KANINA ko pa napapansin na may sumusunod sa akin. Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo at pilit na binalewala iyon. Sakay ako ng sariling Ferrari. Kitang-kita ang symbol nito, ang Prancing Horse.
Muli, napasulyap ako sa rearview mirror. Biglang nawala ang tila parang sumusunod. Maybe, baka guni-guni ko lang 'yon. Pero hindi ko maiaalis ang maalala si Lorenzo.
Mukhang hindi ko yata ma-enjoy ang vacation ko rito. Ramdam ko kasi ang kakaibang pakiramdam na kay hirap ipaliwanag kung ano.
Narinig kong tumunog ang aking cellphone. Si sis Lyn ang nasa kabilang linya. Sinagot ko ito.
"Yes, sis?"
"Hello po sis, paalala ko lang po na ang biyahe from Venice to Basilicata ay 8hr and 41mn po, sis."
"It's okay, sis. Isa pa, gusto ko rin talagang makarating sa lugar para kuhanan ng ilang larawan. Thank you sa paalala," sagot ko rito.
"Ingatan po nawa kayo ng Panginoon, sis," saad pa nito.
"Salamat po," sagot ko rito. Pansin kong nasa Rome na ako. Pinatay na nito ang tawag. Muli kong inilapag ang sariling cellphone.
I like the MCGI group. Dama mo talaga ang tunay na kahulugan ng kanilang kapatiran. Masasabi kong napakagandang brotherhood. Walang halong ka-plastikan kundi puno ng pag-ibig ang bawat isa. Sagana pa ang mga ito sa lahat ng mabuting gawa.
Hindi ko man lang napansin na ang haba pala ng oras na inukol ko sa pagmamaneho. Pagdating ko sa naturang lugar naroon na sila Sis Lyn at ang ilang mga kasamahan nito.
Mula sa sariling kotse ay bumaba ako at tinungo ang kinaroroonan nina Sis Lyn. Ngumiti ito nang makita ako.
"Pwede ba akong tumulong, sis?" tanong ko rito.
"Oo naman," sagot nito. Inalalayan ako nito sa gagawin.
Ipinakilala ako nito sa dalawang sina Sis Lorna at Sis Thess. Nakangiting binati ako ng mga ito. Nahihiyang ngumiti ako sa mga ito.
Makalipas ang ilang oras ay malapit na rin kaming matapos sa ginagawa. Kitang-kita ko ang kasiyahan sa mukha ng ilang mga bata at mga magulang ng mga ito na ngayo'y kumakain ng lugaw at lumpia. Nang matapos na kami ay doon ako nagkaroon ng pagkakataon na kuhanan ang mga ito ng larawan. Pati sina Sis Lyn, Lorna at Thess.
Isinali ko rin ang ilang mga kasamahan nina Sis Lyn. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama. Masaya sa puso na makatulong sa ganitong gawain. Hanggang sa magpasya na ang grupo na magpaalam na. Nakangiting nagpaalam na rin ako kina Sis Lyn.
Pero bago pa man ako tuluyang umalis, lumapit sa akin si Sis Lyn. "Salamat sa Panginoon sa pagtulong mo, sis. Para sa'yo, pagkain at tubig."
"Salamat po sis," sagot ko rito.
"Walang anuman, sana makasama ka ulit namin sa susunod na feeding," ani pa nito.
"God willing po, sis."
"Sige sis, ingatan ka nawa ng Panginoon."
"Kayo rin po, ingatan nawa po," sagot ko rito.
Tinungo ko ang sariling kotse at pumasok sa loob niyon. Saka iyon pinaandar, worth it ang pagod ko. Mahilig talaga ako sa ilang adventure and traveling. At mahilig rin akong mag-explore sa mga ilang lugar.
Huminto ako saglit nang nasa kalagitnaan na ako ng biyahe dahil sa gutom. Tamang-tama at may ibinigay sa akin si Sis Lyn kanina na pagkain at tubig. Kinain ko iyon.
"Ang sarap!" ani ko pa. Busog na busog ako. Umidlip ako saglit. Nagising ako makalipas ng ilang minuto. Muli, bumiyahe na naman ako pauwi.
Nag-ring ang aking cellphone. Unknown number na naman kaya hindi ako naglakas-loob na sagutin.
Habang bumiyahe nagulat na lamang ako nang may biglang bumunggo sa likuran ng aking kotse. At ang kasunod niyo'n ay ang ilang putok ng baril.
What the heck!
Binilisan ko ang takbo ng sariling kotse. Nagpakawala ako ng malutong na mura nang mapansin ang isang sasakyan na nakaharang sa daan.
Damn it!
Mabilis na naapakan ko ang break ng kotse. Naramdaman ko ang mabilis na kabog ng aking puso. At sino na naman ang mga lintik na 'to? Hindi ko maaninag ang mga mukha ng mga ito dahil sa madilim ang kinaroroonan namin.
Humigpit ang hawak ko sa aking steering wheel. Isa laban sa lima, talo na ako kung sakaling paulanan ako ng mga ito ng bala. Inihanda ko ang sarili.
Itinutok ng mga ito ang baril sa aking sasakyan. I count 1-3 in my mind. Plano kong magpaharurot ng takbo at banggain ang sasakyan ng mga ito. Pumikit ako. I can do this.
"Panginoon ko, pakiusap kung sino man ang mga lintik na mga lalaking ito nawa'y tulungan niyo po akong makatakas sa mga ito. Ngunit, kung anuman ang maging kalooban niyo, tinitiwala ko po sa inyo ang aking buhay," panalangin ko sa Panginoon.
Binuksan ko ang bintana ng aking kotse. Nang makalapit na ang mga ito lihim akong napamura nang masilayan ang nakangising mukha Lorenzo. Inis na umibis ako mula sa sariling kotse, hinayaan kong nakabukas ang pinto niyo'n, at hinarap ang pinsan ko kuno. I saw his serious tiger look.
"You bastard!" asik ko rito.
"Why?" pang-uuyam nitong tanong.
Naikuyom ko ang dalawang-kamao. Aaminin kong tila bulang naglaho ang takot at kaba na nararamdaman ko kanina. Napalitan iyon ng kapanatagan.
"What do you—"
Hindi na ako pinatapos pa ni Lorenzo sa sasabihin nang itulak ako nito papasok sa loob ng aking kotse. Kasabay ng ilang putukan sa may likuran ng aking kotse. Patay ang kasama nitong apat na lalaki.
Mabilis na naupo ako sa front seat at pumasok sa loob ng sarili kong kotse si Lorenzo kung saan ang driver seat.
"F*ck!" malutong nitong mura.
Mula sa tagiliran nito ay kinuha ko ang baril at kinasa iyon. "Who are they?"
"Stop asking nonsense questions," sagot nito. Nailing na lamang ako sa naging sagot nito.
"Malamang Ysah kalaban," sagot ko sa sariling tanong. Binuksan ko ang bintana ng kotse at nakipagbarilan sa mga kalaban.
"Alam mo Lorenzo, mukha kang tae," ani ko rito.
"I do understand the Filipino language, woman!" inis nitong tugon sa akin. Humagalpak ako ng tawa.
"Pinahirapan mo pa akong mag-English, naka-intindi ka naman pala ng Filipino," natawang saad ko at muling pinaputukan ang mga kalaban.
"I think you're the only one I know who laughs while shooting at the enemy," simpleng tugon nito.
"Dahil natawa ako sa isiping naka-intindi ka naman pala ng Filipino," sagot ko rito.
"And what's so funny about that? Did you forget that I spoke Tagalog when we first met? sarkastikong tugon nito. Saka ko lang iyon naalala nang ipaalala nito. Ipinilig ko na lamang ang sariling ulo.