Chapter 11

1821 Words
Kahit nagagalit na si sir Lucas hindi ko eto pinansin nalibang ako sa mall. Medyo may kalayoan ang mall sa sitio Bukang-Buka kaya bihira lang ako nakakapunta noon. Tuwang-Tuwa ako na muling makaapak nang mall. “Malapit na bumuga nang apoy si sir Lucas” sa isip ko. Sinulyapan ko siya. Nagsasalubong ang kilay nito habang nakatingin sa labas nang bintana. Naririnig ko ang mahihina nitong mura. Nang mapatingin sa akin sinamaan niya ako nang tingin kaya agad akong nagiwas nang tingin. Nang makapasok kami sa lobby nang hotel marami nang tao. Lalo akong nilamig habang hinihintay si sir Lucas na matapos makipagusap. Kinabahan ako nang masama na naman ang tingin nito nang lumingon sa akin. “Hay naku! Nilalamig na nga ako sinasamaan niya pa ako nang tingin” sa isip ko. Pinagala ko ang mata ko. Ang hotel na kinaroroonan namin ay mukhang sosyalin at ang mga tao sa labi maayos ang pananamit. Hindi ko inaasahan na huhubarin nito ang jacket at isusuot sa akin kahit basa din ang jacket niya kahit papaano naibsan nang kaunti ang panglalamig ko. May gumapang na kong ano sa katawan ko nang akbayan niya ako at iginiya sa kinaroroonan nang babaeng kausap nito kanina. Malaki ang silid na nakuha ni sir Lucas pero iisa lang ang kama. Alam kong ayaw niya na makatabi ako kaya sinabi kong sa sofa na lang ko matutulog. Siya ang amo kaya wala akong karapatan na magreklamo. Mahirap nang galitin ang lalakeng pinaglihi sa sama nang loob. Hindi ko na hinintay ang sagot niya nang tanongin ko siya kong pwede na akong maligo dahil nilalamig na ako at gusto ko na makapagpalit nang damit. Malinis at malaki ang banyo. May libreng shampoo at conditioner na kinatuwaan ko nang husto. First-time kong makapasok sa isang hotel kaya hindi ko alam na may mga ganitong bagay. Napili kong isuot ang nabili kong pagtulog sa mall na ang lambot sa katawan. Satin etong short at spaghetti strap na pangtaas sobrang komportableng isuot. Nakabalot pa nang tuwalya ang ulo ko nang lumabas ako nang banyo. Nang mapatingin ako kay sir Lucas mariin ang titig nito sa akin at ilang beses na napalunok. Tumikhim eto at inalis ang tingin sa akin. “Sir Lucas ayos lang ba kayo?” Tumingin lang eto at hindi nagsalita. Umupo ako sa sofa kong saan ako matutulog. Malapit eto sa salaming dingding. Kinuha ko ang lotion at nagpahid ako sa hita ko. Yumuko ako nang kaunti para maabot ko ang bandang ibaba nang binte ko. “Fúck!” Natigilan ako sa pagpapahid nang lotion nang magmura si sir Lucas. Umayos ako nang upo at tumingin ako sa kanya. Titig na titig eto sa dibdib ko……Bumaba ang tingin niya sa hita ko. Sunod-Sunod ang paglunok niya. Tumingin siya sa lotion na hinawakan ko dahil balak kong etuloy na ang paglalagay nang lotion…… “Sir Lucas gusto n’yo din ba gamitin ang lotion na ‘to? Ang bango niya” turan ko. Muli etong nagmura at inalis ang tingin sa akin. Tutok na tutok ang mata nito sa TV. Nang tingnan ko ang TV may iyakan ang nakikita ko. Kahit kailan ayaw ko manood nang drama. Tumingin muli ako kay sir Lucas na sa TV lang ang tingin at seryoso ang mukha. “Hindi ko akalain na mahilig manood si sir Lucas nang drama” sa isip ko at pinagpatuloy ko ang paglagay nang lotion sa katawan ko. Sinulit ko ang paglalagay nang lotion dahil libre eto at napakabango. Naglalagay na ako nang lotion sa braso ko nang biglang kumulog at kumidlat na kinatatakotan ko. Tumakbo ako sa kama at yumakap ako kay sir Lucas. “What the hell are you doing Freya?! I told you don’t f*****g touch me” sigaw ni sir Lucas at pilit niyang kinakalas ang kamay ko na nakapulupot sa katawan niya. Nagsunod-Sunod ang pagkulog at pagkidlat kasabay nang malakas na buhos nang ulan. Malakas ang kalabog sa salaming dingding lalo akong nakaramdam nang takot kaya hinigpitan ko ang yakap kay sir Lucas at siniksik ko nang husto ang sarili ko sa kanya. “f**k! Freya! Let me go and get out of bed right now!” muling sigaw ni sir Lucas. “Sir Lucas takot ako sa kulog at kidlat” turan ko sa nanginginig na boses. Mula noong bata pa ako malaki na ang takot ko sa kulog at kidlat. Hindi nagsalita si sir Lucas. Tahimik eto. Naririnig ko ang malakas na tíbok nang puso niya. Napaigtad ako nang malakas na kumulog. Sa pag-galaw nang kamay ko sa pagkakayakap kay sir Lucas nakalas ang tali nang robe niya at lumantad sa harapan ko ang hubad niyang katawan. Nawala ang takot ko sa kulog at kidlat nang makita ko ang katawan ni sir Lucas. Napahawak ako sa matigas niyang dibdib. Bumaba ang tingin ko sa puson niya……At nanglaki ang mata ko nang bumaba ang tingin ko sa gitna nang mga hita ni sir Lucas. Hindi ko maialis ang mata ko sa natatagong parte nang katawan niya. “Hala bakit ang laki at ang haba niyan? Nakasaludo at nangangalit parang handang manuklaw. Ganyan ba ang ano nang lalake?” Nang ma-realize kong ano ang nakikita ko at ang mga binitawan kong salita lumayo ako kay sir Lucas. Nag-init nang husto ang mukha ko. Pakiramdam ko pulang-pula na ako. “f**k! f**k! f**k!” Sunod-Sunod na malulutong na mura ni sir Lucas ang pumupuno sa buong silid. Mabilis etong bumaba nang kama at itinali ang roba nang maayos. Ilang beses na binuhol. Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Ginalaw-Galaw ko ang ulo ko para mawala sa isip ko ang eto. Nang tingnan ko si sir Lucas nakapamaywang eto sa harapan ko at masama ang tingin na naman niya sa akin. Kung nakamamatay ang tingin patay na siguro ako ngayon. Binuka nito ang bibig bago pa eto magsimulang manermon at sumigaw inunahan ko na eto…… “Sir Lucas huwag na kayo magalit. Tatanda kayo lalo. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari. Aalis na ako nang kama. Hindi ko sinasadya na makita yang malaki at mahaba mong ano. Baba na ako nang kama at babalik sa sofa. Yan lang palang ano n’yo ang makakatanggal nang takot ko sa kulog at kidlat” Mahaba kong sambit. Ngayon lang ako nakakita nang natatagong parte nang lalake at ang kay sir Lucas pa. Paano ko maiaalis sa isip ko ang nakita ko? Ang tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa parteng ‘yon nang katawan ni sir Lucas kahit na may takip na eto na roba bumabakat pa rin eto. “Liz, stop looking at it. Baka pagsisihan mo pag hindi ka tumigil sa kakatingin mo d’yan” Turan ni sir Lucas. Mahinahon ang pagkakasabi niya na pinagtaka ko. Inalis ko ang tingin ko doon at tumingin sa mukha niya. Tumaas ang gilid nang labi nito na halatang pinipigilan ang mangiti. “May pagkawirdo si sir Lucas” mahina kong turan. Umalis ako sa kama. Naglalakad na ako pabalik sa sofa nang muling kumulog at kumidlat. Tinakbo ko ang dingding at mabilisang isinara ang kurtina para hindi ko makita ang kidlat. Naupo ako sa sofa. Niyakap ko ang mga tuhod ko. Pinatong ko ang baba ko sa tuhod ko. Pinikit ko ang mata ko at tinakpan ko nang magkabila kong palad ang magkabila kong tainga para hindi ko marinig ang kulog. Umangat ako sa ere. Agad kong minulat ang mata ko. Buhat-Buhat na ako ni sir Lucas. Napatitig ako sa seryoso niyang mukha. “Stop staring at me!” turan niya. Sinunod ko agad ang sinabi niya baka sumigaw na naman mabingi ako sa sobrang lapit nang bibig niya sa akin. “Salamat sir Lucas” turan ko. Hindi ko din alam kong bakit ako nagpapasalamat sa kanya. Dahan-Dahan niya akong nilapag sa kama at kinumotan. Pinulupot niya nang husto ang kumot sa katawan ko…… “Sir Lucas hindi na ako makagalaw” “Stop talking kong ayaw mong sa sofa matulog” sigaw niya. Hindi na ako nagsalita. Pinanood ko na lang na maglakad si sir Lucas patungo sa kabilang side nang kama. Ulo ko na lang ang kaya kong igalaw dahil sa pagkakapulupot nang kumot sa katawan ko. Humiga si sir Lucas sa kabilang side nang kama. Malaki at maluwag ang kama kaya hindi kami magkakadikit. Hindi rin ako makakalapit sa kanya dahil sa kumot na nakapulupot sa katawan ko. Tumagilid nang higa si sir Lucas kaya ang malapad niyang likoran ang nakikita ko sa kanya. Gumalaw-Galaw ako para makawala sa kumot. Sa kakagalaw ko nahulog ako sa kama. Malakas na kalabog nang pagkahulog ko ang pumuno sa buong silid. “Aray!” malakas kong sigaw. “What the hell are you doing?” sigaw ni sir Lucas na nakatayo na sa paanan ko. Nakakunot ang noo nito habang mariin na nakatingin sa akin. “Ikaw kasi sir Lucas may kasalanan kaya ako na nahulog. Hindi ako makagalaw binalot mo nang husto ang katawan ko sa kumot” singhal ko. Pagkainis ang nararamdaman ko. Nakita ko na naman ang pagtaas nang gilid nang labi nito. Halatang-Halata naman na pinipigilan ang ngiti nito. Muli akong binuhat ni sir Lucas at inihiga sa kama. Abala si sir Lucas na luwagan ang kumot ko. Nang makawala ang kamay ko sa kumot hinila ko si sir Lucas sa paghila ko napaibabaw si sir Lucas sa akin, tumama ang labi niya sa labi ko. Nanglaki ang mata ko. Ang lambot nang manipis na labi ni sir Lucas. Ang bango niya. Pinikit ko ang mata ko. “Eto na ang ikalawang beses na nasa labi ko ang labi niya. Noong unang pagkikita namin hindi lang ganito ang ginawa niya sa labi ko” sa isip ko. Minulat ko ang mata ko nang hindi ko na maramdaman ang labi niya at ang bigat nang katawan niya sa katawan ko ay nawala na rin. Nakatayo si sir Lucas at mariin akong tinitingnan. Ilang minuto na kaming nagtitigan lang. Natigil ang titigan namin nang may kumatok sa pintoan. Tunagilid ako nang higa paharap sa sofa. Umalis sa harapan ko si sir Lucas at tinungo niya ang pintoan nang bumalik eto may dala etong damit na nasa hanger. Mga damit na suot nito kanina. “Pwede pala magpalaba nang damit dito? Ang galing tuyo na agad” sa isip ko. Inalis ko ang tingin ko kay sir Lucas. Tinalukbong ko ang kumot hanggang ulo ko. Nilalamig ako. Ayaw ko nang harapin si sir Lucas baka sermonan niya na naman ako sa paghila ko sa kanya kanina. Naging tahimik ang buong silid. Hindi nagsalita si sir Lucas ganon din ako…… “Good night sir Lucas” turan ko sa ilalim nang kumot. Hindi pa rin nagsalita si sir Lucas kaya hinayaan ko na lang. “Baka magalit si sir Lucas mamaya pagnakatulog na ako dahil malikot akong matulog. Bahala na. Inaantok na ako” mahina kong turan. Unti-Unting bumibigat ang talukap ko hanggang sa nakatulog ako……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD