THREE: "My pleasure to have an applicant like you here!"
"Ayoko na! I don't like you anymore!" nagtatampo kong sinabi sa kausap ko mula sa kabilang linya.
"Scar naman! Alam mo namang gustong-gusto rin kitang samahan ngayon 'di ba? Kaya lang, alam mo na ang sitwasyon ko." naglalambing na sagot niya.
"Hmmp!"
Sa totoo lang, naiintindihan ko namang busy siya at hindi naman talaga ako nagtatampo. Wala lang, gusto ko lang maglambing sa best friend ko.
"Scar, wag ka nang magtampo, please. Babawi ako next time. Promise 'yan." he said sincerely.
"Sige, basta bumawi ka ha?"
"Oo naman! Next time kapag wala akong taping."
"Okay, aasahan ko 'yan. Sige na, sige na't magpapakalunod na ako sa pagsa-shopping ngayon!"
"Sige. Take care and enjoy, okay? Love you, Scar."
"Oo na, take care and enjoy rin. I love you too, bakla!" humalakhak ako bago pinatay ang tawag.
Niyaya ko kasi si Daniel na mamasyal at mag-shopping ngayong araw kaya lang masyadong mahaba ang hair ni best friend at hectic ang schedule niya ngayong week. Sunod-sunod ang taping.
Nauna akong mag-shopping ng iilang mga dress and shoes. Nang matapos sa pagsa-shopping ay namasyal naman ako sa fourth floor, hindi ko inasahan ang nakasalubong ko. Si Tyrone at may kasama siyang batang lalaki.
"Tim." I called him pagkalabas palang na pagkalabas nila ng World of Fun.
Sabay sila ng bata na napatingin sa aking gawi. Tiningnan ako ni Tyrone.
"Uhm... Scarlette... if you remember." medyo naiilang kong pakilala sa sarili ko.
Ano ba 'to? May memory gap? No'ng isang araw lang yung unang pagkikita namin ah? Nakalimutan kaagad niya ako? Oh come on, damn him!
Tiningnan niya ako ng mabuti na tila ba inaalala ako. I smiled, bwiset!
"Scar..." nag-isip siya at nang tila naalala na rin ako sa wakas ay ngumiti na rin siya. "Yeah. Scarlette. Yung nakabanggaan ko no'ng isang araw?"
"Exactly!" I laughed.
"So, how are you? Hindi ko inakalang makikita ulit kita pagkatapos no'ng nangyari." aniya at lumapit sa akin habang hawak pa rin ang batang lalaki na palipat-lipat ng tingin sa aming dalawa.
"Ako nga rin eh. Okay lang naman ako. How about you, kumusta ka?"
"All fine."
I nodded. Bumaba ang mga mata ko sa bata na ngayon ay nakangiti nang nakatingala sa akin. I smiled at him too. Kaano-ano kaya 'to ni Tyrone? Anak? Kapatid? What?
Hindi naman niya kamukha ang bata pero tulad niya ay gwapo rin ito at mukhang marami ring paiiyaking mga babae kapag nagbinata na.
I didn't bother asking kung sino ang batang kasama ngunit sinagot niya ang katanungang nasa isipan ko.
"This is Gabby." he said.
"Hello, beautiful." kumaway ang suwabeng-suwabe na si Gabby sa akin.
"Oh, hello!" natutuwa kong sagot sa bata.
Ang gwapong bata!
"And Gab, this is Scarlette." pakilala naman sa akin ni Tyrone kay Gabby.
Kaano-ano kaya niya ang huli? How is he related to this child? 'Yon ang aalamin ko sa mga susunod pa ulit naming pagkikita.
Syempre, hindi lang ito ang pangalawa at huling pagkikita namin ni Tyrone. I will make sure that we'll meet again and this time, mas madalas na't mas makakasama ko s'ya para mas madali kong maisakatuparan ang matagal ko nang pinaghandaang pagpatay sa kanya.
After a week, pumunta ako sa Law firm niya. Yes, sa sarili niyang Law firm at hindi lang dangal at katarungan ko ang aking dala kundi iilang transcript of records ko kasabay ng aking application form.
Lumapit ako sa desk clerk. "Uhm, excuse me?"
"Yes, maam? Good morning po!" mabait na bati ng mukhang cheerful na babae.
I smiled. "Good morning. Mag-a-apply sana ako for a lawyer's post. Where will I'm gonna send my records and application form?"
"Sa HR Department po, maam. They are the assigned people to facilitate new applicants. This way po." itinuro nito ang daan papuntang HR Dept.
Tumango ako. "Salamat."
Tumango na ako't lumiko sa hallway. Kaagad ko namang nakita ang office ng HR Department na nasa pinakadulong opisina. Good thing na hindi ako masyadong nahirapan.
"Scarlette?"
Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin mula sa likod ko. And oh, it's attorney Tyrone Monteamor on his coat and tie!
Ngumiti ako. "Tim!"
"Hi! Anong ginagawa mo rito?" cool na tanong nito.
Nakapamulsa ang isang kamay nito. Napakaganda niyang lalaki at ang kisig niya. Tipong gwapong mayaman.
Pa-cute na pinakita ko ang mga hawak kong papel. "I'll apply for a work... here in your Law firm."
"Wow! My pleasure to have an applicant like you here!"
Oo dahil dito naman talaga ako magsisimula! Sisimulan kitang saksakin dito mismo sa sarili mong kompanya! Dito ko bibigyang hustisya ang kapatid kong hindi nabigyan ng hustiya dahil sayo!
"You will be applying for what position?" nilahad niya ang kamay sa akin.
Alam ko naman agad kung anong ibigsabihin no'n kaya binigay ko kaagad sa kanya ang papeles ko.
"One of your lawyers." sabi ko.
Binuklat niya ang college diploma ko at tiningnan iyon. Tumaas pa ang kilay niya habang may binabasang kung ano roon.
What! Don't tell me hindi kaagad ako qualified? Mataas ang overall average ko nang gumraduate ah!
"You've finished your law school in one of the Universities in San Francisco?"
Tumango ako. "Yes, and I also got my license there para maging ganap na abogada. I have passed the bar exams for lawyers."
"Wow!" namamanghang tiningnan niya ako. "Wow!"
Napapangiti nalang ako. Ganyan nga! Mamangha ka't tanggapin mo ako dito sa Law firm mo!
Lumapit ako sa kanya at kinuha ang certificate of work ko sa isa sa pinakamalalaking Law firm sa abroad. "I also gained two years experience working in The Bickle Law, Incorporated."
"You're really... excellent! Alam mo, ako nang bahala rito sa papers mo. Ako nang maghahatid sa HR Department tapos tawagan ka nalang namin one of these days para sa interview." agad-agad na sinabi nito.
"Talaga? Uy, baka nakakaabala na ako sayo ha?" kunwaring paeste kong sinabi.
Konting pa-shy lang, Scar, at magiging worth it ang lahat sa huli. Patience!
Siguradong tumango ito. "Nah. I'm the owner and big boss of this firm. Maiha-hire ko ang mga gusto kong i-hire at papasukin dito sa kompanya ko! I can even do that without HR's hands!"
"Grabe! Naku, malaki nang pribilehiyo para sa akin na kilala na kita bago pa ako nag-apply dito sa Law firm mo pero Tim, gusto ko pa ring dumaan sa tamang proseso ng hiring. Hindi dahil kilala at tinulungan mo ako kundi dahil ginalingan ko at pinakita kong karapat-dapat ako."
Oh my! Parang hindi ko makilala ang sarili ko ah! Ang humble ko yata ngayon? This is not so me! Yeah, this is not me yet dahil lalabas ang tunay na ako sa tamang oras. Lalabas at magpapakita ang tunay na si Scarlette Montano oras na naisagawa na niya ang matagal nang binabalak na paghihiganti!
"Kung 'yan ang gusto mo, walang problema. Basta ngayon palang sinasabi ko na, get ready and prepare yourself. Nangangailan ang kompanya ko ng magaling at qualified na mga bagong abogada tulad mo." he said giving me a clue having chance to get hired.
Ganyan nga! Gumanyan ka lang at magkakasundo tayong dalawa!
Napangiti ako. "Maraming salamat ha?"
Tumango siya't ngumiti rin. "Sure! Pa'no ba 'yan? Una na 'ko sayo? May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin sa opisina ko sa taas. Good bye, miss Montano."
Marahang kumaway ako. "Bye."
Nang tumalikod na siya't naglakad, hindi ko maiwasang titigan ang nakatalikod niyang bulto.
Akala mo'y kung sinong gwapong mayaman at malinis! Akala mo'y kung sinong magaling at matalino kahit ang totoo'y bayaran naman at swapang sa pera! Akala mo'y mabait na abogado, ang totoo'y napakadumi sa paglalaro sa korte! Akala mo'y anghel, ubod pala ng demonyo!
Wala akong ibang maramdaman kundi galit, poot at pagkamuhi. Never in my life I had met a person as filthy as this man! Never in my whole life that I had met a laywer as dirty as this one! Nandidiri ako sa kanya. Sobrang nandidiri ako sa pagiging dirty player niya sa korte! He ought to be honest in every case but he is a liar! A twenty-first century devil! A living demon and a money-monster!
Magaling siya sa korte at mula pa man noon laman na ng balita na magaling talaga siyang abogado kaya maraming mga kumukuha sa kanya. Particularly business men or politicians. For the sake of money, ginagamit niya ang talino at minamanipula saka binabaliktad ang bawat kasong nahahawakan niya kaya't lagi siyang nananalo! Napakadumi.
But a right time really has to come na mapuputol din ang sungay niya at ako ang gagawa no'n. Ako ang puputol ng sungay niya't buntot at ako ang susunog ng kanyang kaluluwa sa impyerno! Isasama ko s'ya sa impyerno! Ipararanas ko rin sa kanya ang hirap at sakit na naranasan ko noon at ng kapatid ko dahil sa kanya! I will never give up 'til his soul rot in hell!
Lumabas ako't sumakay na ng kotse ko. Hindi ko maiwasang panuorin ang mga taong nasa kalsada. Kaytagal ko din talagang nawala dito sa Pilipinas!
Naagaw bigla ang atensyon ko ng isang pamilyang naglalakad sa isang banda. They looked very happy. Nakakapit sa braso ng kanyang ina yung mukhang panganay na dalagita at mukhang nagkukwentuhan sila ng masayang bagay tapos nagtatawanan pa habang yung isang kamay naman ng nanay ay kahawak kamay ng tatay na may kargang isa pang batang lalaki na siguro'y bunso.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit... selos... Naninikip ang dibdib ko. We also used to have a happy family. BEFORE...
"Ma! Pa! May good news po ako sa inyo!" excited si ate Gia na tumakbo sa bahay nang bumaba kami ng tricycle mula sa mababang paaralan ng sekondarya sa Cavite.
Nakasunod lang ako sa likod ni ate.
"Oh? Nagmamadali ka, Gia anak? Ano ba iyon ha?" marahang salubong ni mama.
"Ma, tingnan n'yo po. First honor ulit ako sa class namin!" proud na proud na saad ni ate Gia sabay pakita ng kanyang report card.
Tuwang-tuwa si mama. "Wow naman, ang galing mo anak ah! Pa! Pa!" tinawag pa nito ang ama namin.
"Oh?" dali-dali namang lumabas din si papa. "Ano 'yon, mga mahal ko?"
"Pa, tingnan mo 'to oh. First honor na ulit sa klase nila si Gia!" ani maam sabay bigay kay papa ng report card ni ate Gia.
Tiningnan iyon ni papa at tuwang-tuwa nga. "Wow! Ang galing talaga ng anak ko!"
Last culmination kasi namin noong March sa fourth grading na third year high school palang si ate ay bumaba ang rangko niya mula sa first naging third honor nalang siya. Masyado rin kasing mahigpit ang competition sa class nila. Kaya tuwang-tuwa siya ngayon dahil ngayong fourth year na siya ay first honor ulit siya sa first grading.
"Pa, pa'no 'yan? Yung promise n'yo sa akin na chocolate ice cream kapag nag-first honor ulit ako!" masayang sinabi ni ate Gia kay papa.
"Ay oo naman! Hindi ko nakakalimutan 'yon, bukas na bukas bibili ako ng chocolate ice cream!"
"Yeah hey!" nagtatalon si ate sa tuwa.
"Ikaw, Nicole? Kumusta ang ranking mo, anak? Patingin naman ng report card mo!" cheerful din na baling sa akin ni mama.
Tahimik ako't niyakap ang mga dala kong libro saka yumuko.
"Kumusta, Cole? First honor ka rin ba ngayong first grading sa class ninyo?" sunod pa ni papa.
Napakurap lang ako't hindi nagsalita.
Last culmination kasi no'ng fourth grading sa first year ko, mula first ay nalaglag ako sa fifth honor. Magagaling din kasi mga kaklase ko... Kaya hoping ang parents ko ngayong second year ako sa first grading na nabawi ko yung first rank.
"Hindi mo ba nabawi, anak?" marahang tanong ni papa saka nilapitan ako't inakbayan. "Okay lang 'yan, 'wag ka nang malungkot. Proud na proud pa rin kami ng mama mo sayo anuman ang mangyari kasi alam naming nag-aaral kang mabuti, matalino ka't honor student at mabait pang bata. 'Yon naman ang importante eh. Bawi ka nalang next time, nak. 'Wag ka nang malungkot."
"Tama ang papa mo, 'nak. Kahit anong mangyari, proud pa rin kami sayo." sunod pang comfort ni mama.
"Oo nga, Nicole!" isa pang dalo ni ate Gia. "Hayaan mo't sa susunod, tutulungan at tuturuan kita sa mga assignments at homeworks mo o kung may nahihirapan kang subjects lapit ka lang sa akin at itu-tutor kita." inakbayan din niya ako.
Ibinigay ko ang report card ko kay mama.
"Ayos lang talaga-" aniya habang binubuklat ito. Nagulat siya't nanlaki ang mga mata. "First honor ka din, Nicole?!"
Nag-angat ako ng tingin sa kanila saka pilyang ngumiti. "Alam ko kasing pagbubutihan ni ate Gia kaya pinagbutihan ko rin po."
"Ay! Ang swerte ko talaga sa mga anak ko! Ang babait na't ang tatalino pa! Thank you, lord!" masayang bulalas ni papa sabay pasalamat sa itaas.
Makulit na nag-angat ako ng tingin kay papa. "Pa'no 'yan, pa? May chocolate cake din po ba ako?"
"Oo at ngayon din ay pupunta tayong mall para bumili ng ice cream at cake ninyo!"
Nagtatalon kami sa tuwa ni ate Gia. "Yeah hey!" sabay naming bulalas tapos nagkindatan at nagtawanan kaming magkapatid...
Inihinto ko ang sasakyan ko sa isang tabi at hinayaang maglandas ang mga luha ko. We used to be happy family pero dahil sa isang trahedya, naglahong parang bula ang lahat. Ang lahat-lahat.
"Ma... pa... ate Gia..." paulit-ulit kong malungkot na sambit habang hindi alintana ang pagwawala ng mga luha ko.
Namimiss ko na si mama pati si papa lalo na si ate Gia... Namiss ko nang maging si Nicole... Ngunit hindi ako pwedeng bumalik sa dati... Hindi ako na ako pwedeng bumalik dahil wala na sila't wala na rin akong babalikan...
Kung hindi dahil sa Tyrone Monteamor na 'yon kasama ko pa sana hanggang ngayon kahit si ate Gia nalang... Kahit sana kapatid nalang sa tabi ko na gagabay at aalalay sa akin pero wala... Wala na... Wala nang natira sa akin kundi puot at pagkamuhi!