Kabanata 5

2123 Words
HUMINTO kami sa isang hotel. Ang Hotel Monaco & Grand Canal. Umibis ako mula sa kotse ni Lorenzo. Nakasunod lang ako rito. "Be alert, always think that the enemies are just around. Use your senses, both hearing and sensation, with precision." Biglang bumangon ang kaba sa aking puso. Anytime pala pwede akong mamatay. Damn! Naikuyom ko ang dalawang-kamao. Naglakad kami papasok sa looban ng hotel. Binati kami ng dalawa guard. Tango lang ang naging tugon ko. "Ano'ng ibig mong sabihin, Lorenzo?" tanong ko rito. "Just do what I say, I can sense them." "May sa lahi ka bang bampira?" palatak ko. Narinig kong natawa ito sabay iling. "I fair got utilized to it. Within the time I've been within the world that I live in, slaughtering is likely not modern to me." "Pwes, hindi ako gaya mo. Pero matalas ang pakiramdam ko," mataray kong tugon dito. Hindi maipinta ang aking mukha. Tulad nito ay nakiramdam din ako sa paligid. Abut-abot ang aking kaba. Nakarating kami sa isang malawak na area. Kung saan naroon ang ilang mga lalaking tila may nangyaring pagtitipon. Napansin kong tila namutla ang isang lalaki na sa tingin ko'y leader ng naturang grupo nang makita si Lorenzo. Napansin ko kaagad ang mga kilos ng mga kalalakihan na sa tingin ko'y mga tauhan ng naturang lalaki. "What brought you here, Lorenzo?" "I would like to introduce, Ysah Montenegro. Ang tagapag-mana ng Cosa Neur." Nagulat ang lahat, tumayo ang mga ito para ako'y bigyang galang. Pero bago pa man tuluyang makayuko ang mga ulo ng mga ito ay agad kong pinipigilan ang mga ito. "No need," maagap kong tugon at hinarap si Lorenzo. Kung sila'y nagulat mas lalo na ako. "Ano'ng ibig sabihin nito, Lorenzo?!" "Didn't you hear what I said?" sarkastikong sagot nito sa tanong ko. "Are you nuts?!" bulalas ko. "I am just stating the real fact," sagot pa ulit nito. "I would like you to meet them, princess. Meet him, Cosa Bruno. He is a Consigliere. And I am the underboss." Napasinghap ako sa narinig. Hindi ako ignorante sa ranking ng mga Mafia dahil ang mismong ama kong si Israel ay itinuro iyon sa akin. At tunay na nagdududa na talaga ako, paniguradong alam ng sarili kong ama ang tunay kong pagkatao. Kaya ba nito ginawa dahil dito? "Piacere di conoscerla, signora," bati nito sa akin sabay yuko bilang paggalang. "Can you tell them to talk in English?" ani ko kay Lorenzo. Sumenyas ito kay Bruno. "Marunong po akong magsalita ng wikang Filipino. Paumanhin po," tugon ni Bruno. "Good," sagot ko sa matapang na paraan. Wala akong choice kundi panindigan ang pagiging ako sa ibang katauhan. Napalingon ako nang marinig ang palakpak nang kung sino. At nakita ko ang abuelo ko kuno. Malawak ang ngiti nito. "Does that mean you have accepted your predetermination as a mafia princess?" tanong ng matandang lalaki. "Ngayon din, ilapag mo ang ebidensya na nagpapatunay na ako nga ay tunay niyong ka dugo?" taas-noo kong tanong dito. "Prickly, courageous, savvy. And I am exceptionally thankful for Israel for taking care of you, princess," saad nito. "What do you mean?" kunot-noo kong tanong dito. Marahas na napasulyap ako kay Lorenzo. "Alam ba ng daddy ko ang tungkol sa tunay kong pagkatao?" "Better to ask him," sagot ng aking abuelo. Umigting ang panga ko. "Magkakilala ba kayo ni daddy?" "Nope, but Montenegro's are well-known family here in Europe due to all international businesses they have. But I could kill them all if you rejected your own family," banta ng aking abuelo na siyang lubos kong ikinagulat. Naikuyom ko ang dalawang-kamao. "Subukan mo lang at ako mismo ang papatay sa'yo," matapang kong sagot dito. Napaigtad ako nang maramdaman sa sentido ko ang baril na ngayo'y itinutok sa akin ni Lorenzo. Pero nanatiling matapang ako. Oo, mas naging matapang ako lalo na at pamilya ko ang mismong pinagbantaan. "Siguraduhin niyo lang na mapapatay niyo ako ngayon din. Dahil oras na binuhay niyo pa ako. Ibibigay ko ang nais niyo," simpleng tugon ko. Narinig ko ang mala-demonyong tawa ng aking abuelo sabay iling pa nito. "You inherit from me, the bravery and for being so fierce." "Ang kapal ng mukha mong mang-angkin, anak ako ni Israel Montenegro kaya imposibleng sa'yo ako nag-mana. Huwag kang hangal!" asik ko rito. "Respect him, Ysah!" sigaw ni Lorenzo. "Shut up, assh*le!" galit kong tugon kay Lorenzo. "Darling?" Dumako ang matalim kong tingin sa maganda at seksing babaeng lumapit sa aking abuelo. Naghalikan pa ang dalawa sa harapin naming lahat sabay alingkis ng babae. "Bullsh*t!" malutong kong mura. "Excuse me?" mataray na asik ng babae sa akin. "Maghanap kayo ng kwarto," sagot ko rito. "Sino ka ba?!" galit na tanong ng babae. Pagdakay hinarap ang aking abuelo sa tila nagtatanong na mga mata. "My beautiful and fierce, nipote, darling. Be careful, she's a tiger ready to attack her prey," sagot ng aking abuelo sa babaeng katabi nito. Napasinghap ito. Humarap ito sa akin at napayuko sa aking harapan. "Patawad," maamo nitong tugon. Tumaas ang isa kong kilay. "Wala kang kasalanan para humingi ng patawad, ayusin mo lang ang ugali mong daig pa ang asawa ng abuelo ko, dahil kung tutuusin, you're just his companion, right? sarkastikong tugon ko rito. Marahas na tinabig ko ang kamay ni Lorenzo dahilan para maalis sa sentido ko ang itinutok nitong baril, at hinarap ito. "Bakit mo sinabing pinsan mo ako gayong Tito naman pala kita?" tanong ko rito sa seryosong tinig. Ngumisi lang ito. Itinaas nito ang dalawang palad bilang pagsuko. "Alright, matalino ka nga." "Hindi ako matalino. Sadyang hindi lang nagkulang ang aking ama na turuan ako sa lahat ng mga dapat kong malaman. Kung underboss ka ng grupo na 'to, anak ka ng matandang 'yon," ani ko sabay turo sa aking abuelo. Nailing muli si Lorenzo. "Yeah, right. I just want to test your mind," sagot nito. "And you did," mataray ko pa ring tugon. "Enough, princess!" ani ng aking abuelo at hinarap ito. "Ano ba talagang nais niyong sabihin, direct to the point ang gusto ko. Walang paliguy-ligoy." "Please have a seat and will discuss it further," turan ng aking abuelo at iminuwestra nito ang couch. Naupo ako roon. Lumapit rito si Bruno at may ibinigay na white folder sa aking abuelo, na siyang inilapag naman ng aking abuelo sa aking harapan. "Read and open it," ani nito. Pinakatitigan ko ang mga mata ng aking abuelo. Aaminin kong may similarities kami nito, pati na rin si Lorenzo. At hindi ko pwedeng itanggi iyon dahil isa rin iyon sa patunay. Kinakabahan na dinampot ko ang folder. Binuksan ko iyon at doon ko nabasa at napatunayan ang lahat. Naroon ang lahat ng mga ebedinsya. "What can you say?" tanong ng aking abuelo. "I am convinced. Lalo na at may DNA test pa," pagsisinungaling ko rito. Pero ang totoo niya'n hindi nila ako makukumbinsi. I need to go to the flow this time. "And now, I give you a mission," saad nito. Kumunot ang noo ko sa narinig mula rito. "Mission?!" bulalas ko. "Definitely, you have got to do this or else it's life and death for the people close to you and ready to prioritize Raiyah Montenegro," sarkastikong tugon ni Lorenzo sa akin. "At paano nasali ang pinsan ko rito, Lorenzo?" asik ko kay Lorenzo at marahas na napatayo ako sabay sipa ng center table na nasa harapan ko. Basag iyon. "Relax, I won't kill her if you obey the Don's command," sagot nito. "Bullsh*t!" malutong kong mura. "Ano'ng gagawin ko?" tanong ko sa aking abuelo. Ngumisi ito. "To assist our family to overcome the adverseries. To manage a few of our businesses like illicit exercises, betting, drugs and weapons sneaking," sagot ng aking abuelo. "Really? Gusto niyo akong maging katulad niyo?! F*ck you!" asik ko. "Men, find Raiyah ang kill her!" galit na utos ng aking abuelo. "Damn it! No!" sigaw ko. Nakita kong nagmamadaling umalis ang mga lalaki. Pero maagap na tumakbo ako at iniharang ang sarili sa pinto. "Fine!" sigaw ko. At narinig ko ang malutong na halakhak ng aking abuelo. "Thank you, princess," ani nito. Bumalik ang mga tauhan nito at nagbigay galang sa akin. Naikuyom ko ang dalawang-kamao. Sa pagkakataong iyon gusto kong pumatay ng tao. My jaw clenched with so much anger. "Does your dad trained you?" tanong nito. Hindi ko sinagot ang tanong nito. "Let's go, Ysah!" si Lorenzo. Inis na sumunod ako rito. Pumanhik kami sa hagdan at tinungo ang isang kwarto. When we