SOL Hindi ako sanay matulog nang may ibang kasama sa kuwarto kaya mababaw lamang ang tulog ko. Nang magmulat ako ay sinilip ko ang dalawa. Mahimbing pa rin silang natutulog. Grabe talaga, kahit pagtulog mga guwapo pa rin! Partida natulo pa ang laway ni Lorenzo dahil naka-awang ang labi nito. Pero hindi man lang nabawasan ang gandang lalaki nito. Kung puwede nga lang talaga sila na lang dalawa. Kaya lamang siguradong magagarote ako ni Mom at Dad kapag inasawa ko sila ng sabay! Bato-bato pick na lang kaya sila? Kung sino ang manalo yun ang sasagutin ko? Ang sarap tuloy kumanta ng ‘SANA… DALAWA ANG P*** KO’ Naiiling na bumangon na lamang at bumaba sa kama. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Gusto ko lang malaman kung gaano kalaki ang bahay na ito. At kung may iba pa ba kaming ka