SOL
Habang kinakaladkad ako ng lalaki palabas ng mansyon ay nakita ko ang demonyong ngisi ni Lavinia sa pintuan ng kitchen. Hindi na ako nakapalag pa dahil hindi ako pinakingan ng sira ulong yun! Matalim ang tingin na ipinukol ko sa babaeng naglagay ng asin sa kape ni Lorenzo. Ngunit parang kulang na lang magpa-confetti siya dahil nagawa niya akong linlangin…
“Ngisi now, pay later.” Mahinang sambit ko.
“Anong binubulong mo diyan? Bilis!” Inis na tulak sa akin ng lalaking sa taas pa lang ay kumakaladkad na sa akin.
“Nagmamadali ka ba? Mauna ka na kaya?!” Mataray na singhal ko sa kanya.
“Aba’t! Sinisigawan mo ba ako?” Singhal niya din sa akin. Madamong bahagi na ng lupa ang tinatapakan namin at patungo na kami sa likuran ng mansion…
“Nagpapaliwanag lang mukha ba akong nasigaw?!”
Marahas niya ulit akong hinila kaya napilitan akong sumunod. Itong damuho na ito kung makahila akala mo hayup ang hinihila! Kapag nakawala ako dito uunahin susunod kong titirisin ang lalaking ito pagkatapos ko kay Lavinia at isusunod ko na din yung mayabang, mahangin at mataas ang tingin sa sariling lalaking yun!
“Nasaan na ba tayo? Ang layo na natin sa mansyon ah?” Reklamo ko sa kanya dahil kung kanina nasa damuhan ngayon ay kagubatan na kami. Matataas na molave tree na ang mga nakatanim dito. At hindi ko na rin halos kita ang mansyon.
“Ang malas mo dahil ikaw pa lang ang unang babaeng pinarusahan ni Boss Lorenzo.” Litanya niya nang kunin niya ang makapal na lubid na nakasampay sa sanga ng puno. Pero hindi ko siya pinansin dahil sa nakikita kong mga bungo ng tao na nakatumbok sa tapat ng puno na pagtatalian sa akin. Hinila niya ako at isinandal sa malaking puno.
“Hoy, totoo ba ang mga bungo na yan?” Usisa ko na ikinalingon niya.
“Oo, mga bungo yan ng taong itinali na rin dito sa punong ito. Bakit? Natatakot ka ba?”
“Hindi, bakit naman ako matatakot?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Habang abala siya sa pagtatali paikot sa katawan ko ng lubid.
“Umaga kasi, kapag inabot ka ng gabi dito sigurado akong mamatay ka sa takot. Nagmumulto ang mga may-ari ng bungo na yan.” Nakangising sabi pa niya. Mas natatakot pa ako sa mukha niya kaysa sa mga bungo na yan. Bakit kaya sila nandito? Si sir Lorenzo din kaya ang pumatay sa kanila? Sa tingin ko lagpas twenty silang nakakalat sa harapan ko.
“Aalis pa naman sila boss kaya ngayon palang humingi ka na ng tawad.” Wika niya sabay talikod sa akin. Taran**** paano kaya ako hihingi ng tawad kung ganito ako kalayo sa mansyon? At isa pa aalis daw si sir Lorenzo?
“Hoy! Kailan ang balik niya?!” Sigaw ko para marinig niya ako.
“Ewan!”
Napagpadyak ko ang aking paa dahil sa sinagot ng lokong yun. May kahigpitan din ang tali niya sa akin at hindi ako halos makagalaw. Ipagdasal lang ni Lavinia na hindi ako abutan ng gabi dito kung hindi lagot talaga sa akin ang babaeng yun!
Nangalay na ako sa pagtayo dito. Sa tingin ko ay lagpas tanghali na dahil nag-uumpisa ng mag-disco ang mga alaga ko sa tiyan. Mabuti na lamang at walang mga langam or antik dito. Kanina ko pa gustong kalasin ang lubid pero may tatlong CCTV ang nakita ko sa itaas ng puno.
Hangang sa inabot na ako ng hapon dito ay wala pa ding nagpuputa para silipin ako. Nag-angat ako ng tingin nang may marinig akong paparating.
“Kamusta? Kaya mo pa ba?” Nakangising sabi ni Lavinia.
“Oo naman, ikaw? Kumusta?” Nakangiting sagot ko sa kanya.
“Mukhang hindi ka natatakot ah? Siguro sa mga oras na ito ay kumakalam na yang tiyan mo at nanunuyo na yang lalamunan mo sa uhaw.” May pang-iinis na sabi niya sa akin. May dala siyang tumbler na sa tingin ko tubig ang laman.
“Naawa sayo si Manang Pasing kaya pinapunta niya ako dito para painumin ka.”
Hindi ko nga pala magagamit ang kamay ko dahil nakatali din ito kaya sigurado akong siya ang magpapainom sa akin ng tubig na hawak niya.
Lumapit siya sa akin at binuksan niya ang takip. Nauuhaw na talaga ako pero sa tingin ko wala siyang balak na painumin ako.
“Bakit mo nilagyan ng asin ang kape ni Sir Lorenzo?” Seryosong tanong ko sa kanya na ikinatigil niya sa harapan ko.
“Ang hina naman ng ulo mo, syempre para mapa-alis ka din niya. Alam mo kasi gusto ko, ako mag-asikaso sa mahal ko. Kaya lang palagi na lamang silang naghi-hired ng bagong kasambahay. Kaya gumagawa ako ng paraan para mapatalsik sila kaagad–”
“Yun lang ang rason mo?” Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.
“Hindi lang yun, I don't like you. Nakita ko din na nagpapa-cute ka kay Sir Leonardo. Alam mo naman may kasabihan, daig ng malandi ang maganda.”
Itinapat niya sa bibig ko ang tubig at hindi pa ito nakakaabot sa bibig ko ay tinapon na niya ito.
“Is that the best thing you can do para paalisin ako dito?” Nakangising tanong ko na iknatigil niya. Inilapit niya ang mukha niya sa gilid ng ulo ko.
“No, I can kill you too kapag nagsumbong ka na ako ang naglagay sa kape ni sir ng asin.” Nakangising bulong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin.
“Really? Well, payo ko lang sa’yo. Dito palang patayin mo na ako. Dahil kapag naunahan kita. Hindi ka na sisikatan ng araw.” Pagbabanta ko na ikinatawa niya. Para siyang baliw na tinalikuran ako habang humahalakhak mag-isa.
Hindi naman pala ako mabo-bored dito.
Sinubukan kong matulog para hindi makaramdam ng pagod at gutom. Sayang yung tubig na itinapon ni Lavinia kanina! Pero mabuti na lamang ginawa niya yun para worth-it naman ang magiging ganti ko sa kanya! Inabot na ako ng kabi dito sa kagubatan. Wala akong ibang marinig kundi huni ng mga ibon at mga insekto. Pinag-fiestahan na rin ako ng mga lamok. Pero habang tumatagal ay mas nagagalit ako sa may gawa nito sa akin. Isusumpa ko talaga ang lalaking yun!
“Jusko! Marikit? Gising!” Bahagya akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang boses ni Manang Pasing.
“Kalagan niyo siya!”
Lumipat kay Leandro ang mga mata ko. Inutusan niya ang dalawang lalaki na tangalin ang lubid sa katawan ko. Nanghihina na ako sa gutom, nagbabalat na rin ang labi ko sa uhaw at masakit na rin ang mga braso at binti ko dahil sa lubid.
Nang tangalin nila ang lubid ay tuluyan akong napahiga sa lupa. Syempre may kasamang acting yun dahil kita ko ang pag-aalala sa mukha ng matanda at ni Sir Leandro.
“Kaya mo ba?” Nag-alalang sabi ni Mang Pasing.
“Ma-nang…kayo na po ang bahala sa aking…pamilya…” Kunwari’y nanghihinang sambit ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
“Hindi! Bumangon ka diyan. Dadalhin ka namin sa kuwarto mo.” Sinubukan niya akong bumangon ngunit talagang itinodo ko na ang pagda-drama. Bumitaw ako sa kanya at napaluhod ako sa lupa.
“Ako na Manang Pasing.” Narinig kong sabi ni Sir Leandro. Walang kahirap-hirap niya akong binuhat at ipinangko sa matigas at mabangong dibdib niya. Parang bagong kasal niya akong binuhat patungo sa mansyon. At napapasilip at napapangiti ako nang hindi niya nalalaman.
Ganito pala ang pakiramdam na buhat-buhat ka ng mukhang prinsipe! Parang gusto ko na lamang matulog habang karga-karga niya ako! Nawala ang gutom at pagod ko!
Malayo palang ay tanaw ko na si Sir Lorenzo kaya ipinikit ko ang mga mata ko.
“Saan mo siya dadalhin? Sino may sabi sayong pakawalan mo siya doon?” Narinig kong sabi ni Sir Lorenzo.
“Sira ulo kaba? Pati maid papatulan mo? Hindi mo ba nakikita? Halos hindi na siya makalakad sa gutom at pagod niya doon!” Sagot naman ni Sir Leandro.
“Damn it! Kailan ka naki-alam sa desisyon ko Lean?”
Naramdaman kong tumigil sa paghakbang si Sir Leandro.
“Renzo, hindi dapat ang mga mahihinang babae ang pinapatulan mo. Humanap ka ng katapat mo. Kung ayaw mo sa kanya nandiyan naman si Lavinia. Siya na lang ang magsisilbi sayo at si Marikit na lamang ang kay Uncle para hindi mo na siya pag-initan. Tsk! Dahil lang sa babae sa isla araw-araw ng mainit ang ulo mo.”
Pagkatapos niyang sabihin yun ay humakbang na siya ulit palayo siguro kay Lorenzo. Pero sino naman kayang babae ang tinutukoy ni Leandro? At bakit naman iinit ang ulo ni Lorenzo dahil doon?
Napadilat ako nang maramdaman ko ang pagbaba niya sa akin.
“Grabe siguro ang takot mo. Pagpasensyahan mo na si Renzo. Ilang araw na kasing wala sa sarili yun dahil sa babaeng nakita niya sa isla. Hindi na kasi namin nahanap yung babae at pareho kaming tinamaan sa babaeng yun kaya dalawa kaming naghahanap sa kanya.” Nakangiting paliwanag niya sa akin.
“Pero wag kang mag-alala, I promise hindi na mauulit ito. Huwag ka munang magtrabaho ngayon. Bawiin mo muna yung lakas mo. Magpapahanda na lamang ako kay Manang Pasing ng pagkain mo okay?”
Marahan akong tumango sa kanya. Tumayo siya at iniwan ako sa kuwarto. Kulang na lang tumalon ang puso ko sa kilig! Haist! Bakit kasi napakabait niya sa akin? Kapag na-inlove ako sa kanya? Pananagutan niya kaya ang feelings ko?