Liz POV
“Liz tingnan mo ang Isla na ‘yon na nasa kabilang panig parang nakakatakot. Alam mo ang sabi ni tita huwag na huwag ako gagawi doon. Nakailang beses na kasi ako sinama ni tita sa Alysa’s Paradise ang usap-usapan misteryoso daw ang katabing Isla na ‘yon” Agad kong tinanaw ang sinasabi ni Claire na Isla. Mukhang alam ko na kong saan ako pupunta. Kong walang nangangahas na puntahan ‘yon wala akong magiging problema na may pumigil sa akin. At magkakaroon ako nang pagkakataon na makilala ang Prince Charming ko. Baka nagtatago sa isla na ‘yon. Agad akong napangisi.
“Anong nginingisi mo d’yan Liz? Yan mga paganyan mo mukhang may naiisip ka na namang kalokohan” turan ni Claire at nangungunot ang noo niya habang tinitigan ako. Inakbayan ko siya agad. Hindi ko muna sasabihin sa kanya ang plano ko baka sabihin niya kay tita Liwanag at pigilan ako. Saka ko na gagawin sa huling gabi namin sa Alysa’s Paradise. Tatlong araw kaming mananatili sa Isla tutulong sa gaganaping event at sa pagluluto.
“Excited na akong makadaong ang bangka at maiapak ang paa ko sa puting buhangin” masayang turan ko. Noon pa man mahilig na akong magpunta nang dagat. Madalas kong takasan si tita Maorine at nilalakad ko ang patungo sa dagat na hindi naman kalayoan sa bahay namin. Pag wala si Claire kahit magisa ako doon ako madalas tumambay pag inis na inis ako sa mga pinsan ko at kay tita Maorine.
“Hoy bruha hindi tayo nagpunta dito sa Isla para magbakasyon at magliwaliw. Nandito tayo para magtrabaho” nginisian ko lang si Claire.
“Para kang kontrabida best. Alam ko naman yan. Bakit hindi mo ba i-aapak ang paa mo sa buhangin pagbaba natin nang bangka? Lilipad ka ba? Nasaan ang pakpak mo? Hindi ko akalain na aswang ka pala na may tinatagong pakpak. Kaya ba nawawala ka pag gabi?” turan ko at kinapa-kapa ko pa ang likoran niya at itinaas ang t-shirt ni Claire. Malakas na halakhak nang mga kasama namin sa bangka ang sumunod kong narinig.
“Oi masaya na naman kayo. Huwag masyado tumawa baka iba ang kasunod niyan mangamoy dito sa bangka” Muling nagtawanan ang mga tao sa bangka. Si Claire na mapanakit hinampas ang braso ko sa sobrang pagtawa na naman nito.
“Aray ha! Tumawa ka na lang Claire huwag nang manghampas. Ihulog kita sa dagat para kainin ka na nang mga pating” Tumigil si Claire at namutla eto na ikinatawa ko.
“Ang sama mo talaga kahit kailan” turan ni Claire. Ako naman ang tumawa. Natigil lang kami sa pagaasaran nang dumaong na ang bangka sa dalampasigan. Agad akong tumalon kahit hindi pa naiaayos ang bangka.
“Liz magiingat ka nga” sigaw ni tita Liwanag.
“Oo tita Maliwanag naman kaya kita ko ang tinalonan ko” turan ko at ngumisi ako. Napailing-Iling na lang si tita sa tinuran ko. Ilang beses kong nilubog ang paa ko sa buhangin.
“Ang sarap sa pakiramdam. Ganito ang gusto kong tirahan. Malapit sa karagatan” mahina kong turan. Ilang sandali pa sabay-sabay na kaming naglalakad patungo sa malaking bahay. Hindi na bahay eto kundi palasyo na sa laki. May mga cabin din sa palibot.
“Ang yaman-yaman siguro nang may-ari nito” sa isip ko habang pinagmamasdan ko ang labas nang malaking-malaking bahay. Natigilan ako nang lumabas ang isang napakagandang babae na may matamis na ngiti sa labi. Para etong isang manika at may kalakihan ang tiyan nito……
“Baby slow down baka mapano ka” turan nang napakagwapong lalake na nakita ko sa buong buhay ko.
“Nasa langit na ba ako bakit may mga anghel na dito. Lord naman bakit naman kinuha mo na ako agad hindi pa nga ako naaano?” Pumikit pa ako at pinagdikit ko ang palad ko. Para akong nagdadasal sa itsura ko. Nagmulat ako nang mata nang marinig ko ang malakas na tawanan at lahat nang mata sa akin nakatingin nang tumigil sila sa pagtawa.
“Ano ka ba naman Liz. Nakakahiya ka talaga” bulong ni Claire sa akin.
“Hi, anong pangalan mo? Wala ka pa sa langit. Huwag ka muna doon. Ang ganda-ganda mo pa naman. Bata ka pa magasawa ka muna” Natigilan ako at napatitig sa magandang babae na may malaking tiyan sa harapan ko. Napakabait naman niya.
“Maganda na mabait pa” sa isip ko habang tinitigan ko siya.
“Anong pangalan mo?” tanong nito.
“Liz Freya Sandoval ma’am ganda”
Lalo etong gumanda nang tumawa eto at nang tumigil muli akong tiningnan. Pinulupot nang gwapong lalake ang isang braso nito sa baywang nang magandang babae.
“Mag asawa siguro sila?” tanong ko sa isip ko.
“Ma’am Alysa and sir Justin pasensya na po kayo kay Liz”
“Ayos lang Liwanag. Nakikita ko sa kanya ang kapatid kong si Arah. Siguro magkasing edad lang sila ni Liz kaya lang ang kapatid ko masungit si Liz masayahin at makulit” turan ni ganda at muling ngumiti sa akin.
“Ma’am Alysa siguro kasing ganda n’yo rin ang kapatid n’yo. Gusto ko na tumira dito walang mukhang kulugo” Muling malakas na tawanan ang maririnig sa paligid. Hinila na ako ni Claire at tinakpan ang bibig ko. Marahan pang kinurot ang tagiliran ko.
“Tumigil ka na nakakahiya kina ma’am Alysa at sir Justin ang kadaldalan mo” bulong ni Claire.
“Nangurot ka na naman. Ihagis kaya kita sa dagat” bulong ko din sa kanya. Tumigil lang kami ni Claire sa pagbulong nang tumikhim ‘yong gwapong lalake na nagngangalang Justin.
“You can use the big cabin on the left side” Mukhang may pagkamasungit si sir Justin at seryoso hindi katulad nang asawa nitong si ma’am Alysa na laging nakangiti.
“Nice to meet you, Liz” turan ni ma’am Alysa bago eto tumalikod. Agad etong inalalayan ni sir Justin.
“Sana makilala ko din ang prince charming ko. Yong tipong parang sa Cinderella. May gwapong prinsepe na nagligtas sa kanya sa mapangapi na madrasta at dalawang anak nito. Parang si tita Maorine at dalawa kong pinsan ang mga kontrabida sa buhay ko” turan ko at pumikit pa ako na parang nangangarap na ang prinsepe ko nakasakay sa kabayo na nasa harapan ko.
“Hoy Liz!” may pa cinderella ka pang nalalaman. Walang ganyan sa totoong buhay.
“Panira ka talaga Claire. Akala ko ba best friend kita? May pagkakontrabida ka din eh”
“Best friend nga kita kaya ginigising kita sa katotohanan” turan nito at tinapat pa ang mukha sa akin.
“Best ang baho! Mag toothbrush ka nga!” Pangaasar ko sa kanya makaganti man lang sa pangbabasag niya sa imahinasyon ko.
Napatingin ako sa kabilang Isla para akong hinahatak papunta doon.
“Baka doon ko makikilala ang prince charming ko” sigaw nang isip ko.