CHAPTER 70 “Ang Daddy mo ang nagsisinungaling Gjiam. Alam kong kilala mo ang Daddy mo. Kung kaya niyang gawin sa akin ito, kung kaya niyang mag-imbento ng kasalanang hindi ko naman ginawa, di ba mas kaya niyang mag-imbento ng iba pang ikasasama ng imahe ni Daddy?” “Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalan ko ngayon. Naguguluhan na rin ako. May mga patunay ang Daddy ko, ikaw ba? May patunay rin ba ang Daddy mo sa mga sinabi niya sa’yo? Sa kuwento ni Daddy ako naniniwala. Kaya nagkaganyan si Daddy dahil sa kagagawan din ng Daddy mo.” “Diyos ko, Gjiam. Anong nangyayari sa’yo? Ikaw na ba ‘yan? Napo-pollute na yata ng Daddy mo ang isip mo kaya hindi ka na naging objective. Gjiam please. Huwag kang makinig sa kanya. Huwag na huwag kang maniwala sa mga kasinungalingan niya. Alam kong s