FIVE: "Salamat."
"KUMUSTA po ang kapatid ko, doc?" kaagad na tanong ng dalagita matapos dalhin sa hospital at asikasuhin ang kapatid niya.
Ako rin ay nag-aalalang humarap sa nurse para makinig.
"Minor injuries lang naman ang tinamo ng pasensyente. Hindi masyadong malakas ang impact ng pagkakabangga niya kaya thank God really na hindi malalaking pinsala ang tinamo niya. Konting pahinga nalang muna at magiging okay din s'ya. There's no need to worry." paliwanag ng doctor.
Nakahinga ng maluwag ang dalagita at maging ako rin ay nakahinga ng maluwag. At least, her sister's safe... Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama do'n sa bata.
"May mga in-injection na ring gamot at pain relievers sa kanya tapos every now and then may papasok na nurse dito para magbigay ng medication niya. Gamot nalang talaga at sapat na pahinga, gagaling din s'ya."
Halos maluha-luha ang dalagita habang tumatango. "Salamat po, doc. Maraming salamat po talaga."
Ngumiti ang doctor at ako din ay binalingan nito. I smiled at her too tapos nagpasalamat. "Thanks, doc."
"Nga pala, doc, pwede na po bang i-discharge bukas na bukas din ang kapatid ko?"
"Depende pa sa magiging response ng katawan niya, hija. Kapag naging totally okay na s'ya bukas, pwede na."
"Hay salamat... Wala po kasi kaming sapat na pera para po magtagal dito sa hospital."
Hinawakan ko sa balikat ang dalagita. I nodded at her giving her signal na okay lang. Akong bahala sa lahat. Kahit ilang araw pang manatili ang kapatid n'ya rito sa hospital para masiguradong gumaling na iyon ay ayos lang sa akin. I'll take all the charge sa billings. Wala na silang dapat na alalahanin pa, after all it's really my fault kung bakit napunta rito ang bata.
For the first time, nakita ko ang lambot sa ekspresyon ng babae tapos ay nakakaintinding umiling siya. "Masyado na pong nakakahiya at nakakaabala na kami sa inyo, miss..."
Umiling ako't ngumiti. "I don't mind. Akong bahala sa lahat. Kung hindi naman kasi dahil sa akin hindi kailangang mahospital ng kapatid mo."
"Pero-"
"Ayos lang talaga." I garanteed her.
Ngumiti siya't tumango. "Salamat."
"Pa'no ba 'yan? Mauuna na muna ako sa inyo. Pupunta nalang yung mga nurse dito everytime na may kakailanganing ipainom na gamot sa pasyente."
"Opo, doc. Maraming salamat."
Lumabas ang doctor at kaagad na nilapitan ng kanyang kapatid ang bata na ngayon ay nakahiga sa patient's bed at naka-dextrose.
"Ate, ba't tayo nandito? Hindi natin 'to bahay 'diba?" inosenteng tanong ng bata sa dalagita.
Lumuhod ang huli sa gilid ng kama tapos ay hinawakan ang kamay ng kapatid. "Oo pero mananatili tayo rito para gumaling ka kaagad, Kikay."
"Magaling naman na ako, ate at wala na pong masakit sa akin. Uwi na po tayo!"
"Kikay, dito muna tayo matutulog habang hindi ka pa masyadong gumagaling. Gusto mo bang sumakit ulit 'yang katawan mo?"
Umiling ang bata. "Hindi po."
"Oh 'yon naman pala eh, kaya sundin mo si ate. Magpahinga ka na muna at matulog."
"Pero kailan tayo uuwi, ate?"
"Depende pa, Kikay. Kung kailan ka siguradong magaling na."
Hindi na nagsalita ang bata. Ngumiti ang ate at inayos ang kumot ng kapatid. "Tulog ka na muna."
Pumikit ang batang Kikay ang pangalan tapos mapayapa nang natulog.
Binalingan ako ng dalagita at lumapit s'ya sa akin. Naupo s'ya dito sa tabi ko sa visitors' sofa.
"Miss, pasensya na po kung napagsalitaan ko po kayo ng hindi magaganda kanina ha? Nadala lang po kasi ako ng sobrang kaba at emosyon ko na baka may nangyaring masama sa kapatid ko..." marahan niyang paumanhin.
I smiled and nodded. "I understand. Mahal na mahal mo talaga ang kapatid mo 'no?"
"Sobra po! 'Yang si Kikay, siya nalang po ang natitira sa akin magmula nang mamatay pareho sa aksidente ang mga magulang namin kaya 'yang kapatid ko nalang po talaga ang kasama ko at kapag nawala pa s'ya sa akin..." nabasag ang kanyang boses at nagbadya ang mga luha. "Hindi ko na siguro kakayanin."
Nanikip ang dibdib ko. This young girl reminds me so much of my sister. Tipong mahal na mahal at pinaprotektahan saka inaalagaan ang kapatid.
"Nga po pala, bakit n'yo po ginagawa ito, miss? Ang ibig kong sabihin, bakit ang bait n'yo sa amin? Mayaman kayo tapos mahirap lang kami. Pwede nga'ng kahit sa clinic n'yo nalang kami dinala para hindi na kayo gaanong napagastos dito sa hospital..."
"Kasi naiintindihan kita, ineng. Nararamdaman ko ang nararamdaman mong pagmamahal sa kapatid mo kasi ang totoo niyan, may ate din ako dati... Katulad na katulad mo s'ya kung alagaan at protektahan ako..." tumulo ang luha ko. "Kaya lang, nawala siya sa akin..."
"Nakakalungkot naman... Sorry po." she said in a guilty voice.
"No, you don't need to, ineng." agaran kong sinabi. "Ayos lang."
"Kahit wala na po siya ngayon, miss, alam ko pong mananatili yung pagmamahal niya sa inyo."
I nodded and wiped my tears. "Alam ko din 'yon. Hindi mapapantayan ang pagmamahal niya sa akin..."
"Sigurado po akong proud at masaya na siya ngayon kung nasaan po s'ya kasi mabait ang kapatid niya..."
Ngumiti ako. "By the way, ano nga palang pangalan mo, ineng?"
"Marie po."
"At ang kapatid mo'y si Kikay?"
Tumango siya. "Kayo po, miss? Ano pong pangalan ninyo?"
"Ako? Nicole... Tawagin mo nalang akong ate Nicole."
Ngumiti siya't tumango. "Sige po, ate Nicole."
Ngumiti nalang din ako at hindi na nagsalita pa. Yes, I'm not really Scarlette but I am Nicole... I used to be a happy and cheerful little Nicole but because of the dark pass, I turned to this. I turned into a devilish Scarlette whose heart is full of hatred and hungry for vengeance!
"Ate Gia! Huhuhu! Ate!" tumatakbo ako habang ang bigat ng dibdib ko sa sobrang kaba dahil hinahabol ako ng dalawang mababangis at naglalakihang aso sa street namin.
Pumasok ako sa kawayang gate ng bahay namin at gulat na gulat si ate nang makitang pawisan at luhaan ako. Nakaupo siya sa labas ng pinto. "Nicole, anong nangyari sayo? Ba't umiiyak ka?" alalang-alala ang kanyang boses.
Tumakbo ako papunta sa kanya at kaagad ko siyang niyakap. Niyakap din niya ako ng mahigpit.
"Ate, hinahabol ako nung dalawang aso!" iyak nang iyak na sumbong ko.
"Ha?!" alalang-alala siyang hiniwalay ako sa yakap at kinapa-kapa ang katawan ko para i-check akong mabuti. "Nakagat ka ba? May masakit ba sayo?"
Umiling ako. Walang masakit sa akin at alam kong hindi ako nakagat dahil hindi naman ako naabutan nung mga aso. Ang iniiyak ko lang hanggang ngayon ay yung sobrang takot ko talaga sa nangyari.
"Sigurado kang walang masakit sayo, ha?" patuloy niyang tiningnan ang mga kamay ko, braso, paa, tuhod.
Umiling ako't niyakap ulit siya habang umiiyak. Sobrang natakot kasi ako eh. Takot na takot ako!
"Hssh... 'Wag ka nang matakot, Cole. Nandito na ako. Hindi ka pababayaan ni ate..."
"Ate Gia..." patuloy pa din ako sa pag-iyak.
Kahit papaano nga'y nabawasan ang takot na nararamdaman ko dahil sa banayad na yakap ng kapatid ko... Pakiramdam ko'y ligtas ako dito sa init ng yakap niya... Kaya mahal na mahal ko 'to eh!
Kumalas kami sa yakap at marahang pinahid niya ang mga luha ko pati nga sipon ko. Nginitian niya ako para palakasin ang loob ko. "Nandito na si ate... Hindi kita pababayaan kaya tahan na..."
Sa wakas ay nagawa ko na ring ngumiti. "Hindi na ako matatakot basta kasama na kita, ate Gia..."
Nagyakap ulit kaming magkapatid. Sa yakap niya'y natagpuan ko ang pinakaligtas na lugar sa mundo...
Pinahid ko ang luha ko matapos magbalik tanaw at pinanuod si Marie na nandoon sa tabi ng kapatid niya't binabantayang maigi sa pagtulog si Kikay.
Nakakainggit. Sobrang nakakainggit si Kikay na kasama pa niya ang ate niyang nagmamahal at nag-aalaga sa kanya... Eh ako? I have nothing left aside from mourn and sorrow.
And swear, pagbabayarin ko ang bwiset na taong naging dahilan kung ba't nawala sa akin ang kapatid ko...
Just wait, ate Gia... Maghintay ka lang at malapit ko nang mapagbayad ang taong pumatay sayo... Sisiguraduhin kong sobra pa sa sakit ng pinagdaanan mo ang pagdadaanan ni attorney Monteamor sa mga kamay ko... Hindi ako titigil hangga't hindi kita naipaghihiganti...