CHAPTER 37 Nang matapos nang mapanood nina Daddy at Mommy ang video at ibibigay na sana nila ito kay Hannah nang inagaw ko iyon. Tinignan ko daanng libong views ganoon din ang libo-libong shares. Hindi ko napigilang i-scroll at basahin ang mga comments. Wala pang isang oras pero umakyat na ng ilang daan libo ang likes kahit wala pang isang oras nang nai- post. “Guro ba ‘yan. Kakaiba. Babae pero nagawang ganunin ang lalaking istudiyante niya? Nakakadiri. Hindi naman pangit. Naka-high yata si Ma’am. Adik amputa. Dapat diyan parusahan ng kamatayan.” “Diyos ko. Teacher pa namang naturingan pero pati istudiyante niya ay nagawa niyang kidnapin at babuyin. Hindi na natakot. Anak pa talaga ng mayor. Dapat magkaroon lagi ng drug test ang mga guro. Dapat dito pinapa-rape nang magtand