FOUR: "You're Hired."
"YOU are Scarlette Montano?"
"Yes, I am." confident kong sagot.
Nasa harap ako ngayon ng board ng HR Department sa Monteamor's Law Firm. Yes, after the day I gave Tyrone my application form, resume, and transcript of records yesterday ay tinawagan agad ako ng kompanya for an interview today.
Formal akong nakaupo sa harapan ng HR's board. I am, of course, wearing formal dress too. A white undershirt beneath my black executive blazer and skirt. I have some accessories to add up to my fashion; necklace, small white gold earings, authentic branded women's wristwatch and a pair of red stilletos.
"So, tell us about yourself, Miss Montano."
"Again, my name is Scarlette Montano. I am twenty-five years of age..." umpisa kong sunod-sunod at walang putol sa salita. Ewan ko ba pero hindi ako kinakabahan. Wala akong pressure na maramdaman 'di tulad ng ibang applicants na pinagpapaiwasan sa kaba. "I took and finished my law school at San Francisco. I passed my board exams and finally got my license there to be a registered lawyer."
Siguro hindi na ako kinakabahan at nag-uumapaw pa nga self-confidence ko dahil sanay na ako mga sa ganito at may maipagmamalaki na talaga ako. I mean, ilang beses ko na 'tong napagdaanan, ang ganitong stage. Ang mag-apply at humarap sa interview. At sa California pa iyon, and take note, ang mga naa-applyan kong Law firms doon para pagtrabahuan ko ay naiha-hire ako. I never got rejected so bakit ngayon pa ako kakabahan? Bakit ngayon pa sa sarili kong bayan at bansa!
"You also worked there?"
"Yes. I worked in California for almost two years."
"What made you go back here in the Philippines when it seems like you already had great career abroad?"
"I gave up my great opportunity abroad, maam, because I know and I believe that no matter how my life went well there and I had big compensation in every case I won, I'm still bound for my own country. I'm still a lawyer of my own land, and that my duty to serve is still here in the Philippines."
Napangisi ako sa likod ng aking utak. Dami kong alam at sinabi ah? Well, in fact the truth is 'To kill your big boss...' 'Yon lang naman talaga yung rason at punto ko ng pagbalik dito sa Pilipinas!
Nakita kong nagngitian at nagtanguhan ang board of HR. Ako rin ay ngumiti. Yeah, I know. Magaling ako at napahanga ko sila sa mga sagot ko. Sooner or later I will be hired in this institution.
Pa'no ko naman kasi sila hindi mapapahanga gayong ang ko-common ng mga tanong nila at gasgas na rin! Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko pa napagdaanan dati 'yang mga tanong nilang 'yan. Hay naku, sisiw!
"Last question, miss Montano, what would you promise us if we'll hire you?"
"I promise to do my duty very well and give my very best to serve justice to those people who will need it the most."
And I need it the most that's why I need to be hired here! I need justice for my sister whom I have lost years ago...
"Okay, miss Montano, please proceed to our examination."
Ngumiti ako at tumango. "Okay."
Dinala ako ng isang assistant sa examination room.
Bahagyang nagulat ako nang makitang halos pito lang kami. Sa dinami-rami naming sumalang kanina sa interview, pito lang kami pinag-proceed sa exams?!
Sa pagkakaalala ko, pang-thirty plus akong aplikante na sumalang sa interview at marami pang nakapila sunod sa akin. So, ibig sabihin hindi rin pala basta-basta ang standard nila at hindi sila basta-bastang nagha-hire?
Okay. Medyo na-amazed ako. Well, medyo lang naman, so don't get me wrong. Akala ko kasi'y pipityuging Law firm lang itong kompanya ni Monteamor, 'yon pala'y nagfi-feeling San Francisco din sa taas ng standard pagdating sa hiring process!
Binigyan ako ng personnel in-charged ng examination paper. Tinanggap ko ito at kaagad na umupo para sagutan. The exam is easy and it consists questions from judiciary laws, legislative, criminal cases, justice systems and other laws in the Philipines. It is worth one-hundred items and good for one hour only but I finished answering it within just an half hour.
"Ay tapos na po kayo, maam?" gulat pang tanong no'ng personnel nang pumunta na ako sa harap para pumasa ng exam paper.
I smiled nicely. "Yes."
Pa'no ko naman hindi matatapos kaagad ang exam gayong ang dali lang naman ng mga tanong! As if hindi ko pa na-counter yung iba sa licensure examination for lawyers sa San Francisco!
Well, may iba rin namang mga tanong na pang-Philippine constitution talaga pero hindi naman ako na-trouble dahil kahit nag-aaral pa ako noong college ay nagbabasa rin naman ako ng mga librong konstitusyon pang-Pilinas kaya may extra knowledge ako. Syempre, may matinding agenda ako dito sa Pilipinas at may kinalaman sa isang magaling na abogado dito kaya alam kong kailangan ko ring pag-aralan ang iba't-ibang pasikot-sikot na justice system dito sa bayang sinilangan!
She smiled nicely too as she got my paper. "Thank you, maam."
"Thanks."
"Tawagan nalang po ulit kayo namin kapag na-finalize na yung result ng interview at exam n'yo, maam ha?"
"Yeah. Sure."
One week later, hindi nga ako binigo ng instinct at confidence ko nang tawagan ako ng kompanya. But to my little disappointment, hindi pa para sabihing hired ako kundi pinatatawag daw ako ng Presidente sa opisina nito. And the President is no other than its owner! Attorney Tyrone Monteamor.
Bakit kailangan pa niya akong ipatawag sa opisina niya for another interview? I mean, the HR Dept. who is in-charged for hiring process can already decide if an applicant is qualified to be hired or not according to the applicant's performance during interview and exams. Hindi na kailangan pa ng Presidente ng kompanya na makialam pa doon dahil marami pa siyang mas kailangan pang intindihin kaysa sa mga aplikanteng naghahanap ng trabaho sa kompanya niya!
But by the way, sinunod ko pa din ang sinabi nila at pumunta nga ako sa opisina ni Tyrone the day right after that call.
Some assistant from the desk clerk guided me the way to his office. Nasa ikahuling palapag lang naman ito ng building! And the building is six-storey high! Okay, I got it. Nandito talaga sa itaas ang tig-iisa at kanya-kanyang opisina ng mga taong may matataas na position sa kompanyang ito.
"Mia." tawag ng kasama ko sa babaeng nasa table sa labas ng opisinang nasa pinakadulo.
Sa pinto ng nasabi opisina ay may naka-label na President. Probably, that's Tyrone Monteamor's office.
Ngumiti 'yong babae. "Lyka!"
"This is Attorney Scarlette Montano. May appointment daw s'ya kay Mr. President."
"Sige. Ask ko muna si Mr. President ha?" anang Mia tapos ay may idi-nial sa telepono.
"Mauuna na po ako, maam." paalam naman sa akin ni Lyka.
I nodded at her. "Salamat."
Tumungo na s'ya papuntang elevator para bumalik sa cubicle n'ya. Ako nama'y nanatili sa harap ng babaeng Mia ang pangalan. Okay, this must be Tyrone's secretary.
"Nandito po si Attorney Montano, sir. Ah, papasukin ko ngayon na din po? Sige. Sige, sir." tumango-tango pa 'yong Mia sa kausap at nang matapos ang tawag ay muli akong binalingan. "This way po, maam."
Binuksan nito ang pinto ng Presidente at sinamahan ako hanggang sa loob.
There, I saw the most gorgeous man in his coat and tie while sitting on his executive chair. Attorney Tyrone Monteamor or simply The President.
"Thanks, Mia. You may now go."
"Opo, sir." magalang na sagot ng sekretarya tapos lumabas na nga.
"Okay, miss Montano. How are you? Please take a seat." ani Tyrone saka itinuro sa akin ang upuan sa harap niya.
Tumango ako't sinunod siya. "Thanks. I'm fine, sir."
Kumpara sa noong huling salubong ko sa kanya, mas pormal siya ngayon. Boss na boss ang dating.
Pero hindi ako kinakabahan. Ang isang katulad kong mayroong nag-uumapaw na self-confidence ay kakabahan pa ba?
"I'm glad to hear you are fine. So, how was your interview with the HR personnel last week and the exam?"
"Thank God everything went well, sir."
"Hindi ka naman ba kinabahan? No pressures at all?"
The heck with the chicken questions! Ba't naman ako kakabahan sa mga simpleng tanong ng HR during interview!
I smiled. "Medyo but I didn't feel any pressure kasi alam kong kapag nagpatalo ako sa kaba, I would not be able to make it 'til here, sir."
Okay, Scar. Magpa-humble ka pa ng konti kahit sobrang nakakaasiwa na!
Tumango-tango ito. "I want you to know, miss Montano, na pinatawag kita personally dito sa opisina ko to let you know that my company has its standards when it comes to hiring applicants. I mean, ayokong isipin mo o isipin ng iba na kaya ka natanggap dito dahil magkakilala na tayo bago ka pa man nag-apply. I don't want others think I'm unfair when it comes to hiring new employees to work here."
Of course, I know that! Ano ako? Boba? Para hindi malaman ang mga ganyan?! Tss.
"I understand, sir."
Bahagyang ngumiti ito. "It's good to know that you understand, miss Montano. By the way, let's proceed to my first question? Are you ready?"
I nodded. I'm all ready since the day you deprived me having a sister to be by my side to take care of me and to love me! I'm all ready all my life! "Yes, sir."
"So, miss Montano, why did you choose my company? I mean, marami pa namang ibang mas magaganda at mas malalaking Law firms with promising compensations dito sa Pilipinas but why did you choose mine? Look at you, you look even a promising lawyer of this generation so I'm sure, marami pang ibang mas malalaking kompanya ang nangangailangan ng standard lawyer na katulad mo kaya bakit dito mo pa naisipang mag-apply sa Monteamor's Law Firm?"
Promising... standard lawyer of this generation. NAMAN!
I gave him my sweetest smile as I answered his question. "I chose to apply in your Law firm, sir, because I believe in it and to everything it gives to people who are hungry for justice. Yes, there are maybe other companies that are bigger than yours and they offer bigger compensations than your company gives to your lawyers. But I really believe that it's just not about the compensations that we get or how big or small the Law firms that we, lawyers, come from, it's still the quality of justice that we serve for people who need it so much, sir. I believe that your company serves to its cleanest and truely gives people justice."
Makahulugan siyang ngumiti matapos kong magsalita. Alam ko na, makahulugan ang kanyang ngiti dahil alam niyang lahat ng mga sinabi ko ay kabaliktaran sa katotohanan. Natural! Demonyo ang may-ari ng kompanya at nagpapatakbo nito kaya syempre demonyo din ang hustisyang naibibigay nito sa mga nagiging kliyente! I know how unjust and how tricky does Tyrone Monteamor perform on courts, minsan kong napatunayan iyon matagal na panahon na ang nakakalipas!
"Why should I hire you, miss Montano?"
"You should hire me, sir, because I know I have the qualities and everything that it takes to be hired. I promise to give you the best service I can ever give. I know that there are other applicants who are more deserving in this post but I am confident enough to say that I'm still the most deserving and if they're better than me then I'm still the best."
Gumuhit sa kanyang mukha ang labis na tuwa at pagkamangha. "You're hired." He extended his hand on me. "Congratulations and welcome to my company, attorney Montano."
Ngumiti ako sa tagumpay at proud na inabot ang kanyang kamay. "Thanks, Mr. President."
Lumabas ako ng Law firm at kaagad na sumakay ng kotse ko. I need to celebrate!
Ganyan nga, unti-unti mo akong papasukin sa mundo mo't ako'y unti-unti ring sisirain ang mundo mo, attorney Monteamor!
Ang saya-saya ko sa pagmamaneho ngunit nang lumiko ako sa isang banda ay may nahagip akong isang batang babae sa may eskinita. Kaagad kong binabaan ito sa pag-aalala para tingnan. Kinakabahan ako't malakas ang kabog ng dibdib ko. Baka kung napa'no ang bata!
Nagkumpulan ang mga tao habang nakikiusisa sa nangyari. Pinalibutan yung bata habang yung iba'y nagbulung-bulungan. Nag-excuse ako para makadaanan at makalapit doon.
"Kikay? Kikay!"
Bago pa man ako lumapit ay may teen-ager na babaeng naunang dumalo roon sa bata habang iyak nang iyak na niyakap iyon.
"Kikay, anong nangyari?" mababakas sa mukha nito ang sobrang alala.
"Ate, ang sakit ng katawan ko." iyak na sumbong nung bata.
So, magkapatid pala itong dalawa?
"Ha? Saan?" kinapa-kapa ng ate ang likod ng kapatid.
"Dito." tinuro nito ang gilid na siyang tinamaan ng kotse ko.
"Ah, miss excuse me?" sumingit na ako.
Hindi ko kasi kayang manuod nalang habang pinanunuod silang umiiyak dahil sa akin lalo na yung batang nagtamo ng pinsala dahil sa katangahan ko sa pagmamaneho!
Tiningnan ako ng magkapatid. Hindi lang ng dalawang babaeng magkapatid kundi naagaw ko rin ang atensyon ng halos lahat ng mga taong nakikiusisa.
Sa una'y nagtatakang tiningnan ako nung ate ng batang nabangga ko ngunit kalauna'y nanliit ang kanyang mga mata at galit na dinuro ako. "Ikaw ang may gawa nito sa kapatid ko? Ikaw ang sumagasa sa kanya?!"
Parang dinudurog ang puso ko. Hindi ko naman sinasadya yung nangyari pero sobrang nakukunsensya ako. "Sorry. Hindi ko sinasadya."
"Kayo talagang mayayaman, wala kayong pakialam kahit sinong masasagasaan n'yo kasi may pera kayo at akala n'yo makokontrol n'yo na lahat! Hindi n'yo na inisip na may pakiramdam din kaming mga mahihirap at naaagrabyado din kami!"
Nanliit ako't naninikip talaga ang dibdib ko. Hindi ko magawang magalit sa paratang niya dahil alam kong totoo din naman ang sinasabi niya. I also once used to have a lifestyle like them kaya... kaya naiintindihan ko ang sentiments nila.
"Dadalhin ko na kayo sa hospital para ma-check ang kapatid mo..." marahan kong sinabi.
"Hindi na!" pagmamatigas ng dalagita at sinubukang buhatin ang kanyang kapatid. "Ako nalang! Hindi ko kailangan ang tulong mo!"
Tinulungan ito ng ibang mga nanunuod para buhatin ang kanyang kapatid kasi parang hindi kakayanin ng katawan niyang buhatin iyon ng mag-isa.
Yung mga chismosa sa gilid ay nagsimula na rin sulsulan siya. "Ineng, hayaan mo nang tulungan niya kayo dahil kasalanan naman niya ang nangyari!"
"Oo nga, ineng! Siya ang nakabangga sa kapatid mo kaya dapat lang na managot siya!"
"Hindi porket mayaman siya't mahirap lang kayo'y tatakasan nalang niya ang nagawa niya!"
Kahit nakakairita yung boses ng mga usesira sa paligid, hindi ko magawang singhalan sila o tarayan man lang dahil tama naman ang sinasabi nila. Hindi porket mayaman ang nakabangga ng mahirap ay wala nang responsibilities yung mayaman after ng damage.
"Miss, teka!" hinawakan ko sa braso ang dalaga para makiusap.
"Pwede ba, bitawan mo nga ako!" tinabig niya ang kamay ko. "Hindi namin kailangan ng-"
"Miss, please... Kasalanan ko ang nangyari sa kapatid mo kaya pakiusap naman hayaan mo akong tulungan kayo. Please?"
Nabuhay ang pag-asa sa puso ko nang makita kong unti-unting lumambot ang ekspresyon niya. Kalauna'y tumango rin siya. "Sige na nga!"
Ngumiti ako't binuksan ang backseat ng kotse ko para makasakay sila.
Nagmaneho ako patungong pinakamalapit na hospital at hindi maiwasan ng puso kong madurog habang tinitingnan silang magkapatid lalo na ang nakakatanda na nag-aalala sa bunso.
"Ate, ang sakit na talaga ng katawan ko!"
"Okay lang 'yan, Kikay. Gagaling 'yan. Mawawala din 'yang sakit mo kapag nadala ka na sa hospital at nagamot kaya relax ka lang ha? Hindi ka pababayaan ni ate. Hindi papayag si ate na hindi ka gagaling kaya kapit ka lang, Kikay."
I also used to have a sister as caring and as loving like that... Kaya lang, nawala siya sa akin...