CHAPTER 6

1689 Words
SIX: "Attorney Montano." Tyrone's POV Busy ako sa mga papeles na kasalukuyan kong binabasa sa opisina ko nang bigla nalang bumukas ang pinto nito na wala man lang kahit na katok. "Tim!" It's Mr. John Henarez in his business suit. "Attorney Monteamor!" Sunod pa ng lokong si Rick na naka-ragged naman ng porma. As usual. Tss. Kahit kailan talaga, 'tong dalawang 'to welcome home na welcome home dito sa opisina ko! 'Ni hindi man lang nagpapaalam sa sekretarya ko sa labas bago pumasok dito sa loob. Porket barkada ko eh! "Oh?" sabi ko lang sabay angat ng tingin sa kanila. "Iba! Busy life natin dito ah?" cool na ani Rick. "Kailangan. I need to work to live." "Ha! 'Wag ka nga! Ang yaman mo na dati palang eh! Ang sabihin mo, masyadong workaholic ka lang talaga!" supla naman ni John sa akin. I just smirked. Hindi habang buhay aasa nalang ako sa yaman ng mga magulang ko. I have my own personal life and I really have to work hard for myself and for my future. "Attorney naman! Kung ganyan ka nang ganyan, magpapakalunod sa trabaho walang mangyayari sa buhay mo especially to your s*x life! Ano ba? Money cannot fulfill everything and work cannot satisfy your needs as a man!" patuloy ni Rick. Ganyan 'yan makapagsalita si Rikardo dahil hanggang ngayon, dakilang binatang-binata pa din. 'Ni ayaw pang hawakan ang kompanyang pag-aari ng pamilya nila kahit ibinibigay na ng daddy niya sa kanya kasi gusto niyang gumala lang nang gumala sa kung saan-saan. Lakwatsa dito at lakwatsa doon. Nambababae araw-araw, gabi-gabi. He doesn't want to take responsibilities yet. "Hindi lang ako kasing libog mo, Rick." sagot ko lang sa gago. Humalakhak lang siya't hindi na nagprotesta. He's guilty. Gago talaga. Totoo naman. Kung may malibog sa barkada, Rick Salvado is the number one in line! Kaya nga siguro Rick ang pangalan niya dahil malapit sa salitang 'd**k'. Yeah, he's a walking d**k for f**k's sake! And at least, I am not as insane as him. Si John naman, ganyan din 'yan noon but not until he met Celine. Nagbago 'yan no'ng minahal ang nasabing babae, tinamaan ng husto! And after how many years of being in a relationship, they're now finally engaged. "Ito nga'ng si Joseph oh, kadarating lang kahapon galing ng Hongkong kasama si Serenity. Happily married na ang loko at may bunos pang another rounds of honeymoon!" pag-iiba naman niya't ipinakita sa akin ang i********: post ng pinsan ko kahapon ng gabi. Ganito yung caption, 'Just got home from Hongkong with my pretty crush. We enjoyed so much. I love you, Seni.' Tapos yung picture ay nasa airport sila habang masayang nagho-holding hands at nakahilig ang ulo ni Serenity sa balikat ni Joseph. "Lucky ass!" pahabol pa ni Rick na mukhang masaya din para sa captain ng barkada namin. I just shrugged my shoulder and nodded. I know, after all Joseph's sacrificies, my cousin deserves the happiness. "He's now settled. Ang ayos-ayos na ng buhay niya kasama ng asawa niya't anak. Pero teka nga? Kayong dalawa, bakit ba kayo nandito at tanghaling tapat nambubulabog kayo sa opisina ko, ha?" "Well, John has a good news. Susunod na siya kay captain Joseph." sagot ni Rick sabay ngisi kay John. Natutuwang binalingan ko ang huli. "Kailan na ang kasal?" Ngumiti si John. Halatang masaya at inspiradong-inspirado talaga sa buhay. "Very soon. Here, your invitation card." Inabot niya sa akin ang invitation card at agad ko itong tiningnan. Classy and romantic. Wala akong masabi. "Wow, ngayon palang congrats na, pare!" I know he's been dreaming this all his life. Ang makasal sa babaeng mahal na mahal niya. Ang pagsilbihan si Celine at ibigay rito ang pangalan niya. "Salamat, Attorney!" "Condolence, bro!" ani Rick naman. Inupakan nga ni John. "Haha. Retired na kasi ako sa pagiging katulad ni Rick Salvador kaya ganyan!" "Yeah. Retired ka na sa pag-e-enjoy! Haha. But seriously John, congrats din. Sa wakas magkakasama na kayo ng mahal na mahal mong si Celine." medyo tumino na si Rick. "Well, salamat bro!" "Nga pala, Tim..." bumaling na naman sa akin si Rikardo. "Wag mo nga rin palang kalilimutan ha? Next Friday, yung stag party. Bawal um-absent ang kahit na isa sa barkada!" "At ikaw pa talaga ang nag-remind niyan sa akin kaysa sa ang mismong magiging groom ha!" tatawa-tawa kong sinabi. "Yes, Tim, siya lang naman yung excited pagdating sa mga ganyang bagay! Makati eh!" ani John naman. "Yeah, I know." "Hoy, kung makapagsalita ka parang hindi mo rin ini-enjoy ang mga ganitong bagay dati ah!" singhal ni Rick kay John. "At least, graduate na nga ako diyan! Hahaha." "Porket, hindi mo na 'to mai-enjoy eh kasi nakita mo na 'yong babaeng magpapa-enjoy sayo for life!" "Hell yeah! Right, right!" "I know, right! Kaya ako nalang ang mag-e-enjoy dahil kill joy naman si Tyrone. Haha. Excited na talaga ako! Mukhang mas maganda pa 'tong stag party kaysa sa mismong araw ng kasalan!" sabi pa ng loko sabay himas-himas ng mga palad na para bang may masama pang binabalak. "Lintek! Hahaha." napamura nalang talaga si John at nang magkatinginan kami sabay pa kaming napailing. "How about Wayne na nasa ibang bansa pa rin hanggang ngayon?" ako naman ang nagtanong. "Don't know." John shrugs. "I already sent him the invitation on facebook." "What did he say?" "He said he'll try kung makakauwi siya." "Yang si Wayne, busy-busyhan na din ang peg sa ibang bansa ah? Siguro masyado nang ini-enjoy yung engagement niya doon kasama no'ng babaeng ipinagkasundong ipakasal sa kanya." akusa na naman ng lokong si Rick. Matagal-tagal na rin kasi mula no'ng umalis si Wayne ng bansa para sa inaayos na business partnership sa pamilya no'ng babaeng balak ipakasal sa kanya. "How about Paulo?" tanong ko. "He'll be there. Di ko lang sure kung isasama niya ang girlfriend niya. Alam mo naman silang dalawa ni Emma, panay break at panay balikan din. Ang labo ng relasyon!" sagot ni John. I nodded. Yeah, matagal-tagal na ring magkarelasyon sina Emma at Paulo. Mas nauna pa nga sila noon kina John at Celine. Nalamatan ang relasyon nila no'ng malaman ni Paulo ang namagitan kina John at Emma at tungkol sa naging sekreto ng dalawa kaya kahit na nagkabalikan, parang mahirap na kay Paulo ang magtiwala ulit kahit gaano pa niya kamahal si Emma kaya pagkatapos no'ng nangyari kahit nagkabalikan sila ay madalas nang hindi nagkakaintindihan, nag-aaway at nagkakalabuan. At least, John and Celine didn't come that far. Nagkapatawaran naman itong soon to be bride and groom namin. "Sino na kaya ang susunod sa atin 'no?" pag-iiba na ni Rick. "Wayne? Paulo? Alangan namang ako? Hahaha. It's way too impossible! Pinakahuli ako 'no!" "Wag ka magsasalita ng patapos, baka ikaw na susunod na magpapatali, Rikardo!" ngisi ko sa kanya. "Nah." umiling siya. "Mauuna ka sa akin, Attorney. Baka nga ikaw na ang susunod kay John!" Nagkibit-balikat nalang ako. Yeah, who knows? Baka ako na nga. No one can ever predict! Nasira na hanggang hapon ang trabaho ko sa mga papeles ko dahil sa walang humpay naming kwentuhan nitong mga bisita ko. Kapag talaga sila napunta dito sa opisina, hindi ko na natatapos ang ginagawa ko. Syempre, mas masarap makipagkwentuhan sa barkada kaysa magtrabaho lalo pa't miminsan lang din 'to. Hapon na nang magpasya na silang dalawa na magpaalam kaya minabuti ko na ring samahan sila hanggang sa labas ng kompanya ko. Naglalakad kami sa ground floor at papalabas na nang pumasok naman si Scarlette Montano na may dala-dalang mga dokumento. Ang newly hired lawyer ko dito sa firm. "Attorney Montano." marahang tawag ko sa abogada nang papasalubong kami. Nginitian niya ako't binati nang makita ako. "Good afternoon, Mr. President." "What's that?" tanong ko sabay sulyap sa hawak niya. "Document of your team's current case?" Tumango siya. "Yes, Mr. President." "It's your first case, huh? How was it so far?" "Ayos lang naman po, sir." Ganyan kasi dito sa kompanya ko. Kapag may bagong hired na lawyer, hindi 'yan bibigyan kaagad ng hahawakang sariling kaso. Magtatrabaho muna sila kasama ng assigned team members and leaders nila as assistant lawyers at kapag nakitang magaling sila, they will be promoted to Independent Cases na pagpipilian ng mga clients kung kukunin silang personal na maging abogado sa kaso ng mga iyon. "Uy, Attorney, ang ganda niyan ah! Pakilala mo naman ako diyan!" siko bigla sa akin ng gagong si Rick. Kinunutan ko nga ng noo at tiningnan ng masama. Hindi pa ako nagsasalita nang nginitian na ito ni Scarlette at naglahad pa ng kamay rito! "Scarlette Montano po, sir." Agarang nakipagkamay ang gago. "Rick. Rick Salvador. Naku, 'wag mo na akong sini-sir, attorney! Saka 'wag mo na rin akong pino-po!" Marahang natawa ang dalaga, mukhang natutuwa sa kaibigan ko! "Okay, Rick. Hindi mo na rin ako kailangang i-address as attorney. Pwede nga'ng kahit Scar nalang. That's my palayaw." "Noted, Scar!" Hindi ko alam pero nag-uumpisa nang mag-init ang ulo ko. I know Rick's an asshole and as much as possible, ayokong nagpapa-cute siya sa mga tao ko dahil ayokong ma-distract ang mga ito sa trabaho at mga kasong hinahawakan. "John. John Henarez." nakangiting naglahad din si John ng kamay sa kanya. Tinanggap ito ni Scarlette at nakangiting nakipagkamay din. "Scarlette Montano." "Nice meeting you, Scar!" "Yeah. Nice meeting you too, John." Siniko ko na ng tuluyan ang kaibigan ko, ikakasal na eh at mukhang gagagago-gago pa! Natatawang binalingan ako ng magaling. "What, dude! What's your prob!" "You're marrying, may I remind you!" "Of course!" humalakhak na siya na parang inaasar pa lalo ako. "I'm just being friendly to your employee, Mr. Pres!" Inirapan ko nalang at hindi na ako nagsalita pa. Annoying boys. "Ah, mauuna na po ako sa inyo, Mr. President. Pasok na po ako sa loob." paalam na ni Scarlette at maging sa dalawa ay nagpaalam na din. "Bye, Scar! You work hard, okay!" pahabol pa ni Rick habang kumakaway sa papalayong likod ng babae. Hindi na lumingon pa si Scarlette, basta humalakhak nalang sa pahabol ni Rick the walking d**k. "Ang ganda at ang sexy ng isang 'yon saka ngayon ko lang siya nakita rito ah? Bago lang 'yon dito, Tim?" tanong pa nito sa akin. Imbes na sagutin ang gago, pinagtabuyan ko na silang dalawa ni John. "Alis na kayo rito. Umuwi na kayo. Marami pa akong gagawin at tatapusin sa opisina ko. Sige na, alis na!" "Uy, pinagtabuyan tayo bigla!" tatawa-tawang ani John kay Rick. "Alis na!" "Oo, oo! Aalis na nga! Chill lang, bro!" Naglakad na sila papuntang parking space at si Rick, binalikan pa talaga ako para akbayan. "I-regards mo 'ko kay Scarlette pagkaalis namin ha?" Uupakan ko na sana pero nakailag siya't tumakbo na pasunod kay John at tatawa-tawa silang dalawa pareho. Damn these guys!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD