Kabanata 1

1023 Words
I am staying here in Hotel Carlton On The Grand Canal. Lihim akong namangha sa ganda ng naturang accommodation, which has a private balcony. Walang problema sa wifi connections at totoong nag-enjoy ako sa aking vacation. Narinig kong tumunog ang aking cellphone, unknown number kaya hindi ko ito sinagot. I massage my temple. There's a lot of question keep haunting my thoughts. I need to console my dad regarding this unbelievable truth. But the heck, nagdadalawang-isip ako. Totoo ba talaga ang sinasabi ng matandang iyon at ng aroganteng si Lorenzo? Magpahanggang ngayon masakit pa rin ang sugat na aking natamo mula sa maangas kong pinsan kuno. Muli, tumunog ang aking cellphone. Si Orly ang nasa kabilang linya. One of my suitor. Napangiwi ako, bagkus ay sinagot ko pa rin ang tawag nito. "Yes, Orly?" sagot ko sa naturang tawag. "Hi, balita ko nasa vacation ka raw?" "Yeah, I am. I need to," sagot ko habang binuksan ang sariling laptop. Gusto kong kumustahin ang sariling negosyo. Ang aking Italian Restaurant, I have already 5 branches. Dalawa sa Mindanao at Luzon, ang isa'y nasa Visayas. "I missed you," ani pa nito. Natawa lang ako sa narinig mula rito. "Stop being such an idiot, I don't missed you," mataray kong sagot dito. "So, how's your vacation?" tanong nito. "It's fine, diretsahin mo ako. Ano ba talagang gusto mong sabihin?" "Tulad ng sinabi ko kanina, namiss kita siyempre." "Pwes, I don't miss you. I am so sorry, Mr. Lee pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong iukol sa'yo," matapat kong sagot dito. "I know, pero hindi iyon dahilan para tumigil ako sa panliligaw sa'yo, Ms. Montenegro." "Bahala ka, choice mo 'yan," sagot ko rito. Inilapag ko ang sariling cellphone sa aking study table. Ibinalik ang tingin sa ilang sales ng restaurant na pagmamay-ari ko. May natanggap akong ilang emails regarding sa ilang report. Mamaya ko na iyon basahin. I am thinking of other ways how to attract more customers. I am planning to offer new customers discounts and promotions. "Still there?" "I am busy, I need to hang-up," sagot ko rito. "Alright, take care." "Thanks," sagot ko rito. Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. Hindi mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina. I am a mafia princess? Napasulyap ako sa aking cellphone, gusto kong tawagan si daddy pero ayaw namang makisama ng aking utak. Ipinilig ko ang sariling ulo. Napaigtad ako nang marinig ang sunud-sunod na katok mula sa aking pinto. Kunot-noo na tumayo ako mula sa kinauupuan at inis na binuksan ang naturang pinto. Sumalubong sa akin ang kulay brown na mga mata ni Lorenzo. Totoong nagulat ako sa biglang pagsulpot nito. "What brought you here?" sarkastikong tanong ko rito. "Won't you let me in?" "You are not welcome here," inis kong sagot. Pinakatitigan nito ang aking mukha. Dumako ang tingin nito sa sugat na natamo ko mula rito. His evil smile plastered on his thin lips. "Poor little princess, I will come back here, whether you like it or not, you will come with me." "I won't come with you," matapang kong sagot dito. "Like I said, I do," pinal nitong tugon. Nakaramdam ako ng matinding kaba sa sinabi nito. Inilibot nito ang tingin sa kinaroroonan kong suite. "Won't you invite me to drink some coffee?" "I don't have any coffee here, get out of here and stay away from me, you idiot!" Sumilay ang nakakatakot na ngiti sa mga labi ni Lorenzo. Hindi maipagkakailang pinsan ko nga ito. Naglakad ito palapit sa frame kung saan naroon ang larawan namin ng pinsan kong si Raiyah Montenegro. "Who is she?" tanong nito. "She's no one," maagap kong sagot dito. "Really?" "Yeah," sagot ko. "Using my resources I will find her," nakangiting tugon nito. Agad akong naalarma. Dahil alam kong tulad ko'y narito si Ate Raiyah sa Italya. Kasalukuyang inaaayos nito ang problema sa kompanya ng pamilya nito na narito sa Italya. At next week ay balak na naming magkita para mag-bar hopping. "Don't you dare go near her!" banta ko rito. "Why should I? Her beautiful and angelic face catch my attention, and you can't stop me, princess," saad nito at nakangiting tinalikuran ako nito. "Asshole!" sigaw ko rito. Malutong na tawa lang ang naging tugon nito sa akin. Nagmamadaling nilapitan ko ang aking cellphone at tinawagan si ate Raiyah. Lihim akong nagpasalamat at sinagot nito ang tawag. "Yes, Ysah?" "Ate, how are you?" tanong ko rito. Pinipigilan kong marinig nito ang paghingal ko. Damn it! Baka magtaka ito. Madali pa naman itong mag-alala. Ate Raiyah is a kind of woman who is modest. Kung kumilos ito ay tila pagong. Hindi tulad ng mga ilang babaeng Montenegro na maangas at mataray. Hindi man lamang ito nag-mana sa ina nitong si Tita Rebecca. "I'm fine, Ysah. Ikaw ba?" tanong nito sa akin. "Where are you?" maagap kong tanong dito. "In my office. God's help, currently facing our company's problem. But still fighting for the main goal," sagot nito. "Ipagpaliban ko muna ang bar-hopping natin, tatawagan na lang kita ate kung kailan ako available," sagot ko rito. "Alright, ikaw ang bahala," sagot nito. "Good bye, take care and I love you, ate Raiyah," ani ko rito. "Thank you, good bye. You, too." Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. I am so worried. Hindi pwedeng malaman ni Lorenzo na narito ang pinsan ko sa Italya. Hindi ako papayag na makalapit ito sa pinsan ko. Never! Pumikit ako pagdakay dumilat. Hinarap kong muli ang aking laptop. So far maganda ang takbo ng aking negosyo. Kaya bilang pasasalamat sa Panginoon. Sasali ako ngayon sa feeding program na ginagawa ng ilang mga taga-MCGI. Since bawal akong magbigay ng pera sa kanila bilang tulong. Lakas ko ang siyang gagamitin ko. Tumayo na ako at muling lumabas sa aking private suite. Saka nagpasyang tunguhin ang lugar kung saan magaganap ang feeding program para sa mga bata. Aaminin kong, I am so excited to serve the poor Italian children na nakatira sa Basilicata. This is a nice experience. Nakangiting napasulyap ako sa bagong camera na bigay sa akin no'ng matanda. Cannon EOS R6. Great, magagamit ko iyon since mahilig ako sa photography.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD