MFMTB 19

1303 Words

SOL Umayos ako ng sandal sa headboard ng kama nang pumasok si Lean bitbit ang isang tray na may lamang pagkain. Ipinatong niya ito sa maliit na mesa at inilagay sa harapan ko. “Kailangan mong magpalakas. Hindi pa namin nasisiguro ni Renzo kung safe na ba talaga ang lugar na ito para sa atin. But don’t worry may mga tauhan na kaming tinawagan niya na pupunta dito sa farm.” Mahabang paliwanag niya pero sa mukha lang niya ako nakatingin. Napaka-seryoso niya kasi ngayon at hindi ako sanay na hindi ko nakikita ang ngiti niya sa labi. “Galit ka ba sa akin?” Umiling siya at nag-umpisang hiwain ang itlog sa plato bago tumigil at nag-angat ng tingin sa akin. “Hindi ako galit sa’yo. Pero mas inaalala ko kung bakit mo ginawa ang lahat ng ito. Alam mo bang maari kang mapahamak sa ginawa mo Ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD