Sol
“Ahhhh!!!”
Sigaw ni Lavinia sa kabilang kuwarto ang gumising sa akin. Nang sulyapan ko ang relo ay alas-singko pa lamang ng umaga. Isinuot ko ang aking fake denture at cheneck ko din ang aking itsura sa salamin. Wala pa ring pinagbago ako pa rin si Marikit. Pupungas-pungas pa akong lumabas ng kuwarto ko. Naabutan ko si Aling Pasing na kakagising lang din.
“Lavinia?! Anong nangyayari diyan?” Sunod-sunod na katok niya sa pinto nito. Biglang bumukas ang pinto at takot na mukha ni Lavinia ang bumungad sa amin.
“M-may–may kalansay!!!”
Kunot noo ko siyang tinignan.
“Asan?” Tanong ni Aling Pasing at sumunod din ako sa kanya nang pumasok siya sa loob.
Bumungad sa amin ang mga bungo at kalansay sa ibabaw ng kama niya. May nahulog pa sa sahig.
“Anong nangyayari dito?” Narinig kong boses ni Sir Lorenzo. Napatingin ako sa kanya nang pumasok din siya sa loob.
“S-sir…pagising ko meron na niyan sa ibabaw ng kama ko takot na takot ako…” Humihikbing sabi niya. May paghawak pa sa braso ni Sir Lorenzo. Kung takutin niya ako kahapon na papatayin niya ako akala mo totoong matapang. Pero kalansay lang pala ang katapat.
“Bakit anong meron?” Tanong naman ng kakasulpot lang na si Sir Leandro. Mga bagong ligo na sila at sa tingin ko ay may lakad sila ngayong araw.
“Siya! Sigurado akong siya ang may pakana nito! Galit siya sa akin kaya tinakot niya ako…” Paninisi niya sabay turo sa akin.
“Ala? Ay baket ako? Kakagising ko laang...may buray pa nga ang aking labe Saka bakit naman ako magagalit sa’yo?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Hinarap niya ako at nasa likuran na niya ang dalawang kambal na wala ding alam sa nangyayari.
“Sinungaling ka! Huwag ka nang magmalinis. Aminin mo na! Gumaganti ka kaya ginawa mo ito!” Pagdidiin pa niya sa akin.
Marahas akong napabuntong hininga at sinuyod ko siya ng tingin mula ulo hangang paa. Napanguso ako nang mapansin ko ang umaapaw niyang dibdib. Hindi man lang nagawang ibalot ang katawan sa tuwalya at pinangangalandakan ang kanyang—
“Bakit naman gagawin ni Marikit yun eh wala naman siyang galit sayo?” Si Sir Leandro ang sumagot.
“Pinagtatangol mo na naman ang babaeng yan. Hindi malayong gawin niya yan.” Sabat naman ni Leandro.
Humarap sa kanya si Lavinia.
“Sir, paalisin mo na siya dito. Humanap na lamang kayo ng ibang katulong. Bukod sa nakakadiri nakakatakot pa ang itsura niya.” Pagmamakawa niya. Hindi ko na matagalan ang pag-iinarte niya at kapag hindi pa ako umalis sa harapan nila ay baka tuluyan ko nang kalbuhin ang babaeng ito!
Mabigat na ibinagsak ko ang aking balikat pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto niya.
“Hindi ka dapat ganyan sa kapwa mo Lavinia.” Narinig kong sambit ni Sir Leandro. Nagpatuloy ako sa aking kuwarto at kinuha ko sa ilalim ang aking maleta.
“Marikit saan ka pupunta?” Bungad sa akin ni Sir Leandro. Pinagkukuha ko ang aking mga damit sa kabinet.
“Muuli na ako Sir, hindi ko na kaya ang sama ng ugali ni Lavinia…wala naman akong gibuhat na dautan.” Umiiyak na sabi ko sa kanya. Pinigilan niya akong ipasok sa loob ng maleta ang mga damit ko.
“I know, wag ka ng umalis kakausapin ko si Lavinia. Ako na ang bahala.” Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa pintuan si Sir Renzo. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.
Aba! Kung hindi ba naman siya maawa sa akin. Pinunasan ko ang aking luha at suminghot ako.
“Salamat po napaka-bote niyo.”
Di gaya ng iba diyan! Walang pakialam!
“Wala yun, kahit minsan hindi kita naintindihan pero alam kong nahirapan ka. Ibalik mo na yang mga gamit mo. At huwag kang aalis sa mansyon na ito hanga’t hindi ko sinasabi okay?” Nakangiting sabi niya. Tumango ako sa kanya.
“Leandro, mahuhuli na tayo sa flight.” Tawag ni Sir Renzo sa kanya. Siguro naman narinig niya ang sinabi ni Baby Leandro ko. Hindi ako aalis hanga’t hindi niya sinasabi. Humanda ka ngayon sa akin Lavinia! Nag-uumpisa pa lang ako.
Paglabas ko ng kuwarto ay tinulungan ko si Aling pasing na bitbitin ang mga maleta. Wala akong idea kung saan sila pupunta pero mabuti na rin yun para may oras akong galugarin ang lugar na ito.
“Ikaw na ang bahala.” Bilin ni Sir Renzo sa kanya. Dumako sa akin ang tingin niya pero kay sir Leandro ako napatingin dahil nagbabye pa siya sa akin baho siya sumakay sa kotse.
“Ingat po!” Paalam ko sa kanya. Kumunot lalo ang noo ni Sir Renzo at mabilis na sinara ang bintana.
“Malanding pangit.” Narinig kong bulong ni Lavinia. Imbis na mainis ay bungisngis po akong ngumisi sa kanya. Inis na tumalikod pa siya sa akin. Nakaalis na ang magkahiwalay na kotse nilang dalawa.
Papasok na sana ako sa loob ngunit napatigil ako nang tumunog ang phone ko.
“Hilow? Este–Hello? Who’s this?” Seryosong tanong ko sa kabilang linya. Tinignan ko ang caller at nagulat ako nang makita ang number ni Mr. X.
“Agent Sol, may ipapagawa ako sa’yo bukas ng gabi. Kaya mo bang umalis sa mansyon?” Tanong niya sa akin. Hindi man lang muna ako kumustahin kung buhay pa ba ako dito.
“Yes, kayang-kaya. Sino ang target?” Seryosong tanong ko sa kanya.
“Moloch Espirito. A killer-rapist, currently may limang babaeng siyang hostage. Lahat yun ay ginawa niyang s*x-slaves sa private property niya. Tukoy na namin kung saan ang property. At may information na makikita daw ito sa isang sikat na magazine show party. Napag-alaman ko din na hindi lang basta kung sinong babae lamang ang kinikidnap niya. Karamihan sa kanila ay modelo at artista. Ikaw ang naisip kong perfect sa ganitong misyon. Kaya mo ba?”
“Easy, ganito ang gusto ko. Tamang-tama, nangangati na ang ilong ko sa maskarang suot ko. I already miss Maria Sol Murray.” Nakangising sambit ko. Tinapos ko na ang pag-uusap naming dalawa. Ipapasa na lamang daw niya ang ibang detalye mamaya sa email ko.
Kung sino ka mang Moloch ka, ako ang tatapos sa kasamaan mo!
Buong araw kong iniwasan si Lavinia. Dahil naka-focus ako sa plano kung paano ako aalis dito. Kung magpapaalam ba ako or kung tatakas ako. Pero sa dami ng mga tauhan at CCTV sa labas mahihirapan akong patayin ito.
Kinabukasan ay hinanda ko na ang aking sarili. Umiiyak na lumapit ako kay Aling Pasing.
“Oh? Bakit? Inaway ka naman ba ni Lavinia?” Nag-aalang tanong niya sa akin.
“Aling Pasing baka po puwede akong umuwe sa amin? Yung lolo Dodoy ko kasi….dinala siya sa hospital…”
Napahagulgol na ako ng tuluyan. Naawa niya akong tinignan.
“Sige na, umalis ka na. Ako na ang bahala pero bumalik ka ha?”
May dinukot siya sa kanyang bulsa at inabot niya sa akin ang tatlong libo.
“Ayan, pamasahe mo. Alam kong walang-wala kang pera. Baka makatulong sayo.”
Napayakap ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Napakabuti niya talaga sa akin.
“Salamat po…” Sambit ko sa kanya. Tinangap ko na rin ang perang alok niya para convincing ang arte ko. Dapat talaga hindi na ako nag-apply sa TAJSO kayang-kaya ko naman palang umiyak. Pang- Famas pa ang artehan!
Mabilis akong nag-asikaso ng gamit ko at umalis na rin ako lulan ng taxi. Tumuloy ako sa hotel kung saan gaganapin ang party mamaya. Inayos ko ang aking sarili at lumabas muna ako para bumili ng susuotin ko mamayang gabi.
Isang red mermaid gown ang napili ko. Hapit ito sa katawan ko at may mahabang hati sa aking hita. May makinang din itong sequence. Masquerade ang theme ng party mamayang gabi kaya kumuha din ako ng pulang maskara.
Pinagmasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Nagsusukat pa lang ako ng damit para mamaya pero kitang-kita na ang aking kagandahan paano pa kapag nag-ayos pa ako. Siguro naman sa sexy kong ito makukuha ko na ang atensyon ng Moloch na yun!
Kinagabihan ay handa na ako sa pagpunta sa party. Wala naman silang invitation kaya malaya akong makakapasok sa loob. Pababa palang ako ng lobby at tanaw ko na ang mga a-attend sa event. May mga nakikita din akong pamilyar na tao. Mukhang mapupuno ng big-star ang party ngayong gabi.
“Miss, yung maskara mo—”
Damn! Bakit sila nandito?!
“Hi, nahulog yung maskara mo.” Nakangiting sambit niya. Malakas ang kutob kong si Sir Leandro ang kaharap ko ngayon dahil iba ang aura ni Sir Leandro. Kaagad kong kinuha sa kamay niya ang maskara at nagmadali akong tumalikod.
“Miss! Sandali!” Narinig kong tawag niya sa akin. Nagmadali akong humalo sa ibang bisita.
Bakit sa lawak ng earth dito pa kami nagkita?! Wait? Bakit ako tumatakbo? Hindi ako si Marikit ngayong gabi. Nakilala kaya nila ako?
“Hi, Beautiful.”
Natigil ako sa paghakbang nang may humarang sa harapan ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay si Moloch ang bumungad sa akin.
“Are you with someone?” Nakangising tanong niya habang may hawak na wine. Inisang lagok niya ito sa harapan ko. Hindi na ako magtataka kung nagawa niyang kidnapin ang limang babaeng kasalukuyang inililigtas ngayon ng TAJSO. Sa itsura niya at tindig ay hindi mo aakalain na isa niyang killer at rapist.
Sasagot na sana ako pero may biglang humawak sa kamay ko. Nang lumingon ako ay seryoso at guwapong mukha ni Sir Renzo ang bumungad sa akin.
“She’s mine, back off.”
Literal na nalaglag ang panga ko nang marinig kong sinabi niya yun kay Moloch.
Namalayan ko na lamang hila-hila na niya ako palabas ng venue.