, nag-post na rin siya through online.
"Alis na ako Tris, ikaw na bahala. Thanks!" Sabi niya rito saka nagmamadali ng lumabas sa HR Department, buti na lang nakakasundo niya si Tricia. Ang pinaka-head ng HR department.
Malayo pa lang siya naririnig na niya ang ring ng telepono na nanggagaling sa table niya. Binilisan niya ang lakad hanggang sa makarating siya.
"Where have you been?"
Ang galit na boses ni Mr. Rivas ang agad na sumalubong sa kanya sa kabilang linya.
"I'm sorry Sir, galing po ako sa HR department. Ipinasa ko ang utos ninyo para maging aware din po sila." Paliwanag niya rito.
"I hate excuses! Come to my office now!" asik nito saka binagsakan na siya ng telepono. Bumuntonghininga na lang siya. Ano na naman kaya ang problema nito?
"Yes, Sir?" mahinang turan niya ng makapasok sa office nito. Hindi pinapahalata ang takot na nararamdaman.
"What's this? Did you really review this file!" asik nito saka ibinagsak ang isang folder ng files sa executive desk that made of wooden woods. Looks traditional but so elegant.
"What file Sir?" tanging naitanong niya, bahagya pang kumunot ang noo niya. She was afraid to step forward, kaya nanatili siya sa kinatatayuan niya.
"Just get this file out of my sight now. I don't like one of the designs that we would launch this month. Dapat alam mo iyan! You should check it first, tapos na ang trend ng mga designs na iyan this year!" mariing sabi ng boss niya na halatang nagpipigil ng galit, napalunok siya at pinilit ang mga paa na ihakbang palapit sa desk nito saka kinuha ang files.
"I will inform the Fashion and Design Department, Sir." Sabi niya sa nanginginig na boses. Tumalikod siya agad at nagmamadaling lumabas sa office, ayaw na niyang makita pa ang mala-tigre nitong mukha.
Kung hindi lang malaki ang sahod niya sa kompanyang ito ay malamang matagal na siyang nag-resign. Bumuntonghininga siya saka nanghihinang umupo sa upuan niya. Inilapag niya ang folder sa table saka binuklat.
Ano namang mali sa designs ng mga damit at bags na'to? Saka nakalagay rin naman sa description ng mga designs kung ano ang mga materials ang ginamit?
"Dapat alam mo iyan!" She mimicked her boss's voice habang isa-isa niyang sinusuri ang mga designs. Kunsabagay ano bang alam niya sa fashion and designs? Ni sarili niya nga walang ka ayos-ayos. Napangiti siya ng maalala ang boyfriend niya.
One year na sila ni Tony ang boyfriend niya na Manager sa isang Advertising Company. Magkaklase sila noong College. Mabait si Tony at responsable, guwapo rin naman saka hindi naman siya pinipintasan sa hitsura niya.
Nakita niya ito ulit ng magkaroon ng reunion ang batch nila sa College, tinutukso si Tony sa kanya hanggang sa niligawan siya nito at naging sila.
Bumuntonghininga siya saka tinawagan ang pinaka head ng Fashion and Design Department. Sinabi niya kung ano ang mali at reklamo ni Mr. Dominic Rivas, pinapapunta niya na lang sa office nito.
Bakit ba kasi kailangan na siya ang sumalo sa lahat ng kasalanan at pagkakamali ng mga ito? Hindi niya naman kasalanan na hindi na pala trend ang design ng mga damit at bags. Pagmamaktol niya sa sarili. First week of December ay ganito ang sasalubong sa kanya nakaka-walang gana.
Napatingin siya sa cellphone. Laging walang messages si Tony sa kanya. Aasa pa ba siya? Sa loob ng isang taon na naging sila ay siya lang naman laging unang nagme-message rito saka sinu-surprise niya lagi at binibigyan ng regalo kapag monthsary nila.
Minsan kapag kumakain sila sa labas ay siya pa ang nagbabayad, naiintindihan niya ito dahil nag-iipon ito para pambili ng sariling bahay. Nakaramdam siya ng excitement. Baka mag-propose na ito sa kanya.
Lunch break, kinatok niya si Mr.Rivas sa office nito to inform na nakapag-reserve na siya ng table sa favorite nitong restaurant para sa lunch nito.
"Sir, your reservation is ready." Tipid na inform niya rito. As usual naka-focus pa rin ito sa ginagawa.
"Make it two." Utos nito na ang tinutukoy ay table for two. His voice sounds so demanding. Bahagyang tumaas ang isang kilay niya, hindi naman ito nakatingin sa kanya kaya okay lang.
"I already reserve table for two, Sir." She replied politely. Napatingin ito sa kanya, lumambot ang kaninang matigas na mukha niya, animo'y isa siyang kawawang sisiw sa harapan nito.
