Chapter Eight

2416 Words
"JESTER, nakita mo ba si Sumi?" tanong ni Miguel sa pinsan. Kadarating lang niya ng mga oras na iyon galing sa presinto, nang tumingin siya sa suot niyang relo ay mag-aalas otso na ng gabi. "Kanina napansin ko, nandoon yata sa back garden." Sagot nito. "Bakit malungkot 'yon? Nag-away ba kayo?" tanong pa ni Marisse. "Hindi ah!" mabilis niyang sagot. "Puntahan mo na kaya, pagdating n'ya kanina malungkot na siya. Mugto pa nga ang mata eh." Sabi pa ni Mark. "Hindi ka ba pumasok sa opisina?" tanong pa niya dito. "Pumasok, maaga lang akong umuwi." "Mamaya ka na magkipag-tsikahan diyan. Puntahan mo na 'yong Irog mo!" ani Marisse, pagkatapos ay tinulak siya nito papunta sa back garden. Pagdating niya doon, nakita niyang nakaupo ito sa duyan. Agad niya itong nilapitan nang makita niyang umiiyak ito. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya agad dito. Maingat na hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Saka tinuyo niya ng daliri ang luha nito. "Sinabi ko na ang totoo kay Nanay, tungkol sa dati kong ginagawa. Sinampal niya ako." Kuwento pa nito. "Pinatawad naman niya ako. Pero hindi maalis sa isip ko 'yung sinabi niya. Galing sa masama ang pinangbuhay ko sa kanila noon. Nakakahiya. Lalo na sa'yo." "Sumi..." "Miguel, sorry ha? Kung sinubukan kitang pagnakawan noon." Sabi pa nito. "Shhh! Nag-usap na tayo tungkol diyan. Kinalimutan ko na 'yon, at naiintindihan ko kung bakit mo nagawa 'yon." Sagot pa niya. "Pero..." "Ayokong nakikitang umiiyak ka, Sumi. Nasasaktan ako. Gusto ko, palagi kitang nakikitang masaya. Hayaan mong maging bahagi ako ng bagong buhay na binubuo mo." "Miguel," Tinitigan niya sa mata ang dalaga. Naroon ang lungkot. Ngunit naroon din ang emosyon nito. And it makes him wonder, what kind of magic does her eyes had? Noong gabing makita niya ang lungkot sa magagandang mga mata nito, pinangako na niya sa sarili na siya ang maghahatid ng saya doon. Na isang araw, makikita niyang muling nakangiti ito. "Tahan na. Sabi mo nga, maayos na naman kayo ng Nanay mo." "Nagi-guilty lang kasi ako." "Ang importante, nagsisimula ka na ulit ng bago at magandang buhay." "Utang ko sa'yo lahat ng iyon." Anito. Umiling siya. "Wala kang utang sa akin. Ginawa ko 'yon dahil iyon ang tamang gawin." Parang may humaplos na puso niya ng sa wakas ay ngumiti na ito. Gaya ng ginawa niya, hinawakan din nito ang magkabilang pisngi. "Hindi ako magsasawang magpasalamat sa Diyos, dahil nagpadala siya ng Anghel. Isang napakaguwapong anghel." Nakangiting wika nito. Sa isip ni Miguel nagtatatalon na siya sa papuring tinanggap niya mula dito. "Puwede na ba akong manligaw sa'yo?" tanong pa niya. Natawa ito. "Sira! Tigilan mo nga ako!" "Seryoso kaya ako." "Huwag mo nga akong bibiruin ng ganyan. Hindi tayo bagay." Sagot nito. "Bakit naman? Ikaw na nagsabi, guwapo ako. Maganda ka naman. Anong problema doon?" tanong niya. "Malaki ang agwat ng buhay natin." Anito. "Wala akong pakialam, Sumi." Seryosong sagot niya. Nawala ang ngiti nito. "Anong ibig mong sabihin?" Sasagot pa lang ito ng mapalingon siya sa bandang likod niya. May narinig siyang kaluskos mula sa likod ng bakod nila, kung saan maraming mga halaman. Sumenyas siya dito. "Shhh! Huwag kang maingay." Mahina ang boses na sabi niya. "Bakit?" Hindi niya ito sinagot. Dahan dahan siyang tumayo saka tinalasan niya ang mga mata. Muli siyang napalingon ng muling may kumaluskos mula sa bandang sulok. "Diyan ka lang," bulong niya dito. "Saan ka pupunta?" tanong nito. "Basta, diyan ka lang." Dahan-dahan niyang binunot ang baril na nasa beywang niya. Saka kinasa 'yon. Muli na naman niyang narinig ang