SOL
“Hey! Let me go!” Malakas na hinila ko ang kamay ko mula sa mahigpit niyang hawak kaya nabitawan niya ako.
“Ano bang problema mo?! Kung kaladkarin mo ko daig mo pa ang asawa ko ah?! At anong sabi mo kanina? She’s mine?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Nasa garden na kami sa labas ng hotel at walang ibang taong narito. Kaya sinadya ko talagang lakasan ang boses ko.
Sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Magkaiba lang sila ng kulay ng coat ni Lean pero parehong-pareho sila na nagsusumigaw sa ka-kisigan.
Kalma lang Sol! Huwag kang magpadarang sa nakikita mo. Nakalimutan mo na bang itinali ka ng lalaking yan sa puno at ginutom! Pagkakataon mo na para makaganti!
“Stay away from that guy. Duda ako sa mukha ng lalaking yun.” Seryosong sabi niya sa akin. Pinag-crossed ko ang kamay ko.
“Huh? At sino ka para utusan ako? Do I know you?” Nakataas ang kilay na litanya ko sa kanya. Akala niya siguro ay madadala niya ako sa kaguwapuhan niya.
Humakbang siya papalapit sa akin kaya umatras ako.
“A-ano bang problema mo?” Litanya ko sa kanya.
“Hindi mo ba ako naalala? Ako ang lalaking sakay ng yate. Nagkita na tayo sa beach resort at matagal na kitang hinahanap.” Wika niya na ikina-awang ng labi ko. Kung ganun, ibig sabihin…ako ang tinutukoy ni Lean na pinaghahanap nila? Kaya palaging mainit ang ulo ng lalaking ito kay marikit, which is ako din? Nakakaloka!
“Sorry, but I think nagkakamali ka. Hindi ako ang babaeng yun.”
Akmang tatalikuran ko na siya pero mabilis niyang hinila ang braso ko. Kaya sa bilis ng reflex ko ay humawak ako sa magkabilang balikat niya at malakas ko siyang tinuhod. Napaigik siya at napangiwi dahil sa sakit.
“Sa susunod na hawakan mo ako ulit ay hindi lang yan ang aabutin ng jun-jun mo.”
Inirapan ko siya at nagmamadali akong pumasok sa loob. Naiwan ko siyang iniinda pa rin ang kanyang p*********i. Hindi niya siguro akalain na kaya kong gawin sa kanya yun. Well, I’m not Marikit for tonight. Kaya puwede kong gawin yun. Ganti ko yun sa kanya dahil sa pang-aapi niya sa akin!
Sa muling pagpasok ko sa loob ay hinahanap ng mata ko ang target ko ngayong gabi. Kapag hindi ko nagawa ang misyon ko siguradong malalagot ako kay Mr. X. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng party at nakita ko ang likuran ni Moloch na umaakyat sa hagdan. Nagmadali akong habulin ang kinaroroonan niya. Ngunit may bulto na naman ng lalaking humarang sa akin.
“Hi.” Bati niya. Susko! Kakaalis ko lang sa isa. Si Lean na naman ang nasa harapan ko.
“Can we talk?” Nakangiting tanong niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko habang tinatanaw ko ang papalayong target.
“Puwede, later? May gagawin pa kasi ako eh.”
Mabilis ko siyang tinakasan at mabuti na lamang hindi na niya ako nahabol dahil may lumapit din sa kanyang babae.
Sinundan ko kung saan patungo si Moloch. Hinawakan ko ang laylayan ng gown ko paakyat sa hagdan dahil napakahaba nito at nahihirapan ako sa mabilis na lakad.
Nang makarating na ako sa itaas ay nakita ko siyang pumasok sa loob ng isang unit.
Sakto!
Nagmadali akong magtungo roon upang doon ko na isagawa ang plano. Nagmasid muna ako sa paligid. Nang hawakan ko ang seradura at pihitin ito nagulat naman ako ng bumukas ito.
“Ikaw?” Bungad niya sa akin.
“Sorry, nagkamali ako ng kuwarto.” Pagdadahilan ko sa kanya. Ngumisi siya sa akin.
“Really? Do you want to spend the night with me?” Alok niya. Sandali akong napa-isip ngunit hinawakan na niya ang kamay ko at ipinasok niya ako sa loob. Inilibot ko ang aking paningin. Walang ibang tao sa kuwarto niya at amoy na amoy ko din ang usok ng sigarilyo.
“Sit down.” Nakangiting utos niya sa akin. Sa unang tingin hindi mo aakalain na muderer, kidnaper at rapist siya. Ngunit sa body language niya at kung paano niya ako tignan ano mang minuto ay makikita ko na ang tunay na kulay niya.
“Nasaan na ang kasama mo kanina?” Tanong niya habang nagsasalin ng alak sa dalawang babasagin na baso.
“Hindi ko siya kilala, mistaken identity lang ang paghila niya sa akin.” Pagdadahilan ko.
“Really?” Inabot niya sa akin ang isang baso at naupo sa harapan ko. Dumerecho ang mata niya sa nakalabas kong hita at napakagat siya ng labi.
“Baka paraan lang niya yun para makuha ang atensyon mo. Sa lahat ng nakikita ko sa party isa ka sa pinakamaganda.” Wika niya sa akin.
Hindi paghanga ang nakikita ko sa kanyang mga mata kundi pagnanasa. Siguro ay isa na ako sa target niyang biktima. Well, yun naman talaga nag plano ko ang akitin siya nang sa ganun ay mapunta sa akin ang atensyon niya.
Tumayo siya at naupo sa tabi ko. Inisang lagok ko ang mapait na alak at ipinatong ko sa ibabaw ng salamin na mesa.
Inilagay niya ang kanyang isang kamay sa likuran ko.
“You're so beautiful.” Mahinang bulong niya sa akin. Inilapit niya ang kanyang mukha at dumerecho ito sa aking leeg.
Naramdaman ko ang kanyang labi na humahalik sa akin. Unti-unti ko namang hinuhugot ang patalim na nasa aking hita at nang itutok ko na sa kanya ito at nahawakan niya ang kamay ko.
“Do you think you can fool me?” Nakangising sabi niya sa akin. Wala na akong choice kundi ang labanan siya ng harapan. Kaagad kong sinipa ang kanyang mukha tumama ang dulo ng takong ko sa ulo niya at mabilis akong tumayo. Tumulo ang dugo sa gilid ng kanyang mukha. Pero hindi ko nakikita sa mga mata niya ang takot at nakuha pa niyang ngumisi sa akin.
“Alam kong kasalukuyan nilang nililigtas ang mga babaeng ikinulong ko sa aking rest house. Kaya sigurado din ako na ipinadala ka nila para tapusin ako. Matagal ko ng alam na may nagmamanman sa akin. Pero hindi ako makapaniwalang isang babae din ang ipapadala nila para tumapos sa buhay ko.” Mahabang lintanya niya pagkatayo niya.
“Isang babae lang? Masyado mo akong minamaliit Moloch. Pero bago ko tapusin ang buhay mo. Gusto kong malaman..bakit mo ito ginagawa?” Walang emosyon na tanong ko sa kanya. Nagpunta siya sa kabinet at may kinuha siya mula roon. Isang mahabang punyal ang tinatangal niya sa lagayan nito bago siya humarap sa akin.
“Nakaka-excite pumatay lalo na kapag naririnig ko ang pagmamakaawa nilang tuluyan ko na sila habang pinahihirapan.” Nakangising sabi niya. Umigting ang aking panga at napakuyom ako sa aking kamao.
“Kung ganun, wala ng dahilan para buhayin pa kita.”