Lagi na niyang nire-reserve ang table for two dahil nadala na siya dati. May ka-lunch date pala itong babae tapos table for one lang ang nai-reserve niya kaya nagkandarapa siya na baguhin ang reservation.
"Good." Sabi nito saka muling ibinalik ang tingin sa laptop. Lumabas na siya ng office.
Pakiramdam niya sa tuwing papasok siya sa office nito ay tinu-torture siya kaya ganoon na lang ang buga niya ng hangin sa bibig kapag nakalabas na siya sa office nito.
Sa Canteen siya ng company magla-lunch at hindi siya umaalis hangga't hindi pa nakakaalis ang boss niya.
"Excuse me?"
Napatingala siya mula sa pagkakayuko ng marinig ang maarteng boses ng babae.
"Yes?" she smiled sweetly but the woman never returned her smile.
Bitch! Lihim niyang mura sa babae sa isipan. Alam niya na ang boss niya ang sadya nito, nagtataka siya dahil sa kabila ng pag-uugali nito ay madami pa ring mga babae ang naghahabol dito. Araw-araw na lang yata ay iba-iba ang mga babae na pumupunta rito sa office.
Maganda ang babae at matangkad, sexy at flawless ang balat. Parang model yata ito.
"May lunch date kami ni Dominic." Nakataas ang kilay na sabi ng babae sa kanya. Agad niyang tinawagan ang boss sa connecting phone ng office nito. Iritadong sinagot nito ang telepono. Dinaig pa yata nito ang may regla! Palatak niya sa isipan.
"Sir, there's a woman–"
"Let her in." He cut her off with his very domineering voice. She rolled her eyes mentally. She sighed and look at the woman. Ngumiti siya rito dahil halatang naiirita na ito.
"Pumasok na po kayo." Sabi niya rito. Tinaasan lang siya ng kilay ng babae saka humakbang na papasok sa loob ng office.
She glanced to her wrist watch every minute, gutom na siya at hindi pa rin lumalabas ang boss niya at ang babae. It's already 12 noon.
"Ano pa kaya ang ginagawa ng mga 'yon!" inis na bulong niya sa sarili. Kinuha niya na lang ang cellphone saka tinatawagan ang boyfriend. Nakailang ring bago nito sinagot.
"Hi honey, kumain ka na ba?" tanong niya sa malambing na boses.
"Kumakain pa ako, nagmamadali ako honey, I'll call you later." Sagot ng boyfriend niya sa kabilang linya, hindi man lang hinintay ang response niya o tinanong man lang kung kumain na ba siya, binabaan na siya agad ng cellphone.
Bumuga siya ng hangin mula sa bibig saka biglang napatayo nang marinig ang pagbukas ng office, unang lumabas ang boss niya na hindi man lang siya nililingon. Kasunod nito ang babae na halatang disoriented. Inayos nito ang suot na dress at ang buhok. Pagkatapos ay tinapunan siya ng nakakalokong tingin na para bang sinasabi sa kanya na alam na niya kung ano ang ginagawa nila sa loob.
Nahihiyang siyang yumuko dahil nai-imagine niya ang ginagawa ng dalawa sa loob, nang hindi na niya makita ang anino ng mga ito ay agad na siyang nagtungo sa Canteen.
Gosh! She was starving.
Pagdating niya sa Canteen nakita niya agad sina Tricia at Mica. Kinawayan siya ng mga ito. Kumaway rin siya, nagtungo muna siya sa counter para um-order ng pagkain bago pumunta sa table ng dalawang kaibigan.
"Bad day huh..." usal ni Mica sa kanya ng makaupo na ito sa table nila na may dalang pagkain.
"You have no idea..." sagot niya naman, umiiling pa siya saka nilantakan na ang dalang pagkain.
"Bilib talaga ako sa'yo Santa, hindi ko akalain na matitiis mo ang boss natin," ani ni Mica, siniko naman ito ni Tricia.
"Ano ka ba, hinaan mo ang boses mo baka may makarinig isipin pa na pinag-uusapan natin si boss." Sita ni Tricia kay Mica.
"Oo na, pag-usapan na lang natin ang nalalapit na christmas party dito sa kompanya. I'm so excited." Sabi ni Mica, halata nga sa boses nito na excited ito.
Nag-uusap ang dalawa pero walang pakialam si Santa dahil naka-focus ang atensyon niya sa pagkain hanggang sa maubos niya ito.
"Ikaw Santa? Anong outfit mo sa party?" Excited na tanong ni Tricia sa kanya. Uminom muna siya nang tubig bago sumagot.
"Kailangan pa ba iyon?" tanong niya sa dalawa.
Kapag may party sa kompanya ang suot niya lang palagi ay formal na business attire, naka-slacks at long sleeve na white. Mica rolled her eyes nang marinig ang sinabi niya.
"The typical Santa, kailan ka kaya magbabago?" ani ni Mica.
Nagkibit balikat lamang siya sa mga ito. Hindi naman siya interesado sa christmas party.
~•~