kaluskos. Marahil ay natatakot, kaya sumunod si Sumi sa kanya, at halos sumiksik sa likod niya. Lalo siyang naging alerto ng biglang may isang tao na lumabas doon sa pinanggagalingan ng kaluskos. Dahil mababa ang bakod nila sa likod bahay, kaya kitang-kita ang kahit na sinong naglalakad sa kabilang kalye. Lumingon pa ito bago tumakbo ng mabilis. Itim ang suot nito, maging ang ulo nito ay may bonet at mata lang halos ang kita. "Hoy! Tigil!" sigaw niya. Sa isang iglap ay natalon niya ang bakod nila saka sinubukang habulin taong nagmamanman sa kanila. "Tumigil ka sinabi eh!" sigaw ulit niya. Nagulat pa siya ng bigla itong sumakay sa isang nakaparadang motor, saka mabilis na pinasibad iyon. Napasigaw siya sa inis dahil hindi niya naabutan ito. Sino ka? Bakit ka nagmamanman? "SINO kaya ang minamanmanan ng taong 'yon dito?" tanong pa ni Karl pagkatapos ay tumingin ito sa kanila ni Miguel. "Maaaring ako. Marami na rin akong kasong hinawakan. Anyway, hindi na rin naman bago sa akin 'to." Sagot ni Miguel. Napabuntong-hininga si Sumi. Hanggang ngayon ay nababalot pa rin siya ng takot. Pasalamat na rin siya dahil wala itong ginawa sa kanila, kung tutuusin kung may dalang baril 'yon. Maaari silang barilin nito ano mang oras. "Miguel, paano kung ako ang pakay ng taong 'yon?" tanong niya. Tumingin ito sa kanya, hinaplos nito ang isang pisngi niya. "Hindi ako papayag na masaktan ka." Seryosong sagot nito. "Iyan na nga ba ang palagi kong sinasabi sa'yo na bata ka! Palaging nasa panganib ang buhay mo. May mga negosyo ka naman. Sigurado naman akong kaya kang buhayin ng mga iyon. Pero pilit mo pa rin isinisiksik ang sarili mo sa pagpupulis. Aba eh, mamamatay kami ng Lolo mo sa pag-aalala sa'yo." Sermon ni Lola Dadang. Nilapitan nito ang dalawang matanda saka inakbayan ito. "Lolo, Lola. Huwag na po kayong mag-alala sa akin. Kaya ko naman po ang sarili ko. Ang mahalaga sa akin, safe kayong lahat." Sabi pa nito sa dalawang matanda. "Pinsan," baling ni Miguel kay Jefti. "May lisensiya naman kayong humawak ng baril. Alam n'yo na kung saan nakalagay ang koleksiyon ko. Para in case na magkagulo. Sina Lolo at Lola, unahin ang safety nila." Bilin pa nito. "Got it!" sagot ni Jefti. "Oo, huwag kang mag-alala. Alam na namin 'yon." Sagot naman ni Wayne. "Okay. Good." Ani Miguel. Napabuntong-hininga siya. Bakit ba may kutob siyang siya ang target ng misteryosong tao na iyon? Hindi rin naman malayong siya ang maging target. Marami na rin siyang naging atraso sa ibang tao. Posible na isa sa mga iyon ang nakatanda sa kanya at ngayon lang gumaganti. "Marisse, doon ka na matulog sa bahay." Utos ni Marvin sa kakambal. "Hindi na, dito na lang muna ako kila Lola." Tanggi nito. "Doon ka na muna! Para sigurado. Si Sumi, doon mo na muna siya patulugin sa kuwarto mo Miguel." Suhestiyon ni Kevin. "Pakialamero ka talaga!" singhal ni Marisse sa huli. Napansin niyang kumunot ang noo ni Kevin. "O 'di sige, simula ngayon wala na tayong pakialamanan." Seryosong wika nito, saka mabilis na lumabas ng bahay. "S-sa kuwarto ni Miguel?" ulit niya. "Oo, at least sigurado na mababantayan ka." Sagot naman ni Mark. "Bakit? Ayaw mo?" tanong pa ni Glenn sa kanya. "Hindi naman sa ayaw, pero—" "Huwag kang mag-alala, Sa kama ka matulog. Sa lapag ako." Putol ni Miguel sa sinasabi niya, na parang nahulaan nito ang nasa isip niya. Hindi naman sa ayaw niya. Nag-iingat lang siya. Hindi kasi niya hawak ang sariling damdamin. Baka mas lalo siyang mahirapan tikisin ang tunay niyang pagtingin para kay Miguel. "Aba eh, Dadang. Halina't matulog na tayo. Sumasakit na naman ireng balakang ko." Yaya ni Lolo Badong sa esposa nito. "Paano bang hindi sasakit iyang balakang mo, sukat ba naman mag-gym ka kanina. Akala mo eh, kalaki pa rin ng katawan mo. Mukhang may popormahan ka na naman babae!" sermon naman ni Lola Dadang sa asawa. "Susmaryosep naman! Nagselos ka na naman! Alam mo naman ikaw lang ang mahal ko." Paglalambing pa ni Lolo. "Lola, huwag na po kayong magselos. Halos isang barangay na ang anak n'yo." Sabad ni Jester. "O siya! Magsiuwi na kayong mga bata kayo! Lumalalim na ang gabi. Hamo't makapagpahinga na pare-pareho." Ani Lola. Agad na sumunod ang magpi-pinsan. Nagsiuwi na ang mga ito sa kani-kanilang bahay, maliban kina Miguel, Wesley, Jefti at Kevin na doon sa bahay ni Lolo Badong nakatira. Nang maiwan silang dalawa sa sala. Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa. Kapwa nanatiling nakaupo na magkatabi sa sofa. Hindi kasi niya alam kung anong sasabihin niya. Naalala na naman niya ang unang beses na dumating siya sa bahay na iyon. Pinatuloy siya nito sa kuwarto nito, hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na siya. Paggising niya kinabukasan, magkatabi na sila sa kama. Bigla ay nakaramdam siya ng pag-iinit ng mukha. Kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib niya. "Are you okay?" tanong nito. "Oo. Medyo ninenerbiyos." Sagot niya. Napatingin siya dito ng wala sa oras ng bigla nitong hawakan ang kamay niya. "Huwag kang matakot, Sumi. Pangako. Hindi kita papabayaan. Nandito lang ako sa tabi mo." Diretso sa matang wika nito. "Bakit mo ba ginagawa ito, Miguel?" "Dahil gusto ko. Dahil gusto ng puso ko." Sagot nito. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ulit niya. Matagal bago ito nakasagot. Pero matagal din itong nakatitig sa kanya, animo kinakabisado nito ang bawat parte ng mukha niya. "I think I'm in love with you," diretsong sagot nito. Daig pa ni Sumi ang nasabugan ng time bomb sa tenga niya. Kasunod niyon ay ang mas mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Nangilid ang luha niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Parang humihiyaw sa tuwa ang puso niya. Pero sa isip niya, naroon ang takot. Naroon ang alinlangan. Dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang maipagmamalaki kay Miguel. Wala siya kumpara dito. Maging sa pamumuhay. Kung hindi pa siya tinulungan nito ay hindi sila makakaahon sa problema. "Huwag," aniya. Nabalot ng pagtataka ang mukha nito. "Bakit huwag? Ayaw mo ba sa akin?" "Huwag ako ang mahalin mo. Narito ako sa bahay n'yo, bilang kabayaran sa tulong na binigay mo para sa kapatid mo. Ayokong sabihin ng mga tao na sinasamantala ko ang kabaitan ko. Hindi tayo bagay. Malaki ang agwat ng pamumuhay natin. Masyado kang mataas kumpara sa akin." Mahabang paliwanag niya. Pagkatapos niyon ay gusto niyang batukan ang sarili. Parang bigla niyang gustong bawiin ang sinabi niya. Kahit na ang totoo ay mahal na mahal din niya ito. "What the hell are you talking about, Sumi?" galit na tanong nito. "Bakit ba palagi mong isinisiksik sa isip mo ang laki ng agwat ng buhay natin?"  "Dahil iyon ang totoo!" pasigaw niyang sagot. "Dahil iyon ang pilit mong isinisiksik sa isip mo kahit hindi naman dapat!" galit din sagot ni Miguel. Marahas na napabuga ito ng hangin, saka tila nakukunsuming sumandal sa backrest ng sofa na inuupuan nila. "Matutulog na ako." Pag-iwas niya, saka agad na tumayo. Pagtayo niya ay agad siyang naglakad papunta sa pinto ng kuwarto niya. Nasa loob na siya ng silid ng mahagip nito ang isang braso niya. Nagulat na lang siya ng pihitin siya nito paharap dito saka siya hinapit nito sa beywang palapit sa katawan nito. "Miguel, bitiwan mo ako." Sabi niya. Ngunit parang wala itong narinig. "Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa atin. O tungkol sa'yo. Ikaw ang tinitibok ng puso ko at wala ng maaari pang kumwestiyon doon. Kung sa tingin mo ay nasa taas ako. Handa akong bumaba para sa'yo, para lang makasama ka. Para maiparamdam ko sa'yo kung gaano ka kaespesyal sa buhay ko. At para masabi ko sa'yo. Miss Sushmita Mae Librada. Mahal na mahal kita." Napuno ang puso niya ng sobrang ligaya. Sunod-sunod na pumatak ang luha niya sa magkabilang pisngi. Hindi niya alam kung anong kabutihan ang ginawa niya para matanggap ang ganitong klaseng pagmamahal. Lalo na at galing iyon sa isang gaya ni Miguel. Bumuntong hininga ito, pagkatapos ay agad na pinunasan ng mga daliri nito ang pisngi niya. "Sabi ko naman sa'yo, ayokong nakikita kitang umiiyak." "Bakit ba kasi ang bait mo? I'm sorry. Masyado akong na-insecure sa sarili ko." Sa wakas ay sabi niya. "Hindi mo naman ako masisisi, 'di ba? Wala akong pinag-aralan, ni hindi nga ako nakatapos ng highschool. Kung tatanggapin ko ang pag-ibig mo, hindi ang isang tulad ko ang puwede mong ipagmalaki sa ibang tao. Ikaw ang mapapahiya. At ayokong mangyari 'yon." "Why do you worry on a lot of things? Masyadong advance ang utak mo. Uulitin ko ang sinabi ko, wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao." Sagot naman nito. Nahigit niya ang hininga ng mas lalo siyang hinapit nito palapit dito. Mas lalong nagdikit ang katawan nila. "Isang tanong. Isang sagot. Mahal mo ba ako o hindi?" halos pabulong na tanong nito. Naging triple ang lakas ng kabog ng dibdib niya. "Ha? Teka nga, ano ba sa akala mo ang ginagawa mo? Ini-interogate—" Naputol ang sasabihin niya ng biglang nitong sakupin ang labi niya. Nanlaki ang mga mata niya. Pilit niya itong tinutulak palayo, pero sa halip ay sinandal siya nito sa pader para marahil ay mapigilan ang pagtutulak niya dito. Hanggang sa tuluyan na siyang madala sa mga halik nito. Namalayan na lang niya ang sarili na gumaganti ng halik dito, habang nakayapos ang dalawang braso niya sa batok nito. Ilang sandali pang nagtagal ang halik na iyon bago sila naghiwalay na dalawa. Pinagdikit ni Miguel ang noo nila. They smiled at each other. He caressed her cheeks with his hands. Kinintalan pa siya ng halik nito sa noo. "You kissed me back. I guess, that's a yes." Sabi pa nito. Hinaplos din niya ang dalawang pisngi nito. "Oo. Kahit anong pigil ko na huwag kang mahalin, ayaw pumayag ng puso ko. Pangalan mo lang ang sinisigaw nito." Sagot niya. "I want to hear it. Please say that you love me." Anito. Ngumiti siya saka tinitigan ito ng buong pagmamahal. "Mahal na mahal kita, Miguel." Sa wakas ay wika niya. Pakiramdam ni Sumi ay nawala ang bigat sa dibdib niya. Sa isang iglap ay tila ba nawala ang nararamdaman niyang pag-aalinlangan, ang takot. "That's more like it." Masayang-masaya na sabi ni Miguel. Saka muli siyang hinalikan nito. "Mahal na mahal din kita, Sumi." Sa buong buhay niya, iyon na yata ang pinakamasayang araw niya. Naputol ang masayang sandali nila ng biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. "May ka-textmate ka?" tanong ni Miguel. "Sira! Wala ah!" natatawang sagot niya. Tumingin pa ito sa suot nitong relo. "Alas-onse na ah, nagte-text pa ba sa'yo ang Nanay mo ng ganitong oras?" tanong ulit nito. "Hindi. Alas-nuwebe pa lang tulog na 'yon." Kaswal niyang sagot. Ganoon na lang ang gimbal niya ng basahin niya ang dumating na text message. Kasunod ng pagyakap ng takot sa buong katawan niya. Masuwerte ka pa rin Sushmita Mae Librada. Nakaligtas ka sa akin kanina. Pero sa susunod, sisiguraduhin kong mapapatay na kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD