SOL
Habang umaakyat kami sa grand staircase ay patuloy naman sa pagbibilin si Manang Pasing. Ngunit yung iba lang ang na-intindihan ko dahil abala ang mata ko sa pagtingin ng bawat sulok ng bahay na ito. Kinabisa ko lahat ng madadaanan kong CCTV’S camera dito sa loob ng bahay. Ngunit mas na-bother ako sa kati ng ilong ko. Hindi ko alam kung paano ko siya kakamutin dahil baka matangal ang prosthetic ko. Ayoko na nga tignan ang mukha ko sa salamin dahil kahit ako ay naiinis sa itsura ko ngayon.
“Marikit? Naunawaan mo ba lahat ng bilin ko sayo?” Tanong ni Aling Pasing nang maka-akyat na kami sa hagdan.
Nginuso ko ang bibig ko at pinagalaw ko ang muscles ng ilong ko dahil hindi ko na talaga kaya ang kati!
“Yes, Manang narinig ko po.”
Kahit ang totoo yung iba lang ang naintindihan ko.
“Okay, pupunta naman tayo sa bawat kuwarto nila.” Sambit niya. Nakasunod lang ako sa kanya. Malaki talaga ang mansyon nila. Pasikot-sikot din ito at maraming nakasaradong pinto. Daig ko pa ang nasa hotel.
“Dito ang kuwarto ni Sir Leandro. Ngayon pa lang sasabihin ko na sa’yo. Alas-dyes ng umaga ka lang puwedeng pumasok dito hangang lunch. Yun ang oras na puwede kang maglinis ng kuwarto niya. Ngunit huwag na huwag mong babaguhin ang lahat ng gamit. Kung saan ito nakalagay dapat doon din nila ito makikita. Makakalimutin kasi si sir Leandro. Maglinis at maglaba ng kanilang mga damit lang ang gagawin mo sa bahay na ito. Yung ibang mga gawain ay may kanya-kanya ng taong nag-aasikaso doon. Basta priority mo ay maglinis araw-araw ng kuwarto nila at maglaban magtiklop ng mga damit nila.” Mahabang paliwanag niya.
“You mean? Este! Ang ibig niyo pong sabihin pati brief nila ako ang maglalaba?” Kunot noong tanong ko.
“Boxer shorts Marikit” Pagtatama niya.
“At siguraduhin mong malinis at mabango ang mga damit ng kambal. Pati na rin ang pagplantsa ay sayo naka-toka.” Dagdag pa niya.
Oh my god! First time kong maglalaba ng under wear ng lalaki! Kasalanan talaga ito ni Mr. X! Jusko paano kung pumalpak ako? Wala naman akong alam sa paglalaba churvanes na yan? Saka hindi ako marunong gumamit ng plantsa!
Gusto kong kamutin ang ulo ko ngunit baka matangal naman ang wig ko!
“Doon na tayo kay sir Lorenzo.”
Lumabas kami ng kuwarto. Akala ko malapit lang pero nasa bandang dulo pala ang kuwarto ni Sir Lorenzo.
Nagulat ako nang may biglang lumabas na babae sa kuwarto niya. Pero mas nagulat ako dahil ang babaeng yun ang nakasalubong ko sa dalampasigan! Ibig sabihin siya yung Renzo na tinawag ng babae?
Kung lumingon pala ako nang tawagin niya ako ay siguradong makikilala niya ako!
Okay binabawi ko na ang curse ko kay Mr. X. Tama lang na ganito ang itsura ko dahil kung nagkataon paniguradong sablay na agad ang misyon ko! Kailangan kong maging maingat simula ngayon!
Nakasunod na lumabas si Sir Lorenzo sa kanya at seryoso pa rin ang mukha nito.
“I told you Stephanie, you can't stay here. I already broke up with you!” Singhal niya sa babaeng masama na ang timpla ng mukha.
“Okay, I will not stay here. But I don't want to break with you either!” Giit pa nito. Parang modelo itong nag-walk out paalis. Narinig ko pa ang marahas na pagbuntong hininga ni Lorenzo sa kanya.
“Manang Pasing, please take all of her things.” Utos niya kay Manang Pasing. Nanlaki ang mata ko at mabilis akong napayuko nang dumako sa akin ang mariing titig niya. Sana naman hindi niya ako makilala!
“Siya na ba ang bagong maid?”
“Yes, sir Lorenzo. Siya si Marikit.” Pakilala pa niya sa akin. Nag-ipon ako ng hangin sa dibdib bago nag-angat ng tingin sa kanya.
“Go-good morneng ho.” Pautal kong sabi tapos yumuko ulit ako. Kasama sa pagpapangap ko ang baguhin ang tagalog accent ko. Mabuti na lang marami akong natutunan sa probinsya kahit paano magiging convincing ang arte ko.
“Pasabi sa Agency, kapag magpapadala dito ng Maid. Yung puwede naman pagtiyagaan.”
Ano daw? Puwedeng pagtiyagaan? What does it mean?
“Yes Sir.” Sagot naman ni Aling Pasing na ikinalingon ko sa kanya. At nag-agree naman si Lola?
Pagkatapos niyang sabihin yun ay tuluyan na siyang lumabas ng kuwarto at tinalikuran kami.
“Hoy! Ang yabang mo! Anong pagtyagaan ang sinasabi mo diyan ha?! Eh kung gilitan kaya kita–”
“Marikit! Halika na sa loob at marami pa akong gagawin.”
Bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Manang Pasing. Akala ko talaga nasabi ko yun sa kanya. Mabuti na lamang at natutunan ko na ang magpigil ng sarili! Kung nagkataon baka na-tege ko na siya ng wala sa oras.
Guwapo at yummy nga napaka-laitero naman! Doon na lang ako kay Sir Leandro. Kaya lang sa itsura kong ito sa tingin ko hindi rin yun magkakagusto sa akin! Tsk!
“Ito, tulungan mo muna akong ibaba ang gamit ni Ms. Stephanie.” Utos niya sabay abot sa akin ng malaking maleta.
Takte! Anong kayang laman nito? Bakit ang bigat?
Ibinaba ko ang maleta ngunit pinigilan niya ako.
“Mahal pa yan sa buhay natin kaya buhatin mo na lang baka magasgasan.”
“Po? May katumbas palang halaga ang buhay ng tao?” Katwiran ko sa kanya. Binuhat din niya ang isang maleta at nauna siyang maglakad sa akin.
“Huwag ka ng maraming tanong. Baka magalit pa si Ms. Stephanie.”
Jusko! Parang mauutas na ako sa bigat ng maleta niya! Hindi ko na nga kita ang daan. Ano pang silbi ng hawakan kung hindi naman puwedeng hilahin? Kapag ako nahulog sa hagdan ibabato ko sa nguso ni Stephanie ang mga maleta niya.
“Manang Pasing? Bakit buhat niyo yan?”
Napasilip ako sa gilid nang marinig ko ang boses ni Sir Leandro.
“Ah, kasi po sir ayaw ni Stephanie na hilahin ang mga gamit niya. Mahal daw ang lahat ng ito. Okay lang naman po kaya naman. Hindi naman mabigat.” Wika ni Manang Pasing.
Hindi daw mabigat pero kita naman sa namumulang mukha niya na nahihirapan din siya! Saka ang bigat kaya!
“Ganun ba? Marami naman tayong tauhan dapat sila na lang pinagbuhat niyo niyan.” Dagdag pa nito. Nangangati na naman ang ilong ko at mas malala dahil sa tingin ko ma-atching na ako!
“Atching!!!”
Shit! Dumulas ang maleta sa kamay ko sa lakas ng hatching ko muntik pang tumalsik ang denture ko kaya napatakip ako sa aking bibig at tuluyang nahulog sa hagdan ang malea. Sinubukan kong habulin ang maleta ngunit hindi ko na ito nahabol at nawalan pa ako ng balanse! Inilagan ni Sir Leandro ang maleta at nagtuloy-tuloy ito sa baba.
Oh! Nooo!!!
Nanlaki ang mata ko dahil alam kong susobsob ako. Ngunit may humila ng beywang ko kaya hindi ako tuluyang nahulog. Napahawak ako sa dibdib niya nang kabigin niya ako patungo sa kanya.
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang seryosong mukha niya.
“Are you okay?” Sambit niya.
“What the F*vk! May suitcase!”
Napunta kay Ms. Stephanie ang attensyon namin kakapasok lang nito sa pinto nasa likuran niya si Sir Lorenzo na seryosong nakatingin sa amin.
“Lagot!” Bulalas ni Manang Pasing.
Mabilis akong bumitaw kay Sir Leandro at kaagad akong bumaba ng hagdan. Galit na lumapit sa akin si Ms. Stephanie.
“Sorry Ma’am—”
“You b***h!”
Akmang sasampalin niya ako ngunit mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Alam kong may mali ako. Pero hindi ako papayag na saktan ng kahit sino!
“How dare you!” Singhal niya sa akin. Matiim ko siyang tinignan.
“Hindi ko ho sinasadya na mahulog ang maleta niyo. Sa bigat niyan kahit siguro dalawang lalaki hindi kayang buhatin yan. At isa pa ho, nag-sorry na ako sa inyo. Alam kong maliit ang tingin mo sa akin dahil maid lang ako. Pero wala kang karapatang manakit ng kahit na sino.” Wika ko sa kanya sabay bitaw ko sa kamay niya.
“What the f*ck are you saying?!”
Haist! Ang ganda na nga ng dialoque ko nakalimutan kong foriegner nga pala ang bruhilda na ito! Mabuti na lang hindi ko baon ang english ko ngayong araw. At nasa katauhan ako ni Marikit na pangit!
Lumapit si Sir Lorenzo at humarap sa akin kaya yumuko ulit ako.
“Sir, sorry—”
“Mag-uusap tayo mamaya.” Putol niya sa sasabihin ko at mabilis na kinaladkad si Stephanie na masama pa rin ang tingin sa akin.
Lagot na! Unang araw ko palamang ito baka sesantihin na niya ako!