"Wow naman, may wine pa. Aminin mo na kasi David na pa dinner date mo ito sa'kin, ayaw mo lang aminin dahil natatakot kang ma-reject ko, hindi ba?" biro ni Yana sa binata na ngayo'y binuksan ang wine. "Think what you want, total libre lang naman mangarap ng gising," simpleng sagot ni David sa dalaga. "Ganyan naman talaga kayong mga lalaki, mahilig magpa-fall, naku, maghunos-dili ka, David. 'Pag ako na in love sa iba, talagang hindi kita papansinin," palatak ni Yana sabay hawak ng kopitang may lamang red wine. Sinimsim niya iyon, at ngumiti siya ng matikman ang tamis niyon. Hanggang nagsunud-sunod ang kanyang lagok, nailing na lamang sa kanya ang binata. Ilang minuto ang nagdaan ng mapansin ng binata ang tila lasing ng babae. "Stop it, woman! I guess you're drunk," pigil ni David nang a