CHAPTER 69 “Gjiam! Anong ginagawa mo rito! Hindi ka talaga nagtanda! Hindi ba’t pinagbawalan na kitang pumunta rito? Nag-usap na tayo! Nakailang beses ka nang nakatikim sa akin pero andito ka pa rin! Anong gusto mong palabasin ha!” singhal niya nang makalapit siya sa kanyang anak. “Dad! Please! Hayaan mong mag-usap kami. Kahit huling usap na namin ito. May mga gusto lang ho akong linawin.” “Anong please? Ano pa bang gusto mong linawin? Hindi pa ba sapat na ebidensiya ang hawak mo para puntahan mo pa siya rito?” “Paano kung pato ho ito, hindi totoo. Paano kung ang lahat ng ito ay planted lang. Dad, hindi ko na ho alam kung anong totoo!” “At pinapalabas mong sinungaling ako? Na imbento ang lahat ng ito?” Hindi sumagot si Gjiam. Tumingin siya sa akin na nang-uusig ang kanyang mga mata.