Kabanata 21

1826 Words

Narinig ko kaagad ang malakas na pagtahol ni Ride. Sinaway ko ito. "Ride, quiet baby boy." "Hi," bati ni Lavinia. Pansin ko ang kakaibang kilos nito. Hindi makatingin ng diretso kay Phillip. "Ikaw ba talaga ang girlfriend ng kaibigan ko, o isa ka lang impostor?" walang paliguy-ligoy na tanong ko rito. "Girlfriend niya si Lavinia kaya siya lang ang nakakaalam, Ms. Montenegro," matapang na sagot sa akin ng naturang babae. "Sa sinabi mo, you gave us a hint. Hindi ikaw ang totoong Lavinia, right?" sagot ko rito. Napansin kong tumayo si Phillip. Iminuwestra nito ang isang silya sa panauhing bagong dating. "So, sino ka?" tanong ni Phillip dito. "Ako ang kapatid niya. Tatlo kami, pero kasalukuyang hinahanap ko pa ang pangatlo naming kapatid na si Laarni." "Bakit ka narito?" tanong ko rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD