SOL
“Sigurado ka bang kaya mo akong patayin?” Nakangising tanong niya sa akin. Kikilos pa lang ako palapit sa kanya ay biglang nang nanlalabo ang aking paningin.
“You tricked me!” Singhal ko sa kanya na ikinatawa niya. Mabilis ko siyang sinugod at dumaplis ang patalim ko sa braso niya at nagdulot ito ng mahabang sugat ngunit hindi ko man lang siya nakitaan na nasaktan siya sa ginawa ko.
Wala akong nakitang inilagay niya sa alak kaya hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito!
“Ang dali mo namang linlangin. Makipaglaro ka muna sa akin.”
Para siyang demonyong nakangisi sa akin. Kailangan ko siyang tapusin bago pa ako tuluyang mawalan ng malay!
“Pasalamat ka dahil sedative at pampatulog lang ang inilagay ko sa yelo. Kung lason yun kanina pa bumubula ang bibig mo.”
Sabi ko na nga ba! Hindi ko naisip na nasa yelo ang gamot!
Sinugod niya ako kaya umatras ako. Nagawa niyang matangal ang isang strap ng damit ko gamit ang kanyang patalim! Kaya tumambad sa kanya ang panloob kong damit.
Parang asong ulol na kinagat niya ang kanyang labi. s**t! Dahil sa taas ang heels ko lalo akong nahirapan na kumilos!
Yumuko ako at itinukod ang aking kamay sa kama. Mabilis kong hinubad ang stilleto shoes ko. Nang maramdaman ko siyang lalapit sa akin ay sinadya kong ilaglag ang patalim na hawak ko. Inihiga ko ang aking katawan sa gilid ng kama. Nang sa ganun ay akalain niyang tuluyan na akong nawalan ng malay. Pinakiramdaman ko ang paligid at kinalma ko ang aking sarili.
“Ganyan nga…matulog ka muna…dahil mahaba pa ang gabi…” Narinig kong bulong niya.
Nang akmang lalapit na siya sa akin ay mabilis akong dumilat at tinadyakan ko ang p*********i niya. Napansandal siya sa pinto ng banyo kaya tuluyan itong natumba mabilis kong dinampot ang patalim at kaagad akong pumatong sa kanya. Akmang sasaksakin ko na siya sa dibdib ngunit hinawakan niya ang patalim ko at pinigilan ito.
“Akala mo ba madali mo akong mapapatay? Nagkakamali ka!”
Natatalo at naagaw na niya sa akin ang aking patalim. Sobrang lakas niya! Naglalabasan na ang litid sa kamay at noo niya! Unti-unti na ring kinakain ng dilim ang paligid ko. Nawawalan na rin ng lakas ang aking katawan! Nanghihina na ako at kailangan ko na siyang tapusin!
Binitawan ko ang patalim na pinipigilan niya at kinuha ko ang isa ko pang patalim sa hita. Inangat ko ito sa ere at nanlaki ang mata niya nang tuluyan ko itong ibaon sa kanyang dibdib. Sumuka siya ng dugo ngunit nanatili siyang nakangisi sa akin.
“Adios!”
binitawan ko ang patalim at tumayo na ako. Napaupo ako sa gilid ng kama dahil sa labis na pagkahilo. Hangang sa tuluyan na akong nahiga sa kama.
Ngunit nagulat ako nang tumayo siya at tinangal ang patalim na ibinaon ko sa dibdib niya. Dala na rin siguro ng kakulangan sa lakas kaya siguradong nagmintis ako sa puso niya! Itinagilid ko ang aking katawan upang silipin siya.
“B-buhay ka pa?” Usal ko na ikinatawa niya itinapon niya ang patalim at umibabaw siya sa akin.
“Sabi ko naman sayo…hindi mo ako madaling mapapatay.” Nakangising sabi niya sa akin. Sa isang iglap ay nagawa niyang punitin ng tuluyan ang damit ko.
Hangang sa tunog nang malakas na pagbukas ng pinto at pag-alingawngaw ng putok ng baril ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang matapang na mukha ni Renzo!
Nang magising ako ay inilibot ko ang aking paningin. Nasa malaking kuwarto na ako at iba na rin ang suot ko. Babangon na sana ako ngunit nakarinig ako ng yabag ng paa patungo sa pinto kaya nagpangap akong tulog.
Narinig kong bumukas ang pinto at nagsara ito.
“Natutulog pa rin siya. Baka bukas pa ng umaga ang gising niya.” Narinig kong sabi ng isa.
“Ano ngayon ang plano mo? Ako ang unang nakakita sa kanya.”
“Ako ang nagligtas sa kanya nakalimutan mo na ba?”
Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko sigurado akong yung dalawa ang nag-bubulungan sa tabi ko.
Kabisado ko ang kuwarto nila kaya sigurado akong nasa isang condo o hotel nila ako dinala. Sila rin ang nagligtas sa akin! Kailangan kong makatakas dito!
“Sa labas na lamang tayo mag-usap. Baka magising pa siya.”
Nagmulat ako nang magsara na ang pinto. Kaagad akong tumayo. At nang pagmasdan ko ang suot ko ay napakunot ako dahil long sleeve polo ito na kulay itim. Tanging underwear lang ang suot ko sa pang-ilalim.
Sila kaya ang nagbihis sa akin? Binuksan ko ang itim na kurtina at kitang-kita mula rito ang buong suidad.
Paano ako tatakas?! Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa pinto. Naririnig ko silang nag-uusap sa veranda. Sumilip ako at nakatalikod sila sa gawi ko.
Bumalik ako sa kuwarto at kinuha ko ang pouch ko. Kinuha ko ang phone ko at mabilis na nag-dial ng numero.
“Gabriel? Nasaan ka?” Mahinang bulong ko sa kanya.
“Nasa Hawaii ako bakit? May problema ba?”
“Wala, sige.” Kaagad kong pinatay ang tawag at sinubukan kong tawagan si Luna. Alam ko kasi nasa headquarters siya kasama si Forrest. Isang ring pa lamang ay sinagot na niya ito.
“Sis, I need your help mamaya ko na ipapaliwanag.”
Binuksan ko ang tracking device sa phone ko at nagpa-locate ako sa kanya.
“Kaya mo bang mag-intay within Thirty minutes? Nandito kami sa condo ni Forrest.” Tanong niya sa akin.
“Okay, kayang-kaya. Sa baba na lamang tayo magkita.”
Pinatay ko ang phone at hinanda ko ang aking sarili sa paglabas muli sa kuwarto. Nang sumilip ako sa sala ay umiinom pa rin sila ng wine at nag-uusap sa veranda. Dahan-dahan ang naging paghakbang ko patungo sa main door at pinihit ko ang seradura nito. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang apat na lalaking naka-itim.
“H-Hi.” Nakangiting bati ko sa kanila. Paglingon ko ay nasa akin na ang atensyon ng dalawa. Nakita ko pa ang mabilis nilang pagpasok sa loob.
Paktay na!
“Huwag niyo siyang palalabasin!” Narinig kong utos ni Renzo.
Nang haharangin na nila ako ay mabilis ko silang sinuntok at sinipa. Napatumba ko agad ang apat ng walang kahirap-hirap!
“Miss!”
Hindi ko na alam kung sino ang tumawag sa akin. Mabilis akong tumakbo sa hallway ramdam ko ang mga paa na humahabol sa akin. Hindi ako nag-elevator dahil siguradong mahahabol nila ako.
Shit! Gaano ba kataas ang building na ito. Nakailang ikot na ako hindi pa rin ako nakakababa. Hingal na hingal na ako nakayapak pa ako!
“Miss!” Umalingaw-ngaw ang boses na naririnig ko sa itaas.
“Miss misin mo yang mukha mo!” Sigaw ko pa sa kanila marami na silang humahabol sa akin. Huwag naman sana nila ako abutan dahil talagang mapapalaban ako ng wala sa oras.
Nang makarating na ako sa ibaba ay tumambad sa akin ang parking ng mga sasakyan. Kaagad akong nagtago at nakita ko pa ang paglabasan nila.
“Hanapin niyo! Don’t shoot her!”
Nasa likuran lang ako ng itim na van nagpapahinga dahil hinapo ako sa pagtakbo. Tinawagan kong mulis si Luna.
“Where na you?” Bulong ko sa kanyaa.
“Ten minutes!”
Sa tingin ko sakay siya ng big bike dahil naririnig ko ang ingay ng kanyang motor at mas mabilis siyang makakapunta kung nasaan ako.
Nang ibaba ko ang phone ay tumambad sa akin ang seryosong mukha ni Renzo.
“Where do you think you’re going? Pagkatapos ka naming iligtas doon sa serial killer rapist aalis ka ng ganun-ganun na lang?” Salubong ang kilay na tanong niya sa akin.
“Thank you but I have to go!”
Tatalikuran ko na sana siya ngunit hinawakan niya ang braso ko. Hinila ko ang braso ko mula sa kanya sinubukan ko ulit na tumakas ngunit sumulpot naman si Lean. Napasinghap ako.
“Miss, wala kaming masamang intensyon. Gusto ko lang namin makilala.” Nakangiting sabi niya sa akin. Lumabas na naman ang mapuputi niyang ngipin. At hindi ko siya puwedeng saktan dahil naging mabuti siya sa akin.
“Pasensya na talaga, next time na lang okay?” Pagdadahilan ko.
“Wait, bakit kapag ako ang kausap mo palagi kang galit? Bakit kapag siya mahinahon ka?” Litanya ni Renzo na ikinalingon ko sa kanya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang paparating na motorsiklo ni Luna.
“Babu!”
Mabilis akong tumakbo palayo sa kanila.
“Miss! Miss!”
Inangat ni Luna ang kamay niyang may hawak na baril.
“No!” Sigaw ko. Napatingin sa akin si Luna. Mabuti na lamang at naka-helmet siya. Hindi siya makikilala ng mga humahabol sa akin.
Inihinto niya ang motor at mabilis akong umangkas sa likuran niya.
Humarang sa amin ang mga tauhan nila Renzo at Lean pero walang pagdadalawang isip na itinuloy ni Luna ang motorsiklo kaya wala silang ibang nagawa kundi ang humawi. Nilingon ko ang dalawa at seryoso lang silang nakatingin sa akin.
“Bakit pinigilan mo ako?” Tanong ni Luna sa akin nang makalabas na kami sa condominuim.
“Hindi puwede, sayang ang lahi.” Sagot ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin. Natawa na lamang ako. Sana lamang ay hindi nila malaman na si marikit at ako ay iisa.