Napasulyap ako sa aking pinto nang marinig ang malakas na katok. I know that it's Phillip. Siguradong nag-aalala na ito sa akin. "Ysah, open the door please?" Na obliga akong bumangon mula sa aking malambot na kama. Gamit ang aking mga palad, pinunasan ko ang aking mga luha. Nilapitan ko ang pinto at binuksan iyon. Sinalubong agad ako ng yakap ni Phillip. Tila gusto kong mahimlay sa matipuno nitong mga bisig. Humagulgol ako sa matipuno nitong dibdib. "Ssshh, alam kong nag-aalala ka. Napanood mo na siguro ang balita," ani nito. Isang yakap na mahigpit ang naging tugon ko rito. Patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. "You're definitely right," sagot ko rito. "Ready na ang dinner," saad nito sa akin. "Wala akong ganang kumain," ani ko. "Pero kailangan mong kumain kahit konti