CHAPTER 38 Pero paano pepekehin lahat ni Gjiam ang ipinaramdam niyang pagkagusto at pagmamahal sa akin? Gusto kong maniwala kay Daddy ngunit iba ang sinisigaw ng puso ko. Iba ang sinasabi ng nararamdaman ko. “Kitang-kita ko Dad nang sinaktan ni Mayor si Gjiam sa harap ko mismo. Narinig at nakita ko kung paano ako ipinagtanggol ni Gjiam sa kanya kaya alam kong walang kinalaman si Gjiam dito. Hindi peke ang mga galos at sugat niya kasi malapitan ko iyong nakita. Alam kong totoo si Gjiam sa akin, Dad.” “Anak, huwag mong ibigay ang buong tiwala mo sa anak ni Edmond. Alam kong alam mo na madali lang ang magpanggap. Madaling iparamdam na gusto ka niya, na mahal ka niya pero ang totoo may binabalak din siya sa’yong masama. Tandaan mo anak, may malalim na galit sa akin ang pamilya nila kaya gi