Ysah's POV MATULING lumipas ang ilang araw hanggang sa kapwa kami pumasok sa mismong opisina ng kompanya ng Rutherford Industrial Corporation. Naging smooth ang takbo ng mga araw. Himala at walang nangyayaring mga p*****n. Ako bilang Executive Assistant o AE ni Mr. Philip Rutherford. Hindi maiiwasan ang ilang mga bulungan at ang paglipana ng ilang mga Marites sa pagdating ko sa naturang kompanya. Sa mismong conference room mapapansin ang lahat ng mga mata ng mga ilang boards ay nakatitig sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious sa hitsura ko. "I'm just wondering why a lovely Montenegro is here with the Rutherford's?" Narinig ko tanong ng isang board. Ngumiti ako rito. Nagkatinginan kami ni Phillip. "What brings up the question in your mind, Mr. Rodriguez, as to why I'm present here