MFMTB 9

1262 Words
SOL Dahan-dahan akong naglalakad palabas ng kuwarto para magpunta sa kusina. Alas-kuwatro pa lang ng umaga at nagising ako dahil sa panaginip. Sayang lang at hindi natuloy. Ang sarap pa naman sana ng panaginip ko na kasama ang kambal sa iisang bed at nilalandi ako. Kakauwi ko lang kahapon at mabuti na lamang hindi pa sila nakakauwi dito. May oras pa akong galugarin ang kuwarto ni Walton. Hindi ko muna chinika kay Luna ang tungkol sa kambal. Mahirap na baka maudlot ang plano. Tamang ako lang muna at si Marikit ang nakaka-alam ng pagkahumaling nila sa akin. Suot ang mahabang pantulog ay binuksan ko ang ref. Kumuha ako ng pitsil at naglagay ako sa baso ng malamig na tubig. Pagkatapos ay ibinalik ko na ulit ito. Inisang inom ko ang tubig at sinara ang pinto. “Ay p**e!” Gulat ko nang bumungad sa akin ang mukha ni Sir Renzo. “S-sir, kakuyaw man nimo!” Bulalas ko habang nakahawak sa aking dibdib at humingang malalim. “p**e? Ano yun? Saka gusto mo bang atakihin ang ibang makakakita sayo dito?” Malamig ang boses na tanong niya sa akin. Sinuyod niya ako ng tingin mula ulo hangang paa. “Ala? Eh ako nga ang muntik nang mahematay dine.” Hinawi niya ako at kumuha ng bottled water sa ref. “S-sige ho, babalek na ako sa kuwarto. At may panaginip pa akong itotoluy.” Nakangising paalam ko sa kanya. “Sandali.” Natigil ako sa paghakbang palabas nang tawagin niya ako kaya nilingon ko siya. “Saan ka nangaling? Ang sabi ni Lavinia umalis ka din daw.” Haist! Marites talaga yung Lavinia na yun! “Ah, umuwi ho ako sa Mendoro at may saket daw po ang aking lolo. Pero okay na po siya wag kayo mag-alala–” “I’m hungry, igawa mo ako ng kape at sandwich.” Utos niya sa akin. Hindi pa ako tapos magsalita inutusan pa ako. Suminghap ako at magiliw na ngumiti sa kanya. Naupo siya sa counter island at ako naman ay nag-init ng tubig sa kettle na di saksak. Kumuha ako ng tasa at kutsarita. Naturo na sa akin ni Aling Pasing ito kaya kayang-kaya ko nang magtimpla. Kahit hindi ako tumingin sa kanya ay alam kong sinusundan niya ang kilos ko. Kinakabahan ako. In-character ang pagpapangap ko pero mukhang mas mauna niya akong mabibisto kapag palagi niya akong kinakausap at tinitignan ng ganito! “Ser? Ano hong palaman niyo Peanut butter or Cheese?” Tanong ko sa kanya habang naghahalo ng black coffee niya. “I want a vegetable sandwich, wheat bread slices of tomato, onion, cucumber, avocado, provolone cheese, lagyan mo na rin ng yogurt, and mustard.” Sagot niya na ikina-awang ng labi ko. “Ser, gisingin ko na lang si Aling Pasing. Hindi ko naman alam yung ginayawyaw niyo.” Pagdadahilan ko sa kanya. Wala akong dalang cellphone para ma-search niyong pang-restaurant niyang sandwich! “What? Hindi ka marunong gumawa ng sandwich?” Tumayo siya at umikot sa counter island. Lumapit siya sa akin. “Pumunta ka sa pantry. Kumuha ka ng wheat bread doon.” Utos niya sa akin. Makulit din talaga ang isang ito! Ilang beses kaya siyang inire ng nanay niya? Nakanguso akong nagpunta sa pantry at naghanap ng wheat bread. Pagbalik ko ay nakita ko siyang naghihiwa ng kamatis at sibuyas. “Ano pang tinatayo mo diyan? Ilagay mo na yan sa toaster.” Tinangal ko ang tape at kumuha ako ng dalawang piraso. Pagkatapos ay inilagay ko sa toaster. Habang siya naman ay expertong pinaghalo-halo ang magiging palaman ng kanyang sandwich. “Panuorin mong mabuti nang sa ganun alam mo na ang gagawin mo kapag inutusan kita ulit.” Seryosong sabi niya sa akin. Kinuha ko ang tinapay at ibinigay ko sa kanya. Siya na ang naglagay ng palaman. Pero imbis na sa tinapay sa mukha niya ako nakatingin. Paano ba naman kasi isang hakbang lang ang layo naming dalawa. Tapos ang guwapo pa niya tignan habang naglalagay ng kaartehan sa tinapay niya. “Sa tinapay ka tumingin huwag sa akin.” Saway niya at sinulyapan ako ng tingin. Naitikom ko ang naka-awang kong labi. Akala ko kasi hindi niya mahahalata dahil focus na focus siya sa ginagawa niya. “Hinde naman ako sa inyo nagatingin ser. Sa buray niyo ba? Ang haba kasi abot hangang dalungan.” Tumigil siya sa ginagawa at salubong ang kilay na tumingin sa akin. “Ano ba yang lenguahe mo? Hindi ka ba puwedeng magtagalog na lang nang sa ganun nagkaka-intihan tayo?” “Ay sorry, ang sabi ko ho yung panis na laway ang nigakita ko.” Mabilis niya pinahid ang gilid ng kanyang labi. Sa loob-loob ko naman ay gusto ko na siyang pagtawanan dahil nauto ko na naman siya! “Huwag ka munang umalis. Dalhin mo ito sa office ko.” Haist! Napakagaan naman bakit hindi pa siya magdala? As usual hindi ako puwedeng magreklamo kaya sumunod na ako sa kanya bitbit ang isang tasa ng kape at isang platito ng sandwich niya na hinati pa niya ng pa-triangle. Iba din ang trip nitong lalaking ito. Nakasunod ako sa kanya hangang sa opisina niya. At naabutan namin si Lean sa loob. Nakaupo ito sa harapan ng laptop at nakasalamin. Nakasuot lang ito ng puting t-shirt at itim na pantalon. Hotty! “Bakit ka nandito? Hindi ka rin makatulog?” Tanong ni Renzo sa kanya. Sumilip ako sa likuran niya kaya napunta sa akin ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin . “Good morning sir.” Bati ko sa kanya. “Don’t tell me ginising ka pa ni Renzo para ipagtimpla siya ng kape?” “Ay hinde naman ser, nasa kusina kasi ako kanina.” Sagot ko. Umikot si Renzo sa likuran niya at ako naman ay abala sa pagpatong ng sandwich at kape sa table. “Mabuti na lang nakuha natin ang CCTV. Now alam na natin ang pagkatao ng babaeng hinahanap natin.” Narinig kong sabi ni Lean sa kanya. Kinutuban na ako sa pinag-uusapan nilang dalawa. “Kung hindi natin siya nasundan. Baka naunahan na siya ng Moloch na yun.” Wika ni Renzo. Sabi ko na nga ba! Alam na nila ang tungkol kay Sol! “Ser, may ipag-uutos ka pa ho?” Putol ko sa pag-uusap nila. “Wala na, puwede ka ng lumabas.” Sagot niya sa akin. Nakayuko akong tumalikod sa kanila. Kailangan ko nang mag-ingat sa susunod! “By the way, anong sabi ng doctor?” Narinig kong tanong ni Lean habang papalapit ako sa pinto. “There’s nothing to worry about. Kapag nakita ko siya ulit I will punish her for hurting my balls.” Sagot niya ikina-angat ng labi ko. “She’s mine Renzo, halata naman na hindi ka niya type.” "Fvck! What are you talking about? Magkamukha tayong dalawa kaya paano mo nasabing ikaw ang type niya?" Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil sinara ko na ang pinto. I flipped my short hair and walking like a model sa hallway. Feeling ko ang haba ng hair ko. Bakit ba kasi kailangan nilang mag-agawan kung puwede ko naman silang pagsabayin? Bad yan Sol, huwag kang gahaman...Parang baliw na akong nakangiti habang naglalakad sa hallway nang mapadaan ako sa kanto ay napatigil ako sa paghakbang. Kitang-kita ng dalawang mata ko ang paglabas ni Lavinia sa kuwarto ni Walton. “Anong ginagawa niya doon ng ganitong oras? Inayos pa niya ang kanyang damit bago naglakad. Nagtago ako at nauna siyang bumaba ng hagdan. Sigurado akong may tinatagong lihim din ang babaeng yun!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD