CHAPTER 39 “Makikilala mo rin. Ingat ka sa mga ‘yan oh?” inginuso niya yung mga sumigaw sa akin sa sulok. Huminga ako nang malalim. Hindi na ako guro. Ibang mundo na ang kinasadlakan ko. Mukhang kailangan kong sumabay. Kailangan kong protektahan ang sarili ko. “Anong pangalan mo?” maangas na tanong sa akin ng babae sa taas ng double deck. “Faith,” mahinang tugon ko. “Luvi,” pagpapakilala niya. Wala sjyang alok ng pakikipagkamay pero bumaba siya mula sa kanyang kama. Mukhang mas matanda siya sa akin ng mga limang taon. Magkasingtangkad kami at magkasingkatawan. Nakiramdam ako kung anong pakay niyang kausapin ako. “Anong kaso mo?” “Kidnapping,” maikling sagot ko. “Seryoso?” “Iyon ang ang isinampa laban sa akin eh.” “Pambihira, wala sa hitsurang nangingidnap ka ah.” “Ikaw?” tanong