Chapter 5

2000 Words
Ikalawang araw na namin sa Alysa’s Paradise. Naging abala kami sa paghahanda at pagaayos para sa gaganaping event. Napakabait ni ma’am Alysa sa akin. Parang gusto ko na lang tumira dito. Napakapayapa walang nakasigaw sa akin araw-araw katulad nang madalas gawin ni tita Maorine. “Liz anong ginagawa mo dito sa dalampasigan” “AY! MALAKING HOTDOG!” naisigaw ko sa pagkagulat sa biglaang pagsasalita ni Claire sa likoran ko. Malakas na tawa ni Claire ang sumunod kong narinig. Lumipat siya sa harapan ko at hindi pa rin mahinto sa pagtawa. Sinira na naman nang bruha ang pagmumuni-muni ko habang nakaupo ako sa buhangin at nakatanaw sa karagatan… “Hoy masaya ka na niyan? Panira ka talaga nang moment” “Ano ba kasi ginagawa mo dito? Wala ako hotdog perlas lang. Mula noong mga bata pa tayo gustong-gusto mo talaga nang ganito ‘yong nauupo sa dalampasigan at mag-moment” “Oo at ikaw naman mula noon panira ka na! Tinanong mo pa talagang bruha ka kong anong ginagawa ko? Malamang nakaupo sa buhangin” Muling tumawa si Claire sa sinabi ko. Napatingin ako sa dulong bahagi nang isla na sinasabi nilang huwag pupuntahan dahil napaka-misteryoso nito. Sa dalawang araw namin sa isla para akong hinahatak patungo doon. Kong hindi dumating si Claire naisipan ko nang tumayo at maglakad patungo do’n. “Anong tinitingnan mo? Hapon naman na Liz wala na tayong gagawin gusto mo bang bumalik na tayo sa cabin nood tayo pelikula. Ang laki nang TV kaya ang ganda manood” “Wala akong tinitingnan. Mauna ka na doon sa cabin dito muna ako. Ang sarap kaya dito sa dalampasigan maupo. Ang ganda pagmasdan nang dagat. Balak ko din lumangoy” “Sige mauuna na ako. Huwag ka magpaabot nang dilim dito Liz baka may multo dito nakakatakot” Ako naman ang natawa sa tinuran ni Claire. Umiral na naman ang kaduwagan niya at papaniwalain sa multo. “Hoy seventeen ka na naniniwala ka pa sa multo” Muli akong napatingin sa dulong bahagi nang isla at sa mala-palasyong bahay na naroon. Kung titingnan mula rito mas malaki pa ang bahay na ‘yon sa bahay nila ma’am Alysa. Pero mukhang walang nakatira doon. “Liz nakatingin ka na naman doon? Huwag mong sabihin na may nakikita ka na hindi ko nakikita?” turan ni Claire at inilapit pa ang mukha sa akin kaya pinitik ko ang noo niya. “Aray naman” “Dapat lang yan sa’yo. Huwag ka naniniwala sa mga multo” “Ikaw nga naniniwala na may prinsepeng mag-liligtas sa’yo” “Magkaiba naman ang prinsepe sa multo” “Bahala ka na nga d’yan manood na lang ako nang pelikula kaysa tumambay dito sa dalampasigan” Mabilis na nawala si Claire sa paningin ko. Tumayo ako at naglakad-lakad. Isang direction lang ang patutungohan nang daan na tinatahak ko ang katabing isla nang Alysa’s Paradise na kanina ko pa tinatanaw mula sa kinauupoan ko kanina. Hindi ko alam kong gaano na ako katagal na naglalakad papalubog na ang araw hanggang sa malayo na ang nilakad ko mula sa kinaroroonan ko kanina. “Hala nasaan na ako?” mahina kong turan at palinga-linga ako. Mukhang naligaw na ako. Nilakad ko ang kakahoyan. Nakakaramdam na ako nang takot dahil mukhang malayo na ako sa Alysa’s Paradise. At sa haba nang nilakad ko hindi ko pa rin makita ang mala-palasyong bahay na nakikita mula sa pinanggalingan ko. Hindi ko alam kong mahahanap ko pa ang daan pabalik. Nagmadali akong sinuong ang kakahoyan nang marinig ko ang tunog nang alon na pahiwatig na malapit na ako sa dalampasigan nang kabilang isla. “Sa wakas narating ko din ang kabilang dalampasigan” Mula sa kinatatayoan ko hindi ko na makita ang daan na pinanggalingan ko……Agad akong napalingon nang makarinig ako nang kaluskos… May tumatakbong puting kabayo papalapit sa gawi ko at doon natutok ang paningin ko. Palapit eto nang palapit sa akin…… At nang nasa tapat ko na eto natulala ako sa taong nakasakay sa puting kabayo. Para etong prinsepe mula sa mga fairy tale na binabasa ko noon na nagkatotoo…Napakakisig nitong tingnan. Kakaiba ang kulay nang mata nito na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko; light brown na may halong gold or tanso. Ang hirap ilarawan ang kulay nang kanyang mata. Para talaga etong prinsepe sa ayos nito. Ang tikas tingnan habang nakasakay sa kabayo…Eto ‘yong sinasabi na makalaglag panty na lalake…At nakadagdag pa nang moment ang papalubog na araw sa likoran nito. Ang lakas nang tibók nang puso ko. Humawak ako sa dibdib ko at pumikit ako…… “Nanaginip ba ako? Prince charming ko na ba ‘to Lord? Ang gwapo naman nang prinsepeng nasa harapan ko. Lord huwag mo na ako gisingin. Sasama na ako sa prinsepe ko” sambit ko. “Who the hèll are you?! Who gave you permission to enter my property?! Get the hèll outta here now!!” Malakas nitong sigaw na nagpamulat sa akin. Bigla akong nakaramdam nang inis sa pagsigaw niya. “Akala niya ba hindi ako nakakaintindi nang english? First honor ‘ata ang kaharap niya” sa isip ko at sinamaan ko siya nang tingin at namaywang ako sa harapan niya. “Akala ko ang prinsepe nang pinapangarap ko ang nasa harapan ko, hindi pala. Prinsepeng pinaglihi sa sama nang loob ang pwedeng itawag sa kanya! tsk tsk” bulalas ko sa sobrang pagkainis ko. “What did you say?!” “Sabi ko po mahal na prinsepe ang gwapo n’yo sana…Kaya lang ang sungit n’yo…Ang mukha n’yo parang pinaglihi sa sama nang loob sa pagkakakunot nang noo n’yo at sama n’yong tumingin. Makasigaw pa kayo parang nasa kabilang parte ako nang isla samantalang nandito lang ako sa harapan n’yo” mahaba kong turan. Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko na sabihin lahat nang nasa isip ko. Nag isang linya ang kilay nang prinsepeng pinaglihi sa sama nang loob, umiigting ang panga at masama ang tingin sa akin at sunod-sunod na mura ang pinakawalan. “Saka mahal na hari binigyan ko po nang permission ang sarili ko na-pasokin ang isla n’yo at—” “Shut the fúck up! And leave now!” malakas nitong sigaw na masakit sa tainga. “Paano ako aalis naligaw nga ako? Saka papadilim na nakakatakot na maglakad muli sa kakahoyan na dinaanan ko kanina. Wala ka bang awa sa katulad kong bata pa na pwedeng pagpyestahan nang mga wild animals sa kakahoyan?” pagpapaawa ko at nagpanggap ako na parang iiyak at napa-English pa ako. Nawala ang tapang ko sa kaharap ko nang mapatingin ako sa dinaanan ko kanina. Bigla akong nangilabot. Madilim na sa kakahoyan. “I don’t fúcking care kong pagpyestahan ka nang mga hayop sa kakayohan. Fúcking leave my property right now before I blow your head off!” “Ang sama-sama naman nang lalakeng ‘to. Mas masama pa kina tita Maoraine” sigaw nang isip ko. Hindi pala prinsepe kundi ang lalakeng walang puso ang nasa harapan ko. Akala niya ba magpapasindak ako sa kanya? Umupo ako sa buhangin at tumanaw sa karagatan. Magmamatigas ako kaysa papakanin ako nang mga hayop sa gubat. “Hindi ako aalis kahit anong gawin nang lalakeng nasa harapan ko. Kaya pala walang nagtatangka na puntahan ang isla na eto dahil may lalakeng pinaglihi sa sama nang loob na may-ari nito. Prinsepeng kulang sa aruga!” mahina kong turan at sumimangot ako sa sobrang pagkainis ko. Nag-angat ako nang tingin sa kanya. Mariin ang titig niya sa akin… “Bakit ganyan ka makatingin? Bumalik ka na sa palasyo mo. Hindi naman kita gagambalain mahal na prinsepe!” mataray kong turan. Kahit nakakatakot tumingin ang lalakeng nasa harapan ko hindi ako magpapakita nang kaduwagan sa kanya. Nakaya ko nga na makasama sila tita Maorine na mukhang kulugo nang maraming taon at natiis ang kasamaan nila eto pa kayang lalakeng ‘to na gwapo kahit pinaglihi sa sama nang loob. Hindi ako magpapasindak sa kanya. “Where the