MABUTI na lamang at nailigaw ni Lorenzo ang aming kalaban. Isinandal ko ang sariling likod sa kinauupuan.
"You can't go back to where you're staying, the enemies might track you," tugon ni Lorenzo sa akin.
"Paano ang mga gamit ko ro'n?" palatak ko.
"What do you think is more important? Your own life or your damn freaking things?" iritado nitong saad.
"Bakit ka ba nagagalit?" nakanguso kong tugon dito.
"I'm not, I'm just reminding you."
"Huwag mo akong gawing tanga, Lorenzo!" inis kong sagot dito.
Binalewala lang ako nito. Kunot-noong napasulyap ako rito nang mapansin ang malaking building kung saan huminto ang aming kotse.
"Where are we?" takang-tanong ko rito.
"To a place where you belong, princess," simpleng sagot nito. Saka ito umibis mula sa aking kotse.
Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. Damn it! Inis na umibis ako mula sa kotse at sumunod sa lintik na si Lorenzo. Wala akong choice kundi ang makinig dito lalo na at nasa panganib na rin ang buhay ko.
"Bakit ko pa kasi kayo nakilala?" palatak ko.
"Fate leads you to us," tipid na sagot ni Lorenzo sa akin.
"That's freaking bullsh*t!" asik ko.
"You can't change your fate."
"I can change it!"
Pinagtawanan lang ako nito at pumasok kami sa looban ng naturang building. Pumasok kami sa entrance. Tahimik ang naturang lugar pero puno iyon ng ilang CCTV cameras.
"Dito na ba ako titira?" tanong ko rito.
"What do you think?" sarkastikong sagot sa akin ni Lorenzo.
"Ba't ba napaka-pilosopo mong magsalita?" mataray kong tanong dito.
"I don't need to explain that further to you," sagot nito sa akin na mas nagbigay inis at irita sa akin.
"Gago ka pala kung ayaw mong ipaliwanag sa akin ang lahat," palatak ko rito. Nanatiling nakasunod lang ako rito.
Dim light lang ang naroon sa naturang lugar. Pumasok kami sa isang private room, at nang buksan nito iyon narinig ko agad ang kakaibang ingay ng mga ilang taong nagsasaya.
Halos mahilo ako sa ingay, at sa ilang mga usok na tila pumailanlang sa naturang lugar. Mga sugalan ang mga nakikita ko. Daig pa yata ang Casino sa lugar na ito. Nanatiling nakasunod lang ako kay Lorenzo.
Nang may biglang humarang na isang lalaki sa dinaraanan ko. Hindi ko ito pinansin at lumihis sa ibang direksyon ngunit makulit ang bruho.
"Ciao bellezza," nakangiting ani pa nito sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang ngisi na nakapaskil sa mga labi ko.
"Tabi!" inis kong utos dito. Napasulyap ako kay Lorenzo ni hindi man lamang ako nito tinulungan. What the! Ngumisi lang ang bruho.
"Pardon?" Sa wakas ay ani nito sa wikang Ingles.
"Get out of my way, asshole!" inis kong turan dito.
"Oh, I see. So, nagsasalita ka pala ng Tagalog?"
Lihim akong nagpasalamat at mukhang hindi na ako mahirapan sa pakikipag-usap sa ungas na ito. Sa inis ko'y itinulak ko ito ng marahas sa malapad nitong dibdib dahilan para muntik na itong mawalan ng balanse.
"Damn it, ang angas mo, a!" asik nito at mabilis ako nitong binalikan, but not so fast dahil sinalubong ko ito ng isang malakas na suntok gamit ang kaliwa kong kamao.
At dahil sa pangyayaring iyon nagulat ako nang pumalibot sa akin ang ilang mga tauhan na sa tingin ko'y tauhan ng lalaking sinuntok ko.
"F*ck!"
Sinugod ako ng mga ito, at maagap na isa-isa kong pinatumba ang mga kalaban using my stilleto heel that is made of steel.
Yeah, kaya kailangan kong maging handa sa mga taong nais akong saktan. Dahil iyon ang pinakatandaan ko na siyang palaging pinapaalala sa aking amang si Israel.
Nang makita kong may baril ang isa, mabilis ang kilos na nagtago ako. Damn it! Inis na nagngitngit ako sa inis nang mapansin ang demonyong ngiti ni Lorenzo. Bullsh*t!
Naririnig ko ang sigawan at takbuhan ng ilang mga tao. Inihanda ko ang sarili.
"Kill her!"
Pinaulanan agad ako ng bala at himalang buhay pa ako. Siyempre, marunong akong umiwas sa bala. Well-trained yata ako ng aking ama. Ano'ng silbi ng gulong, tago, at takbo ko dati habang ako'y pinapahirapan ng aking ama noon sa puspusang training at hindi ko magagamit ngayon?
"Nawala!" narinig kong ani ng isa. Ngumisi ako.
Sinipa ko ang isang silya at doon na ngayon naka-focus ang mga kalaban at pinaulanan iyon ng bala. Umikot ako at dahan-dahang nilapitan ang tila bobong isang tauhan. Wala akong choice kundi ang gawin ang neck snapping, I violently twist his head using my dominant bare hands. At maagap na nakuha ko ang baril at niratrat ang mga kalaban gamit iyon. Hanggang sa ang itinira ko na lang ay ang lalaki kanina.
Pansin ko ang takot sa anyo nito. Hinihingal na hinarap ko ito. "Ikaw ang isusunod ko oras na ginalit mo ako," ani ko rito. Napaatras ito.
"Good job, princess. He's one of our enemy," nakangiting tugon ni Lorenzo at pumalakpak pa ang bruho.
"F*ck you, Lorenzo!"
"Sign this and we are done, Mr. Cheng," saad ni Lorenzo sa naturang lalaki.
"I will never sign that damn, papers!"
"Kill him, head shot!" utos ni Lorenzo sa akin.
"Ano?!" bulalas ko.
"Yeah, I command you to shot him," simpleng sagot ni Lorenzo.
"I can't, damn it!" asik ko rito.
Ngunit wala pang ilang segundo narinig ko na ang malakas na putok ng baril at tumalsik pa sa mukha ko ilang dugo na nagmumula sa taong kanina lang ay sinubukan akong patayin. Si Mr. Cheng, binaril ito sa ulo ni Lorenzo. Ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. What the heck!
Lumapit si Lorenzo sa nakandahusay na katawan ni Mr. Cheng. Nakita ko ang thumb mark scanner na hawak ni Lorenzo. Dinampot niya ang dalawang hinlalaki ni Mr. Cheng. Wala akong naintindihan sa ginagawa nito. Still, nanatili akong tulala. It is my first time na masangkot sa ganoong p*****n.
"There is more to come that is more brutal than what you see and you experience, princess," nakangiting tugon ni Lorenzo sa akin. "You can't escape your fate."
"Sino ba talaga kayo!" inis kong tanong dito.
"Nipote, we are the Cosa Neur. This is our world, princess."
Gulat na napalingon ako sa taong nagsalita mula sa aking likuran. Damn, hindi ko kayang maniwala pero bakit biglang pumasok sa isipan ko ang ilang mga makahulugang sinasabi noon ni Papa Israel sa akin?
Iyong mga sinasabi nito noon sa akin na dapat daw akong maging handa sa kasalukuyang darating? Nalilito ako.
"Let's go!" Marahas na itinulak ako ni Lorenzo. Damn! Inis na pinukol ko ito ng nakamamatay na tingin.
"Take good care of our princess, Lorenzo."
Yumuko lang si Lorenzo bilang paggalang sa lalaking nagpakilala kong abuelo. Diretso lang ang lakad ko habang nasa likuran ko si Lorenzo.
Biglang tumunog ang aking cellphone. Nang silipin ko iyon, it's my ate Raiyah. Pinatay ko kaagad ang tawag.