Liz POV
“Claire bukas na ang alis natin. Excited na ako. Sinabi mo naman kay tita mo na sasama ako sa Isla diba? Nakahanda na ang mga gamit ko lilisanin ko na ang Sitio Bukang-Buka at maninirahan na ako sa Sitio Matigas” Hindi ko napigilan ang mapangisi. Hindi napigilan ni Claire ang mapahalakhak.
“Huwag kang nakikinig lagi sa mga pinsan mong mahilig manood nang malaswang palabas. Oo sinabi ko na kay Tita na sasama ka. Saan mo itinago ang mga gamit mo? Alas-tres nang madaling araw ang alis natin. Tiyak na naghihilik na ang tita Maorine mo nang oras na yan” Hindi ako nakakaramdam nang takot sa pagalis ko. Sobrang nasasabik ako sa pupuntahan naming Isla at ang paglayo ko nang tuloyan sa Sitio Bukang-Buka.
“Oo baka tulo laway na si Tita at ang dalawa kung pinsan sa mga oras na yan. Nakagawa na nga ako nang sulat para kay Tita. Kahit naman mukha silang mga kulugo magpapaalam pa rin ako” Panabay pa kaming nagtawanan ni Claire sa tinuran ko.
“Hi My Loves, gusto mo ako na ang tatapos nang nilalabhan mo?” turan ni Porcopio na bigla na lang sumulpot sa kung saan. Sana hindi niya narinig ang pinagusapan namin ni Claire.
Nasa ilog kami ni Claire. Walang pasok kaya ang daming pinalabhan ni Tita Maorine. May pera naman ayaw bumili nang washing machine gusto niya talaga na sa ilog ako naglalaba at nahihirapan sa paglalaba gamit ang kamay ko.
“Naku naman Porcopio tigil-tigilan mo ako hindi mo nga magawang magsipolyo maglaba pa kaya” Sadyang may pagkaprangka ako. Lahat nang nakikita ko at naiisip ko sinasabi ko nang harapan.
“Grabe ka talaga My Loves mapanakit ka nang damdamin”
“Hoy Porcopio hindi ako mapanakit sinasabi ko lang ang katotohanan” turan ko at nginisian ko siya. Marahan akong kinurot ni Claire sa hita.
“Claire naman ang sakit nang kurot mo”
“Tigilan mo na si Porcopio. Magalit sayo ang pinsan mong si Maya alam mo namang crush na crush no’n si Porcopio” bulong ni Claire sa akin.
“Bagay silang dalawa isang kulugo at isang maarte” bulong ko din.
“Paano naman naging bagay ang kulugo at maarte?”
“Ganito kasi ‘yon pag sobrang arte tutuboan nang kulugo. Tapos magkakaanak sila nang pigsa” bulong kung muli kay Claire. Malakas na halakhak ni Claire ang maririnig sa paligid.
“Makaalis na nga pinagtatawanan niyo na akong dalawa. Bye My Loves hatid kita bukas nang motor ko”
Muli kaming tumawa nang malakas ni Claire nang makaalis si Porcopio. Kahit naman anong sabihin ko kay Porcopio balewala lang dito. Lagi pa rin akong kinukulit. Para etong bato na walang pakiramdam.
“Kahit bilad ka sa araw Bff hindi ka umiitim. Samantalang ako para na akong sunog na sinaing sa kaitiman lalo na at naglalagi tayo sa ilog. Nginisian ko lang si Claire. Hindi ko din naman alam kung kanino ako nagmana. Wala akong kinalakihang ama at ina. Ang dami nga nagsasabing ibang-iba ang itsura ko sa mga pinsan ko.
“Baka pinaglihi ako sa araw kaya hindi ako tinatablan nang araw”
“Iwan ko sa’yo mababaliw ako tuwing kausap kita” mahina akong hinampas ni Claire sa hita sa tuwa na naman nito.
“Ako naman bugbog sarado pag kasama kita. Wala ka nang ginawa hampasin ako” Nang akmang hahampasin na naman ako ni Claire inunahan ko na siya mariin kong kinurot ang hita niya kaya napatili si Claire na ikinangisi ko lang.
“Liz Freya walanghiya ka talaga ang sakit nang kurot mo” Nginisian ko lang si Claire at pinagpatuloy ko na ang paglalaba.
*****
Sa paghihintay ko nang pagalis namin ni Claire hindi ko na nagawang matulog. Ilang beses akong uminom nang kape para hindi ako makatulog. Ngayon ang ika-labing walong kaarawan ko at ngayon din ang pagalis ko sa Sitio Bukang-Buka at pagalis ko sa bahay ni Tita Maorine. Kahit naman masungit si Tita nakakaramdam ako nang kaunting lungkot sa pagalis ko. Kinasayan ko na ang bunganga niya at kinasanayan ko na ang kaartehan nang dalawa kung pinsan.
“Kaunti lang ang lungkot ko sa pagalis ko. Hindi pwedeng marami kasi pag hindi ako umalis baka magmukha na rin akong kulugo” Mahina kung pagkausap sa sarili ko.
“Nababaliw na ‘ata ko sa dami nang kapeng nainom ko pati sarili ko kinakausap ko na” mahina kung turan. Sampong minuto bago ang alas tres hinagis ko ang bag na naglalaman nang damit ko sa bintana. Tinanaw ko pa eto kung saan bumagsak para madali kung makuha mamaya. Nang pumatak ang alas tres dahan-dahan kung binuksan ang pintoan nang silid ko at sumilip muna ako kung may tao. Mabilis ang kilos ko nang masiguro kung walang tao na makakakita sa akin. Tinakbo ko ang pintoan at agad akong lumabas nang bahay…
“Hoy! Akala ko hindi ka na lalabas”
“ANAK NANG KULUGO!!” naisigaw ko sa sobrang gulat sa biglaang pagsalita ni Claire sa likoran ko. Agad kung hinila si Claire patungo sa may bintana at mabilis kung kinuha ang bag ko. Tumakbo ako nang mabilis nang makita ko ang pagbukas nang ilaw sa loob nang bahay.
“Liz ang bilis mong tumakbo!”
Pareho kaming hingal na hingal ni Claire nang tumigil kami sa pagtakbo. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kabang naramdaman ko nang bumukas ang ilaw sa bahay. Tiyak na nagising si Tita Maorine.
“Ikaw kasi ginulat mo ako kaya napasigaw ako. Nagising siguro si Tita Maorine. Pwede na akong sumali sa paligsahan nang takbohan. Sana’y na sanay na akong tumakbo palayo kay Tita Maorine” turan ko nang mawala na ang hingal ko na ikinatawa ni Claire.
“Tara na naghihintay na si Tita sa labas nang bahay” Agad akong humawak sa braso ni Claire. Kung saan man ako mapadpad sa pagalis ko sa Sitio Bukang-Buka sana wala nang mukhang kulugo at wala nang palasigaw sa mapupuntahan ko.
“Paalam Sitio Bukang-Buka sana sa pagbabalik ko dito iba na ang pangalan nang Sitio. Mas maganda kung Sitio Tigas na Tigas” Malakas na halakhak ni Claire ang sunod kung narinig. Tinakpan ko agad ang bibig niya baka magising ang mga kapitbahay sa lakas nang pagtawa niya. Inosente nga ang katawan ko sa lalake pero ang utak ko naman ay hindi dahil sa dalawa kung pinsan na laging nagkukwentohan sa pinanood nilang malaswang palabas na naririnig ko.
“Hi Tita Liwanag. Kahit madilim kitang-kita ang kagandahan mo Tita. Mas maliwanag pa sa sikat nang araw ang kagandahan mo Tita” turan ko na ikinangiti ni Tita Liwanag.
“Ikaw talaga Liz nambola ka na naman. Handa ka na ba?”
“Opo Tita handang-handa na ako. Ikaw Tita handa ka na ba?”
“Pumasok ka na nga Liz sa sasakyan. Ang kulit mo talaga. Claire tabi na lang kayo ni Liz sa likoran” Sumunod agad ako kay Claire sa pagpasok niya sa loob nang sasakyan. Umayos ako nang upo.
“BFF mamimiss kita na hindi makita araw-araw. Wala nang manglilibre sa akin at wala na akong bff na maganda” Sa totoo lang nakakaramdam ako nang lungkot sa pagalis ko. Marami pa ring magagandang memories ko na kasama si Claire simula nang bata pa kami. Mabait ang mga magulang ni Claire sa akin. Madalas ko noon tinatakasan si Tita Maorine at sa bahay nila Claire ako lagi nagpupunta.
“Mamimiss din kita Bff wala na akong kaibigan na baliw at maraming kalokohan”
“Grabe ka sa akin baliw talaga. Tinawag na nga kitang maganda kahit cute ka lang tapos sasabihan mo akong baliw” turan ko at nginisian ko si Claire. Ang bruha kung bff na kakampi ko sa lahat nang bagay.
“Matulog ka na lang Liz kung ano-ano na naman sinasabi mo”
Isinandal ko ang ulo ko saka ako pumikit. Ngayon ko lang naramdaman ang antok nang umusad na ang sinasakyan namin.
“Paalam Sitio Bukang-Buka. Paalam Tita Moarine, Maya at Magda” sa isip ko.