entered the room there were a lot of men in black. Tulad kanina ay ipinakilala ako ni Lorenzo sa mga ito. Agad namang nagbigay galang ang mga ito sa akin. I am still wearing my fierce and cold aura. Nakilala ko ang tatlo na capo na membro ng Cosa Neur. At bawat isa'y may isang daan at higit pa na tauhan. Napag-alaman kong maraming tauhan si Lorenzo pati na ang ilang mga ranking members sa naturang grupo. At ang pinakatandaan ko sa lahat ay ang rule ng naturang grupo. Ngunit para sa akin. Walang importante sa grupo na kinalagyan ko ngayon. Lalo na at puno ito ng kasamaan. Kung ano man ang mangyayari sa akin sa mga kamay ng mga taong ito. Sa Panginoon pa rin ako manghahawak. Mas matibay ang pananalig ko sa kanya kaysa mga taong nakapalibot ngayon sa akin. Sumunod lang ako sa grupo ni Lorenzo. Never kong tatawagin itong Tito dahil hindi naman nararapat dito na ito'y aking respetuhin. Hindi ko nirerespeto ang mga walang-kwentang tao. Sumakay kami ngayon sa isang kotse. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Ibinigay sa'kin ni Lorenzo ang ilang mga baril at knife na gagamitin sa naturang mission. Hindi iisipin ng ilang makakakita sa'kin na papatay pala ako ng tao dahil sa taglay na ka-inosentihan sa aking mukha, elegante at sopistikada. An angel in disguise ang peg ko kuno, ngunit ang totoo. Isa pala akong tupa, na siyang bigla na lamang mag-anyong Lobo para lapain ang biktimang dapat mapatay. Until now, maraming katanungan ang namuo sa aking utak. Pero bakit hindi man lamang sinabi sa akin ni daddy Israel ang katotohanan? Dahil ang alam ko noon, anak ako nito sa isang babae through insemination. "We're here," untag ni Lorenzo sa akin. Kung hindi pa nito sinabi iyon ay hindi ko malalaman. Masyadong okupado ang utak ko sa ibang bagay. "Where are the money and drugs?" tanong ni Lorenzo sa isang tauhan nito. "Narito na po," maagap naman nitong sagot. "Wala ka bang puso, Lorenzo? Alam kong alam mo kung ano'ng hatid ng droga para sa mga kabataan, pero bakit kailangan pang humantong sa ganito?" galit kong saad dito. "Just shut up!" asik nito sa'kin. "Damn you!" Lihim akong nalumbay sa ganitong negosyo. Naawa ako sa mga kabataan na nalulong sa bisyo. At dahil sa ganitong lintik na kalakaran kaya naging praning na ilang kabataan. Umibis si Lorenzo mula sa kotse. Pero agad itong nagsalita sa akin. "If I raised my hand as a signal. Kill them all, do you understand?" galit nitong tugon. "What?!" bulalas ko. "Do what I say, damn it!" Nagpakawala ako ng isang marahas na hininga. F*ck! Mula sa aking hita hinipo ko ang isang baril doon. Sh*t! Hindi ko akalaing traydoran pala ang hilig ng mga 'to. Sumenyas si Lorenzo sa ilang tauhan nito. Lumabas ang mga ito na dala ang isang briefcase kung saan may laman iyong pera at droga. Eksaktong nakalinya ang lahat ng mga kalaban sa likuran ng boss ng mga ito. At inilatag ang ilang maraming iba't ibang klase na mga baril sa harapan ni Lorenzo. At dahil sa hindi ako marunong sumunod sa utos ni Lorenzo. Nagsariling kalooban ako para ito'y inisin. Hinintay ko munang ilapit ang pinaglalagyan ng mga baril sa mismong harapan nito at maagap na kumuha ako ng tatlong tear gas at inihagis sa harapan ng kalaban at sinundan ko iyon ng tatlong granada saka ako nagpa-ulan ng bala. "What the f*ck!" malutong na mura ni Lorenzo. Sumilay ang pilyang ngiti sa aking mga labi. Maagap na isinuot ko ang gas mask. Wala akong tinira tumba lahat ang kalaban. Head shot ang ginawa ko. And no one can control me. Makalipas ang ilang minuto. Tigagal si Lorenzo. Ubos ang kalaban. At napansin kong nakasuot na rin ito ng gas mask. "You did amaze me!" naiiling nitong tugon. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang takot sa mga mukha ng tauhan nito. "Ginawa ko lang ang pina-trabaho niyo sa akin," seryosong tugon ko habang hinihingal. F*ck! Pumalakpak si Lorenzo. "1 vs. many, no doubt. That's why some mafias are afraid of Montenegro's, they are not only good in business but also smarter in battles. I am wondering, what if I end up facing one of them?" "Pwes, magtago ka na," maagap kong sagot dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD