Narito ako ngayon sa Venice Italy. Mabuti na lamang at pinayagan ako ni daddy na magbakasyon dito. Kasalukuyang narito ako sa San Marco na tinaguriang the touristy heart of Venice. Hawak ko ngayon ang camera na siyang ginagamit ng mga famous photographer, ang Sony A7III. Nag-enjoy akong kuhanan ng larawan ang Dodge Palace, St. Mark's Square, and the Rialto Bridge.
Habang busy ako sa ginagawa, ganoon na lamang ang gulat ko nang may biglang lumapit sa akin at maagap na tinakpan nito ang aking bibig dahilan para mawalan ako ng malay.
NAGISING ako sa malambot na kama. At sinalubong ang dalawang pares na mga mata. Napaatras ako at kunot-noo na nakatitig dito.
"Who are you and where am I?" matapang kong tanong dito. Ngumisi lang ang naturang lalaki.
"Buon giorno, signora," bati nito sa akin.
"Just answer my question, idiot!" asik ko rito at mabilis na umalis sa malambot na kama. Tumayo ang naturang lalaki at ngumisi ulit ito.
"Let's wait for don first."
"Just answer my question if you don't want me to wreck your neck with my bare hands," inis kong banta rito.
"I am so sorry but—"
Hindi ko na pinatapos pa ito at maagap na sinuntok ito sa panga. Bagsak ang damuho. At nagmamadaling tumakbo ako sa pinto ng naturang kwarto. Eksaktong binuksan ko ang door knob. Ngunit, nakasalubong ko ang isang matandang lalaki kasama ang ilang mga tauhan nito.
"My beautiful nipote ," nakangiting saad nito. Napaatras ako, nakikiramdam sa paligid.
Damang-dama ko ang malakas na kabog ng aking puso. Who are they and where am I?
Narinig ko ang mga yabag ng lalaking papalapit sa akin. Pansin kong iyon ang sinuntok ko sa panga kanina. Maagap na lumapit ito sa matandang lalaki at bumulong sa punong-tenga nito. Napasulyap ako sa baril na nasa tagiliran nito at talagang hindi ako magdalawang-isip na makipag-p*****n sa mga ito.
Naikuyom ko ang dalawang-kamao.
"Relax my nipote, I am your grandpa," nakangiting saad nito at akmang yayakapin sana ako nito pero mabilis ang kilos na hinablot ko ang baril sa tagiliran ng lalaking katabi nito at itinutok iyon sa noo ng mismong matanda.
Tila naman parang gustong kumawala ng aking kalulwa mula sa aking katawan nang ang lahat ng baril ng mga tauhan nito ay nakatutok sa akin. Pero nanatili akong matapang kahit pa nga sabihing nanginginig na ang dalawa kong tuhod sa takot na bumabalot sa buo kong katawan.
Bullsh*t!
"What do you want from me, old man?" matapang kong tanong dito.
Sumenyas ito sa mga tauhan na ibaba ang mga baril. Lihim akong nagpasalamat doon. Nanatiling nakatutok ang baril ko sa noo nito.
"Ibaba mo ang baril, Ysah."
Napasulyap ako sa bagong dating. Kilala ako nito? Salubong ang dalawang kilay ko nang mag-tama ang aming paningin.
"Ano'ng pakay niyo sa'kin?" tanong ko rito sa seryosong boses.
"I am Lorenzo Genovese, your cousin," sagot nito.
"Wala akong pakialam kung sino ka pa, sagutin mo ang tanong ko, idiot!" sigaw ko sabay kalabit nang gantilyo ng naturang baril, at bawat isa'y tila na bahala sa ginawa ko.
At aaminin kong nag-enjoy ako sa nasaksihan, pero nagulat ako sa nalamang pinsan ko pala ang lalaking nagsalita.
Mukhang importanteng tao nga ang matandang lalaki na kaharap ko na siyang nagpakilalang abuelo ko raw.
"Put down your gun," utos ni Lorenzo sa akin.
"Huwag mo akong utusan, asshole!" asik ko rito.
Lumapit si Lorenzo sa akin at maagap na sinubukan nitong kunin sa akin ang baril pero matapang na nan-laban ako rito. Sinubukan kong suntukin ito sa may panga pero agad nitong nailagan iyon. Mabilis ang kilos na nakuha nito ang baril mula sa akin.
"Stop it!" galit nitong tugon at itinutok nito sa akin ang baril. "Don't you dare force me to shoot you, brat!"
"Lorenzo!" sita ng matandang lalaki.
Inis na dinuraan ko ang mukha nito.
"Asshole!" asik ko rito.
Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang ginawa nito. Halos mabingi ako sa lakas ng sampal nito sa kabila kong pisngi. F*ck! Nalasahan ko ang ilang likido ng dugo mula sa gilid ng aking mga labi.
Galit na sinugod ko ito. Pero wala akong laban, tadyak sa tiyan lang ang inabot ko dahilan para humandahusay ako sa marmol na sahig.
Damn it!
"Ah!" daing ko ng hilahin nito ang aking buhok, halos matanggal na ang anit ko sa ginawa nito.
Nag-ipon ako ng sapat na lakas para labanan ito. I slide my one hand up and grip Lorenzo's pinky, I quickly pull his pinky back towards assailants wrist and I kick him hard on his stomach, dahilan iyon para mawalan ako sa aking balanse at napaupo akong muli sa sahig.
"F*ck!" malutong nitong mura.
"You deserved it!" asik ko.
"Enough!" sigaw ng matandang lalaki sabay putok ng baril na hawak nito.
Lumapit sa akin si Lorenzo at inilahad nito ang isang palad sa harap ko. Pinukol ko lang ito ng nagbabagang tingin. Tinabig ko ang kamay nito. Kusa akong tumayo.
"I don't need your help, idiot!"
Nailing na lamang ito sa inasal ko. Pagdakay, tinalikuran ako nito.
"Listen to me, nipote. We are your real family and you are the mafia princess. If you need proof, we'll get it to you right away. Your unworthy mother stole you from us to be estranged from this family," paliwanag nito sa akin.
"I don't believe you," matatag kong sagot dito.
"You should believe," singit na turan ni Lorenzo. "Grandpa, let her go. This is not the right time to train her."
"Mabuti naman at naisip mo 'yan," mataray kong tugon kay Lorenzo.
Sumenyas ang naturang matandang lalaki sa ilang mga tauhan nito. Lihim akong nagpasalamat nang sa wakas ay hinayaan ako ng mga ito na makaalis.
Ngunit nang mapansin kong nawala ang aking camera, hinarap ko si Lorenzo.
"Nasaan ang camera ko?" mataray kong tanong dito.
Hindi ako nito pinansin, bagkus ay tinalikuran lang ako nito sabay iling.
Napasulyap ako sa matandang lalaki.
"Gave her a new one," utos nito sa isang tauhan.
"Thank you, grandpa" sarkastikong tugon ko rito.
"It's my pleasure to provide everything you want, my nipote," seryosong sagot nito.
Batid kong may ibang pakay sa akin ang matandang ito. Ang totoo niya'n kinakabahan ako sa mga taong kaharap ko ngayon pero mas pinili kong maging matapang at alisin ang takot sa isipan.
Sabi nga ng daddy Israel ko. Kung kasama ko ang Panginoon, ano'ng magagawa sa akin ng mga masamang tao?