Chapter 09

1450 Words
“Wow, ganito pala ang loob nang isang yacht sir Lucas” Nanglalaki ang mata ko na makita ang loob nang malaking yacht ni sir Lucas. Habang abala si sir Lucas na pinapatakbo ang yacht bumaba ako sa hagdanan na nakita ko. Lalo akong namangha may maliit na kusina. Binuksan ko ang pintoan na nakita ko. “Wow pwede din palang matulog dito. May kama may aircon at may ilang cabinet. Ibang klase din pala ang boss ko na si sir Lucas sobrang yaman niya siguro” turan ko habang pinagagala ko ang mata ko. “Freya come back here. Don’t touch anything in there!” malakas na sigaw ni sir Lucas. “Wala naman akong hinawakan tiningnan ko lang” balik sigaw ko sa kanya. Binuksan ko ang isang cabinet na malapit sa kama nangunot ang noo ko sa nakita ko kinuha ko eto at sinuring mabuti. Initaas ko eto sa harapan ko at muling nangunot ang noo ko. “Ano kaya eto? Parang panty pero wala naman matatakpan sa itsura nito. Kay sir Lucas kaya eto? Mukhang pangbabae. Pula pa ang kulay. Pag sinuot mo eto tiyak na kita ang puwitan at ang harap naman maliit lang ang matatakpan” mahina kong turan. Muli ko etong binalik sa pinagkuhanan ko kanina. “Freya come back here now!” muling sigaw ni sir Lucas. “Tuwing nagagalit si sir Lucas at nakasigaw madalas niyang tawagin ako sa ikalawang pangalan ko” turan ko. Isinara ko ang pintoan nang silid na binuksan ko. Paakyat na ako sa hagdanan na ginamit ko sa pagbaba ko kanina nang muling sumigaw si sir Lucas. “Liz Freya Sandoval umakyat ka dito!” nagmadali ako sa pag-akyat. “Sir Lucas may kailangan po ba kayo?” tanong ko. Galit na naman eto dahil masama ang tingin niya sa akin. “What took you so long down there? Did you touch my stuff?” sigaw niya. “May hinawakan akong isang bagay, sir Lucas. Dahil hindi ako sinungaling sasabihin ko na. Pumasok ako sa silid sa ibaba binuksan ko ang isang cabinet na naroon. May nakita akong kulay pula na parang panty pero parang hindi. Ano ‘yon sir Lucas? sa’yo ba ‘yon?” “Fúck! I told you not to touch anything down there!” sigaw ni sir Lucas at pinukol ako nang masamang tingin. “Sir Lucas ayaw ko lang po magsinungaling dahil amo ko po kayo. ‘Yon lang po ang hinawakan ko. Pero sir Lucas ano po ba ang bagay na ‘yon?” “Just fúcking shut up and don’t touch my stuff!” Napangiwi ako sa malakas na pagsigaw ni sir Lucas dahil sobrang lapit ko sa kanya kaya medyo nabingi ako sa pagsigaw niya. Lumayo ako nang kaunti sa kanya kong sakaling sisigaw siyang muli hindi masyadong masakit sa tainga. “A-Ahm sir Lucas pwede po ba akong mamili nang ilang damit sa bayan? Gagawin ko po lahat nang gawaing bahay; pagluluto, paglilinis at pati ang kabayo n’yo aalagaan ko din. Kahit huwag n’yo na ako sahoran. Ayaw ko naman na lagi manghiram nang damit sa inyo. Ang short n’yo ang laki sa akin at wala akong panty na suot kaya kailangan ko talagang bumili” Napatitig ako sa pagtaas-baba nang Adam's apple ni sir Lucas at pagkakakagat niya nang pangibabang labi. Si sir Lucas ang pinaka-gwapong lalake na nakilala ko. Kahit sa mga ka-klase ko malayong-malayo ang itsura ni sir Lucas. Kaya lang ang sungit niya. “Stop staring at me!” sigaw na naman niya. “Bakit kaya ang sungit-sungit ni sir Lucas?” sa isip ko inalis ko ang tingin ko sa kanya at tumanaw ako sa karagatan. Ang payapa nang dagat. Maganda ang panahon at ang sarap nang simoy nang hangin. Nililipad ang mahaba kong buhok. Pumikit ako para damhin ang hangin…… “Hinanap kaya ako nila tita Maorine at nang dalawa kong pinsan?” Sa isip ko. Hindi rin ako nakapagpaalam sa kay Claire kaya nakakaramdam ako nang lungkot. Ngayon si sir Lucas na ang makakasama ko araw-araw ang lalakeng pinaglihi sa sama nang loob baka sa katagalan lagi na rin akong galit at nakasigaw. “LPS short for lalakeng pinaglihi sa sama nang loob” Napangiti ako sa naisip ko. Nang lingonin ko si sir Lucas mariin etong nakatingin sa akin. Nawala ang ngiti ko sa labi mas mabuti nang tumahimik ako para hindi na siya sumigaw pero ang hirap manahimik ang dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya…… “Sir Lucas pwede magtanong? Isa o dalawang tanong lang” “What is it?” Hindi nga eto nakasigaw nang sumagot pero halata naman na napipilitan na kausapin ako. “Pinaglihi ka ba sa sama nang loob?” “What!?” sigaw niya. “Tanong ko po kong pinaglihi ka’yo sa sama nang loob?” Lalong tumalim ang tingin ni sir Lucas. Nag-isang linya ang kilay niya. “Kong hindi naman mahalaga ang itatanong mo mabuti pang manahimik ka na lang!” “Sir Lucas kong maayos ba ang tanong ko sasagotin mo na?” Naiinip ako at gusto ko talaga na kausapin niya ako pero lagi na lang masama ang tingin niya sa akin. Parang ano mang sandali ihahagis niya na ako sa dagat…… “Sir Lucas wala ka bang pamilya? Bakit mag-isa ka lang sa isla?” Hindi ko talaga mapigilan ang bibig ko. Hindi ako sanay nang nanahimik lang pakiramdam ko mapapanis ang laway ko kong hindi ako magsasalita. Sa sitio Bukang-Buka pag wala si tita Maorine nagtutungo ako sa bahay ni Claire para makipagusap at makipagkeentohan. Hindi naman ako marites gusto ko lang laging may kausap. Pakiramdam ko malungkot ang walang kausap at hindi nagsasalita. “Malungkot siguro buhay ni sir Lucas kasi ayaw niyang makipagusap?” sa isip ko at napatitig na naman ako sa kanya. Binaling ni sir Lucas ang paningin niya sa karagatan. Mukhang ayaw niya talagang makipagusap. Bumuga ako nang hangin at muling tumingin sa karagatan…… “I have a brother” Napalingon ako kay sir Lucas nang magsalita eto nang hindi ako tinitingnan kaya nagawa kong titigan siya. Dahil tiyak na sisigawan niya na naman ako kong makikita niyang nakatitig ako sa kanya. “Kasing gwapo mo din ba ang kapatid mo sir Lucas?” Panandaliang lumingon sa akin si sir Lucas. “Why Liz am I good-looking? Do you like me?” mariin niyang tanong. Hindi ko mawari kong galit siya o hindi dahil hindi ko nakikita ang mukha niya. “Put this in your tiny brain I will never like a young girl like you that is so naive. You are not my type. You're not beautiful. Ang katawan mo hindi man lang ako nag-iinit habang tinitingnan ka. Hinding-Hindi ako magkakagusto sa babaeng tulad mo! I will make your life a living héll once you fall in love with me!” Natigilan ako hindi ako nakapagsalita. Sa kauna-unahang pagkakataon nakaramdam ako nang kirot sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag kong bakit ako nakaramdam nang ganito. Wala pa nga dalawang araw na nakakasama ko siya nakaramdam na ako nang ganito. Parang kutsilyo ang dila niya. Nakakasugat sa puso ang mga salitang binibitawan niya…… “Hindi ko din naman kayo type. Sino bang magkakagusto sa lalakeng laging nakasigaw at pinaglihi sa sama nang loob. Wala pa ngang dalawang araw na kilala ko kayo sasabihan n’yo na akong may gusto sa inyo. Saka ang tanda n’yo para sa akin” turan ko. Hindi ko na napigilan ang sagotin siya. Tinalikoran ko siya sa pagkainis ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi niya. Lumipat ako sa gawing likoran nang yacht at tumingin sa karagatan. “Ang sama-sama naman niya. Hindi daw ako maganda. Ang sakit niya magsalita. Ang sama nang ugali niya. Palagay niya sa akin bato na hindi masasaktan pag sinabihang hindi ako maganda at hindi niya ako type. Matandang masungit! tsk tsk” Sa buong buhay puro papuri ang naririnig ko sa mga ka-barangay namin na maganda ako. Ilang beses pa nga akong nanalo sa patimpalak nang pagandahan sa barangay namin at sa iba pang karatig barangay. “Ako nga ang nanalo na Miss Sitio Bukang-Bukang 2024. Tapos sasabihin niyang pangit ako. Bulag ‘ata si sir Lucas?” mahina kong turan at sumimangot ako. Hindi ko alam kong bakit galit na galit lagi si sir Lucas sa akin. Siguro nga hindi niya gugustohin ang isang tulad ko na mahirap pa sa daga, walang pamilya at walang bahay na mauuwian. Siya ang amo ko na kailangan kong sundin……Ang boss kong walang awa at masakit mag-salita… “Akala niya ba mananahimik na lang ako at hindi siya sasagotin! Ako si Liz Freya Sandoval ang babaeng magaalis sa kasungitan niya”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD