KASALUKUYANG nagbabad ako sa bathtub. Para akong na trauma sa nangyari kanina. Hindi na naman bago sa akin ang makarinig ng ilang putok ng baril. Pero ang may barilin sa mismong harapan ko ay nakakatakot na pangyayari. Hindi ko akalaing ganoon pala ang pakiramdam.
Dinampot ko ang aking lemonade at sumimsim roon. I need to relax my mind.
Kasalukuyang dinala ako ni Lorenzo sa Aman Venice, one of the best luxurious hotels here in Venice and one of the world's exclusive hotel brands.
Muli, pumikit ako. Nang biglang tumunog ang aking cellphone. Si Papa Israel ang nasa kabilang linya.
"Dad," sagot ko rito.
"How are you?" tanong nito.
"I'm fine, how about you and mommy Emy?" tanong ko rito.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi sa naging sagot nito. Nangumusta lang naman ito at halatang nasa kalagitnaan pa ito ng meeting. Kaya bilib ako rito, kahit gaano pa ito ka busy naglaan ito ng oras para lang makausap at makumusta ako. Agad rin itong nagpaalam nang malamang nasa mabuti akong kalagayan.
I need to lie. Ayokong mag-alala pa si daddy sa akin. Inilapag ko ang aking cellphone at muling sumimsim ng aking lemonade. Narinig ko ang katok mula sa pinto ng aking banyo. Hindi ko iyon pinansin.
Nag-ring muli ang aking cellphone. Unknown number, hindi ko ulit sinagot iyon. Duda akong si Lorenzo ang naturang unknown number. Wala ako sa mood na makipag-usap sa aroganteng lalaking iyon.
Makalipas ang ilang segundo, nag-ring ulit ang aking cellphone. Si Ate Raiyah ang nasa kabilang linya. Sinagot ko iyon.
"Ate Rai?"
"Look, Ysah. Alam mo bang may nakilala akong gwapong lalaki?"
Tila kinikilig nitong saad sa akin.
Awtomatikong tumaas ang isa kong kilay sa narinig. "C'mon, ate Raiyah. At talagang kinikilig ka pa?"
"Of course I do! Gosh, Ysah. He was so freaking hot!" palatak nito sa kabilang linya.
"Paano mo siya nakilala?" tanong ko rito na hindi ngumingiti. Curious sa lalaking sinasabi nito.
"I guess, half Italian siya. He even know how to speak our language."
"Ano'ng pangalan?" tanong ko rito.
"Enzo," sagot nito.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa tinutukoy nitong lalaki. Sa dating pa lang ng pangalan ay alam ko na kung sino. Hindi naman sa sinasabi kong tanga ang pinsan ko. Pero malakas ang kutob kong si Lorenzo ang tinutukoy nito.
"At kinikilig ka na agad ate? Are you freaking serious?" tanong ko rito.
"Do I?" takang-tanong nito sa akin.
"Of course you are! Sa dating pa lang ng pakikipag-usap mo sa'kin, halatang kinikilig ka ng bongga. Gosh, Ate Raiyah. Pwede bang maghunos-dili ka muna," ani ko rito. I roll my eyes balls.
"C'mon, Ysah. Hindi ako tulad mong cold hearted pagdating sa mga lalaki. I don't know if ano'ng rason mo, pero magkaiba pa rin tayo," palatak ni Ate Raiyah sa kabilang linya.
"Paano naman ako nasali sa usapan?" takang-tanong ko rito.
"Dahil ang bitter ng boses mo," reklamo nito.
"Dahil totoong naririndi ako sa pagiging kiligin mo ngayon, ate. Tulad ng sabi ni Tita Rebecca. Maging wais sa pagkilatis ng taong mamahalin," sagot ko rito.
"Paano 'yan sa kanya tumibok ang puso ko?"
"Naku, ang corny mo," palatak ko sabay simangot dito.
"By the way, kailan nga pala tayo magkikita?" tanong nito.
Napaisip ako sa tanong nito. "I'll call you na lang kung kailan ako may vacant time, okay?" ani ko rito.
"Ikaw ang bahala."
"I need to say goodbye, Ate Raiyah. Kailangan ko ng umahon sa bathtub," ani ko rito.
"Alright, good bye."
Pinatay ko ang tawag at umahon ako sa bathtub. Hinila ko ang kulay puting roba at isinuot iyon. Lumabas ako ng banyo. Nadatnan ko roon si Lorenzo.
"Napaka-bastos mo naman. So, Ikaw nga ang kumatok kanina? Ano'ng kailangan mo?"
"We're going to kill someone again," maagap nitong sagot.
Napalunok ako ng laway sa narinig mula rito. Hayan na naman ang kakaibang kaba sa aking puso.
"Damn, Lorenzo! Hindi ako mamatay taong katulad ninyo!" asik ko rito. Inis na tinalikuran ito at tinungo ang aking wardrobe. Pumili ako ng damit.
"Whether you like it or not, you will kill because it is your fate."
"No! I won't kill someone!" asik ko rito.
Nagpakawala lang ng isang malutong na halakhak si Lorenzo, pagdakay lumabas ito ng aking silid. Saka naman ako naglakad patungo sa aking pinto at in-locked iyon. Mabilis ang kilos na nagbihis agad ako.
Naririnig ko ang malakas na kabog ng aking puso. Ayokong madumihan ang mga kamay ko. Dahil alam ko mismo sa sarili ko na isang kasalanan para sa Panginoon ang pumatay ng kapwa-tao. Maliban na lamang kong self-defense ang ginawa ko.
Naupo ako sa malambot kong kama. Dinampot ang isang throw pillow at niyakap iyon. Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari. Para bang anino na palagi na lamang sumusunod sa akin.
Hindi kami pwedeng magkitang muli ni Ate Raiyah at baka pati ito ay madamay pa sa gulong dala ko. At sigurado akong maging dahilan pa iyon ng isang malaking gulo para sa pamilya Montenegro.
Niyakap ko na lamang ang sarili. Namiss kong mamuhay ng normal. Hindi ang ganitong buhay ang nais ko. Puro na lang dugo, p*****n ang nakaka-engkwentro ko. This is too much.
Napaigtad akong muli nang marinig ang boses ni Lorenzo gamit ang intercom.
"Wait a minute!" inis kong sagot dito.
Inis na tumayo ako at binuksan ang naturang door knob. Sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng pinsan kong demonyo.
"What took you so long, princess?" tanong nito sa nang-uuyam na boses. Hindi ko ito pinansin, bagkus ay nagpatiuna na ako rito.
"Where are we going?" tanong ko rito.
"I told you already, do I need to remind you again?"
Nagpakawala ako ng isang marahas na buntong-hininga. Here we are again, facing dangerous people. Napag-alaman kong sindikato ang pinatay namin. Isa sa utak ng mga sindikato. Medyo nawala ang guilt ko sa nalaman. Pero hindi pa rin tamang kunin ng sinuman ang buhay na bigay ng Panginoon.
Sumakay ako sa mismong kotse ni Lorenzo. Ang kulay itim nitong Ferrari. I buckle my seat belt.
Tahimik lang ako. Pero aaminin kong gusto kong umuwi ng Pilipinas pero hindi pwede. Baka magtaka pa ang mga mahal ko sa buhay. Isang buwan ang vacation ko rito sa Venice Italy.