ARAW-ARAW kong kasama si Phillip, habang tumatagal mas naging malalim ang kakaiba kong nararamdaman para rito. At natatakot ako sa nararamdaman kong ito. Kasalukuyang ipinasyal ako nito sa hardin ng hospital. Kailangan ko rin kasing maglakad-lakad at makalanghap ng sariwang-hangin. Nakaalalay lang ito sa akin. At masarap sa pakiramdam. "Salamat," ani ko rito. "May napapansin ako, bakit hindi mo na ako tinatawag na Kuya?" "Naiilang kasi akong tawagin kang Kuya. Isa pa, hindi naman tayo magkapatid para tawagin kang gano'n, hindi ba?" sagot ko rito na hindi tumitingin dito. Naiilang talaga ako sa tuwing nagtatama ang aming paningin. Bigla ko kasing naramdaman ang pagsikdo ng aking puso. "Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo talaga. Alam mo bang hindi ko akalaing papayag ka sa nais