Pansin ni David ang tahimik na si Yana. Nasa kotse na sila patungo sa Montenegro Cars Inc. Hindi siya sanay sa tahimik nitong ugali. Kaya siya na mismo ang bumasag sa katahimikan. "May problema ka ba, hindi ako sanay na tahimik ka," ani David sabay liko ng kotse sa may kanan. "Wala rin ba akong karapatang tumahimik. Gusto ko lang ipahinga ang matabil kong bibig para naman guminhawa iyang pakiramdam mo, baka kasi nasasakal ka na sa presensiya ko," ani Yana sa binata. Hindi nagtagal ay nakarating na sila sa naturang building. Hindi maipinta ang mukha ni Yana. This is it. Nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga at mabilis in-unlocked ang naturang seatbelt. Sabay na umibis sila mula sa kotse ng binata. Tulad ng dati, sa private elevator sila dumaan patungo sa opisina ni David. "K