MFMTB 21

2064 Words

SOL  Nang magising ako ay seryosong mukha ni Lorenzo ang bumungad sa akin. Nakaupo lang pala siya sa gilid ng kama ko at pinagmamasdan akong natutulog. Ang bango niya at halatang kakatapos lamang maligo. “Good morning, sabay na tayong mag-breakfast magpapaluto na ako.” wika niya sa seryosong tinig. “Si Lean?” tanong ko na ikinagalaw ng panga niya. “Umalis, may importante siyang aayusin.” sagot niya. Iniwan ako ni Lean dito nang mag-isa kasama si Lorenzo? “Ganun ba? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin.” Paninibugho ko na ikinabuntong hininga naman nitong isa. Nagseselos siguro dahil kahit siya ang nandito ay si Leandro ang hanap ko. Hindi niya ako masisisi. Kahit noong si Marikit pa ako si Lean lang ang naging mabuti sa akin kaya palagay ang loob ko kapag siya ang nasa tabi ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD