Chapter 10

1615 Words
“Sir Lucas pwede ko bang bilhin eto? Ang ganda nang kulay kasing kulay nang nakita ko sa yacht kanina” Iniladlad niya ang hawak niyang pulang underwear sa harapan ko. Sunod-Sunod ang paglunok ko. Wala pang dalawang araw na nakakasama ko siya natutuyoan na ako nang dugo. “Just get all you want and don’t fúcking show it to me. Just put it in the cart I’ll pay for it” “Salamat sir Lucas. Bibili lang ako nang mga kailangan ko hindi ako bibili nang mga bagay na hindi mahalaga” turan nito at ngumiti pa sa akin. Natigilan ako. This is my first time na samahan ang isang babae na mamili nang kailangan nito. Ang kanang kamay ko ang pinapasama ko sa mga babaeng dumaan sa buhay ko and all of them are gold diggers. When I told them to buy whatever they wanted on the card I gave them, they bought all the expensive bags and clothes. Nakikita ko lang sa card how much they spent from it. Liz is not my woman pero kakaiba ang ugali niya at mukhang hindi mahilig sa mga mamahaling bagay. “Where the hèll did she come from?” sa isip ko. For me, women are all the same. I buy them whatever they want after I use them and dump them. I run my life with money and power. Wala akong pakialam sa ano mang nararamdaman nila. “Ang Mahal naman nang damit na eto. Sayang lang ang pera pag bibilhin mo ang ganitong klaseng damit hindi naman maganda” turan nito at nangungunot pa ang noo habang pinagmamasdan ang summer dress na nasa harapan nito. Nang tingnan ko ang cart nasa gilid nito kaunti pa lang ang laman. Kaya kumuha ako nang ilang dress na nakita ko at nilagay ko sa cart niya. Isa-isa nitong tiningnan ang mga nilagay ko at binalik sa pinagkuhanan ko. “What are you doing? Why did you put it back?” Your taking so long. Your wasting my time” sigaw ko sa kanya. “Sir Lucas ayaw ko sa mga yan ang mamahal. Okay na tong mga nasa cart ko. Marunong naman ako maglaba kaya tama na eto” turan nito at tumalikod na. Sinundan ko siya at inabot ko ang card sa cashier. Hindi talaga eto nasisindak sa pagsigaw ko. “Maraming salamat sir Lucas. Huwag ka mag-alala gagawin ko ang mga gawaing bahay para at mabayaran ko ang mga eto” Hindi ako nagsalita at tumalikod na ako. Ayaw ko nang magtagal pa sa mall sa bayan. Hindi ako sanay sa maraming tao. Noon tuwing pupunta ako nang bayan hindi ako inaabot nang ilang oras binibili ko lang ang kailangan ko at babalik na sa Isla but today walang tigil si Liz sa kakalakad sa mall. Kanina pa ako naiinis sa mga taong pinagtitinginan ako. “Sir Lucas hindi ka ba nagugutom?” Lumingon ako sa kanya at sinamaan ko siya nang tingin. Hinimas-Himas nito ang tiyan para ipaalam sa akin na nagugutim siya. Nagbuga ako nang hangin sa pagkainis na nararamdaman ko. It will eß “Damn it!” Naglakad ako patungo sa isang restuarant na kinainan ko noon. Papasok na ako nang hawakan nito ang braso ko. “What? Diba sinabi ko sa’yo na huwag mo akong hahawakan” mariin kong turan at pinukol ko siya nang nakamamatay na tingin pero hindi man lang eto kakakitaan nang takot. “Ayaw ko d’yan mukhang mamahalin ang mga pagkain d’yan. Sir Lucas doon tayo sa paborito kong fast food masasarap ang mga pagkain doon at mura pa” Magsasalita pa lang ako nang tumalikod na eto at naglakad. Wala akong nagawa kundi ang sundan eto. “Why do I keep doing what she wants?” sa isip ko. Gusto ko na siyang iwan dito sa mall at bumalik na ako sa isla magisa pero something is stopping me from leaving her. She’s so naive and innocent baka kong mapaano eto. Ang nagiging sagot ko sa sarili ko. Sinundan ko siya na nakapila na. Tumayo ako sa likoran niya. “What kind of restuarant is this?” mahina kong tanong sa kanya. Pinagala ko ang paningin ko sa paligid. No waiters at kailangan pumila. This is my first time sa ganitong klaseng restuarant. “Sir Lucas hindi mo alam tong J*llib**?” Turan ni Liz na lumingon sa akin na may pagtataka. Hindi ako nagsalita. Nilagay ko sa bulsa nang pantalon ko ang kamay ko. Hinayaan ko lang siya na mag order. “Ang gwapo naman nang boyfriend mo miss. Artista ba yan o modelo?” turan nang babaeng nasa counter. “Amo ko yan. Huwag kang maingay masungit yan baka magbuga nang apoy pagnagalit na naman” “What the fúck! You know I can hear you” I uttered. My voice raised kaya nagtinginan ang mga tao sa gawi namin. “Diba sabi ko sa’yo masungit yang amo ko. Yan lang order ko. Sir Lucas bayaran mo na” Agad kong inabot ang isang libong pera sa babaeng kumuha nang order ni Liz. “Keep the change” Natigilan eto panandalian. “Wow maraming salamat po. First-time ko makatanggap nang tip. Tanong ko lang po sa manager kong allowed kami tumanggap nang tip” Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin pa nito tumalikod na ako at agad na sumunod si, Liz. Lahat nang nangyayari ngayong araw ay ngayon ko lang naranasan. Everything is new to me…… “Sir Lucas sayang naman hindi ko kinuha ang sukli. Kakaiba ka talaga sir Lucas. Hintayin lang natin ‘yong pagkain. Tatawagin nila ang pangalan ko pag ready na” Hindi nagtagal tumayo si Liz at kinuha ang try na nagalalaman nang pagkain. Inabot niya sa akin ang manok at spaghetti. Tiningnan ko lang eto at hindi ko agad kinain. Nang tingnan ko siya sarap na sarap sa kinakain niya kaya napatitig ako sa kanya. “Para kang bata” turan ko at inalis ko ang pagkain na nasa gilid nang labi nito. Natigilan si Liz at tinitigan ako. I cleared my throat. “What? Stop staring at me!” singhal ko sa kanya. “Kumain ka na sir Lucas gutom lang yan” Inalis ko nag tingin sa kanya at nagsimula akong kumain. Ako naman ang natigilan…… “You're right this tastes really good” turan ko. Nagtuloy-Tuloy ang pagsubo ko. Masarap ang pagkain. First-time kong makakain sa fast food hindi ko akalain na masarap eto. “Sir Lucas mukhang sarap na sarap ka talaga. Naubos mo na agad. Hindi ko akalain na hindi n’yo alam ang fast food na eto. Saang planeta ba kayo galing?” Sinamaan ko siya nang tingin kaya hindi na naetuloy ni Liz ang iba pang sasabihin nito. “Hurry up baka abotin na tayo nang gabi” Tumayo na ako nang makita kong tapos na siyang kumain. Malalaki ang hakbang ko palabas nang mall. Hindi ko na nilingon si, Liz. “Fúck!” Malakas kong mura nang pagkalabas ko malakas ang buhos nang ulan. Madilim ang kalangitan. Hindi ko nagawan alamin ang panahon bago kami umalis nang isla. Papagabi na at masama pa ang panahon. “Hala sir Lucas ang mukhang may bagyo” Hindi ko siya tiningnan. Mukhang dito kami sa bayan magpapalipas nang gabi. Ang alam ko may malapit na hotel dito sa mall. Agad akong kumaway sa taxi na paparating. Nang huminto eto hinawakan ko ang palapulsohan ni Liz. Tumakbo kami patungo sa taxi na nakaparada sa gilid nang kalsada. Pinatakbo agad nito ang taxi nang sabihin ko kong saan ang tungo namin. “Naku wala po akong panukli sir” “Keep the change” “Maraming salamat boasing makakauwi na ako lalo pa at may bagyong paparating” Agad akong umibis nang taxi. Basang-Basa ako nang makapasok sa loob nang hotel na marami na ring tao sa loob. Nang lingonin ko si Liz basang-basa din eto at napamura ako nang malakas nang makita ang ayos nito. Agad kong hinubad ang jacket na suot ko at itinakip sa katawan nitong kita na ang dibdib. Wala na naman etong bra at bumakat ang hubog nang katawan nito at ang dibdib…… Agad kong sinamaan nang tingin ang mga kalalakihang nakatitig sa kanya. Inakbayan ko siya at iginiya patungo sa receptionist nang hotel. “Room for two” Nakatulala ang babaeng nasa harapan ko kaya tumikhim ako. “S-Sory sir isang room na lang po ang available” Tiningnan ko si Liz na nanginginig na sa lamig. I don’t have a choice but to stay with her in the same room. “Okay, I’ll take it” Matamis na ngumiti ang babae sa akin at pinasayad ang daliri sa likod nang palad ko nang iabot ang card key nang hotel sinamaan ko siya nang tingin kaya yumuko eto. “Sir Lucas nilalamig na ako” Binitawan ko na siya nang nagalalakad na kami patungo sa silid na uukopahin namin. Nang mabuksan ko eto isang kama lang ang nakita ko. Isang king size bed lang. “Sir Lucas sa sofa na lang ako matutulog. Pwede na ba ako maligo?” Hindi pa ako nakakasagot nang pumasok eto sa banyo. Agad kong kinuha ang robe na nakahanger. Wala akong damit na pamalit kaya tanging robe na lang ang suot ko nang mahubad ko ang basang-basa kong damit. Agad akong tumawag sa para epa-laundry ang mga damit ko. Ilang minuto lang nakarinig ako nang pagkatok at kinuha na ang mga basa kong damit. Naupo ako sa kama at binuksan ko ang TV. Agad akong napalingon nang bumukas ang banyo at lumabas si Liz…… “How am I going to sleep well tonight kong ganyan ang suot niya?” mahina kong tinuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD