MFMTB 4

1069 Words
SOL “Ikaw kasi! Bakit hindi ka nag-iingat?” Paninisi ni Manang Pasing. Bago siya lumabas at sumunod sa kanila. “Huwag kang mag-alala. Hindi naman nangangat si Renzo.” Nakangiting sabi ni Leandro pagkatapos ay umakyat na siya. Magkakambal nga sila pero ang layo nilang dalawa sa isa’t-isa. Yung isa pinaglihi sa sama ng loob kumpara kay Sir Leandro na mas mukhang mabait. May pumasok na isang lalaki at kinuha niya yung suitcase ni Stefanie. Nag-antay lang ako kay Lorenzo dahil kakausapin daw niya ako. Sana lang huwag niya akong sesantihin kaagad. “Ikaw ba ang bagong muchacha ni Sir Lorenzo at Sir Leandro?” Napalingon ako nang may marinig akong nagsalita. Bumungad sa akin ang dalawang babae. Kapareha ko sila ng uniporme. At sa tingin ko ay mga maid din sila sa bahay na ito pero mukhang hindi ko gusto ang pagmumukha noong isa. “Ako nga, ako si Marikit.” Pakilala ko sa kanila. Nagbulungan sila na parang wala ako sa harapan nila. “Marikit ang name mo?” May pagdududa niyang tanong at sinuyod ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Ay uho, ulit-ulit?” Naiinis na tanong ko. “One week.” Sabi noong isang babae na kulot ang buhok. “Hindi, one day lang yan.” Nakangising sabi naman ng isa yung tumawag sa akin na muchacha at makapal ang kulay ng labi. Maganda rin siya aat balinkinitan ang katawan. Ayokong magyabang pero sa tingin ko mas maganda naman ako ng sampung beses! Kahit hindi nila sabihin alam ko ang pinag-uusapan nila. Kung tatagal akong manilbihan dito. Well, i was trained na magpigil ng sarili kaya siguradong matatapos ko ang two weeks na deadline ni Kalbo sa akin. Bumukas ang pinto at pumasok si Manang Pasing. “Lavinia, tapos ka na bang maglinis sa kuwarto ni Sir. Walton? Turuan mo si Marikit na magtimpla ng kape para kay Sir. Lorenzo.” Utos ni Manang Pasing. “Opo, sumunod ka sa akin.” Sagot niya sabay baling sa akin. Nauna na siyang lumakad patungo sa kusina. “Ikaw Marikit. Yung office ni Sir ay nasa tabi lang ng pinto ng kuwarto niya intayin mo na lamang siya doon.” Pahabol na utos ni Manang Pasing sa akin. Tumango naman ako sa kanya at sumunod na ako sa babaeng tinawag niyang Lavinia. Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko siyang tapos na magtimpla ng kape. At inayos na lamang niya ito sa tray. “Dalhin mo na ito.” Utos niya sa akin na ikinakunot ng noo ko. At dahil wala ako sa mood ngayon makipag-usap sa kanya ay inabot ko na agad ang kape pagkatapos ay umakyat na ako. Pagkalapag ko pa lamang ng tasa ng kape dito sa office niya ay inikot ko na ang aking paningin. Masyado kasi itong malaki para sa isang opisina. Bukod sa kanyang wooden at glass na table may set din dito ng sofa at banyo. Malinis din at maliwanag sa loob. Uupo na sana ako sa harapan ng mesa nang bumukas ang pinto kaya nabitin ang aking pag-upo. “Hindi ko sinabing umupo ka.” Wika niya habang walang ganang nakatingin sa akin. Suminghap ako at tumayo ako ng maayos. Umikot siya at naupo sa table niya. “Alam mo ba ang ginawa mo? Nagas-gasan ang suitcase ni Stefanie dahil sa ginawa mo. Kulang pa ang isang taon mong sweldo sa pambayad noon.” Seryosong sabi niya na ikinataas ng aking kilay. “Sir, nakita niyo ga kanina hende ko naman sinasadya. Bug-at naman ang malita niya sir—” “Stop it! Hindi kita maintindihan.” Saway niya sa akin. Hindi niya alam sinadya ko talagang ganun ang gawin kong accent para hindi na niya ako sermunan. “Taga saang planeta ka ba? Bakit iba’t-ibang tono ng pananalita mo?” Kunot noong tanong niya sa akin. “Planet namek Sir–este! Syempre dine sa earth may iba ga hong planeta kayong alam na puwedeng tirhan ng tao?” Litanya ko na lalong ikina-kunot ng noo niya. Tumayo siya at umikot sa harapan ko. Hinagod niya ako ng tingin. Nailang ako sa paraan ng pagtitig niya. “Maputi at makinis ka para sa isang probinsyana. Aside from that, you have a perfect body.” Saad niya na ikina-init ng pisngi ko. Kahit alam ko naman ang bagay na yun. Kaya nga palagi akong pinagkakamalang modelo or artista. “Sir alagang perla lang yan.” Nakangising sabi ko sa kanya. Tumitig siya sa mukha ko kaya nilakihan ko lalo ang butas ng ilong ko. “Damn it, never mind! Balik tayo sa suitcase. Kung hindi ko pinigilan si Stefanie kanina baka nanghiram ka na ng mukha sa aso.” Wika niya pagkaupo niya sa swivel chair. “Sir, dapat hindi niyo siya pinigilan para malaman natin kung sino— Ang ibeg ko hong sabihin salamat kaayo sir!” Nakayukong sabi ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi dahil muntik na naman akong madulas sa harapan niya. “Lumugar ka sa dapat mong kalagyan. At iwasan mo si Leandro. Kahit pangit ka, kung magpapakita ka ng motibo baka patulan ka ng kapatid ko. Ayokong magkaroon ng lahing pangit.” Mariin akong napapikit upang pigilan ang sarili. “Umalis ka na.” Utos niya sa akin habang inaangat ang tasa niya. Magpapaalam na sana ako ngunit pagkainom niya ng kape ay ibinuga niya ito sa akin. “What the F*vk!” Bulalas niya pagkatapos ay ibinagsak ang tasa sa ibabaw ng table. “Bakit po?” Kunwari’y tanong ko pero nainis talaga ako dahil tumalsik lang naman sa damit ko ang ininom niyang kape at medjo mainit pa ito. Kung napaso man ang dila niya at butinga! “Bakit asin ang nilagay mo?! May galit ka ba sa akin?!” Singhal niya na ikinagulat ko. Hindi ko alam na asin pala ang nilagay ni Laviniang bruha! Kakaisip ko kanina sa nangyari hindi ko man lang nalaman na sinabutahe niya ang kape na tinimpla niya. “Sir–” “Shut-up!” Sigaw niyang muli habang pinapahid niya ng panyo ang bibig niya. Galit na tumayo siya at hinaklit niya ang braso ko. “Sir, sandale–” “I said shut up you f*cking moron!” Igting ang pangang sabi niya. “Boss ba–” “Itali niyo yan sa puno! At huwag bibigyan ng pagkain at inumin!” Utos niya sa lalaking sumalubong sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD