KINABUKASAN, na unang nagising si David kaysa kay Yana. Tinawagan ni David ang ilan sa kanyang mga tauhan na bumili ng groceries. Iritadong nakatitig siya sa walang lamang ref ng dalaga. Kasalukuyan niyang pinapalinis sa isa sa mga kasambahay niya ang apartment ni Yana. Hanggang ngayon tulog pa rin ang lukaret niyang sekretarya. Mabuti na lang at araw ngayon ng Sabado. Nailing na lamang si David. Lahat ng mga labahin nito ay pinalabhan niya ng naturang katulong. Ipinatapon niya ang ilang butas na mga panty ni Yana, aanhin naman kaya nito ang mga panty na 'yon? Damn! Hindi naman nagtagal ay dumating ang kanyang mga tauhan. Puno ang naturang ref ni Yana. Pagkatapos malinis ang naturang apartment lihim na guminhawa ang pakiramdam ni David. Malaya niyang pinakialaman ang kitchenette ng dalaga