hèll did you come from?” “Alam mo bossing pwede naman magsalita nang walang mura at mahinahon. Kung gusto mo lang naman. Tinatanong mo kong saan ako galing? Isa akong angel na bumagsak mula sa langit mahal na prinsepe pinadala ako nang Diyos para gawin kang mabait” pang-aasar ko sa kanya at tinitigan ko siya. Tumaas ang gilid nang labi nito tanda na pinipigilan ang mangiti. At muling bumalik ang mukha na hindi kakakitaan nang emosyon. Malamig pa yelo at Nakakakilabot etong tumingin. Inalis ko ang tingin sa kanya at muli akong tumingin sa karagatan. Pumikit ako at dinama ko ang malamig na simoy nang hangin na nagpawala nang inis ko sa lalakeng kaharap ko. Minulat ko ang isang mata ko para silipin ang lalakeng nakasakay nang kabayo…Agad kong minulat ang isa ko pang mata nang bumaba eto mula sa kabayo at hinagod nang tingin ang katawan ko at lalong tumalim ang tingin sa akin. “Anong gagawin mo?” Ang lakas nang kalabog nang puso ko nang matitigan ko siya. Nakatayo siya sa harapan ko at ilang dangkal na lang ang pagitan namin. “Nasa six feet siguro ang taas nang lalakeng ‘to dahil hanggang dibdib niya lang ako” sa isip ko at hinagod ko rin nang tingin ang kabuoan niya. “I fúcking hate a woman that bothers my sanctuary! You're not even a woman you're just a girl! I can’t even fúck you! A naive virgin girl is what I hate the most. An inexperienced girl can cause a lot of trouble. You can’t even grip my cóck with your tiny hands. Ang katawan mong bata na tiyak na hindi man lang ako magiinit!” Biglang naging makamundo ang inosente kong utak dahil sa pinagsasabi nang lalakeng nasa harapan ko. Pinaglihi na nga sa sama nang loob, ang bibig nito ang sarap silihan sa sobrang kabastosan. Eto pa naman ang isla na gusto kong tirahan sa paglayo ko sa Sitio Bukang-Buka pero parang hindi na mangyayari dahil sa lalakeng nasa harapan ko. “Hoy Mister virgin pa nga ako at hinding-hindi ko ipagkakaloob sa matandang masungit at walang pusong lalakeng katulad mo ang perlas ko” sigaw ko sa kanya. Umakyat na ‘ata ang dugo ko sa ulo ko sa sobrang pagkainis sa lalakeng nasa harapan ko. “Did you just fùcking call me old?!” mariin nitong turan at nagaapoy ang mata sa galit na ikinangisi ko lang. Hindi naman talaga siya mukhang matanda. Tingin ko twenty-eight or twenty-nine na siya. Kumpara sa akin matanda talaga siya. Dahil kaka-eighteen ko pa lang. “Totoo naman na matanda ka na. Ikaw nga tinawag mo akong bata. Makasigaw ka pa akala mo ang layo-layo nang—” Nanglaki ang mata ko nang ikinulong nito ang mukha ko sa palad niya at mariin na inangkin ang labi ko. Ang labi kong wala pang nakakahalik. Nanigas ang katawan ko. Marahan niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya naipasok niya ang dila sa loob nang bibig ko…Malikot ang dila niya…tinagilid niya ang ulo at naging madiin ang paghalik niya…lalong naglumikot ang dila niya sa loob nang bibig ko…pakiramdam ko na-paralyzed ang katawan ko. Hindi ako makagalaw. Sa kauna-unahang pagkakataon may umangkin sa labi ko…… Nang bitawan niya ang labi ko agad kong hinawakan ang labi ko. Pakiramdam ko namamaga ang manipis kong labi ko sa ginawa niyang paghalik… “You don’t even know how to kiss! Sa susunod hindi lang yan ang aabotin mo pag tinawag mo pa akong matanda” Dahil sa tinuran niya bumalik ako sa katinoan. Mabilis ang kilos ko na dinampot ang maliit na bato sa paanan ko at ibinato ko sa kanya na tumama sa noo niya… “Fúck!!” sigaw nito habang hawak-hawak ang noo. Bigla akong nakaramdam nang takot nang nanglilisik ang mata niya na tumingin sa akin kaya kumaripas ako nang takbo. Hindi ko alam kong mahahanap ko pa ang daan dahil papadilim na. “Bahala na kailangan kong makalayo sa walang hiyang lalakeng ‘yon”……
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD