THE STUDENTS

3513 Words
CHAPTER 4 Matalino naman si Gjiam Olivarez, medyo maligalig lang talaga at maangas. Iyon rin ang reklamo sa akin ng kanyang ibang mga subject teachers. Mabuti nga nauutusan ko raw o kaya napapakiusapan pero sa ibang mga teachers, kinakaya niya sila. Niraratrat daw niya ng mga tanong lalo na ang mga baguhang teachers hanggang sa mapapahiya na lang ang mga baguhang guro dahil wala silang maisagot sa kanyang mga tinatanong. Kahit pa mga batikang guro ay kinakaya niya dahil ginagawan niya talaga ng paraan na itanong ang mga alam niyang di pa pa alam ng kanyang mga seasoned teacher. Noong una, ako talaga ang pinuntirya niya kaya lang hindi siya sa akin umubra. Kung alam niyang kakayanin ka niya at masisindak ka, kakainin ka niya ng buung-buo hanggang sa hindi mo na siya kontrolado ngunit kung sa una palang, nagawa mo na siyang tapatan, kahit pa nandoon yung kaastigan niya, mapapasunod mo pa rin siya sa iyong mga utos. Makikinig siya, sumasagot, gumagawa at nakikiisa mga group task. Bata pa kasi at hindi siya nahihiya. Siguro kasi alam na lahat na anak siya ng Mayor kaya sinasabi lahat ang gustong sabihin. Bago ako nagsimula sa aming talakayan ay tumingin muna ako sa kanyang umupo na pero nakangiti pa ring nakatitig sa akin. Ang gwapo talaga niya at hindi ko alam kung paano ko matitiis. Huminga ako nang malalim. Nakatingin ang mga ibang istudiyante ko at alam kong mahilig magkuwento ang mga ito sa iba pang mga teacher. Baka manganak ang balita at sabihing may gusto ako sa aking istudiyante. Mahilig sa tsismis ang mga co-teacher ko. “Noong nakaraang Linggo, napag-usapan natin ang tungkol sa wika,” pagsisimula ko. Nanaig na ang katahimikan. “Ang tatalakayin natin ngayon ay ang antas ng wika. Pakibasa nga kung ano ang dalawang antas ng wika?” naghanap ako ng aking tatawagin. Nakita kong magsisimula na namang kulitin ni Olivarez si Valerio na nanahimik. “Pakibasa, Valerio.” Agad kong tinawag ang katabi ni Gjiam na alam kong kabaliktaran niya, tahimik, mabait at responsableng istudiyante ngunit dahil sa bad influence na si Gjiam kaya pati siya nadadamay. Iyon rin ang hindi ko maintindihan kung paanong ang astig na katulad ni Olivarez ay kay Valerio na sobrang bait ang madalas niyang kasa-kasama at kadikit. Sanay kasi ako na kapag pasaway at maharot, sa mga ganoong tipo ng kaklase din sila napapasama. Kay Valerio at Olivarez iba. Sana lang hindi tuluyang maimpluwensiyahan ni Gjiam ng kabulastugan niya ang kanyang kaibigan. “Ma’am, sorry ho. Ano yung tanong?” “Makinig ka kasi at hindi yung umagang-umaga nakikipagdaldalan ka sa katabi mo.” “Sorry Ma’am. Ang gulo kasi ni Gjiam.” “Sige na, tumayo ka at basahin yung nasa screen.” Idinaan ko ang tingin ko kay Olivarez na hinaharot at ginugulo ang mabait at tahimik na si Valerio kaya ko tinawag ang huli para matigil sila. Nakita ko na naman ang pagkindat niya sa akin. Minsan nawawala talaga ako sa focus lalo na kapag makapit ang mga titig niya tuwing nagtuturo ako. Hindi ko alam kung pinag-titripan lang ako o may gusto lang siyang patunayan. Ayaw kong mahulog sa kanyang patibong. Baka gusto lang niyang patunayan kung ano ang aking totoong nararamdaman sa kanya at ipamalita sa lahat na totoo ngang gusto ko siya. Hindi ko gustong mabahiran ng tsismis ang aking pangalan. Ayaw kong sirain ang magandang imahe ni Daddy. Kaya nga “big no” sa akin ang makipagrelasyon sa estudiyante. Ayaw ko ng isyu. At hindi sa kagaya ni Olivarez ako patatalo. Hindi niya ako kaya sa patalinuhan kaya siguradong humahanap ng paraan para makuha niya ako sa ibang bagay. Ang ipinagtataka ko lang, bakit parang ramdam niyang may gusto ako sa kanya kaya may mga ganoong banat siya sa akin. Grabe talaga ang kapogian ng batang ito. Yung kanyang mapula at malulusog na labi ang asset talaga niya. Ano kayang feeling ang kahalikan siya? “Ma’am, okey ba siya?” tanong ni Valerio habang palipat-lipat ng tingin sa amin ni Olivarez na nagtitigan. “Anong okey ba siya?” kunot ang noo ko. “Yung binasa ko ho, okey na, Tapos na ho akong magbasa, Ma’am.” Nag-apir silang dalawa bago umupo si Valerio. Alam kong nakakahalata na yata sila. Pinamulahan ako. “Okey sige, narinig ba ang binasa ni Valerio?” patay malisya kong pagpapatuloy sa aming talakayan. “May dalawa tayong antas ng wika, ang pormal at di pormal.” “Ibigay nga sa akin, Corcuera ang mga uri rin ng di pormal na antas ng wika?” “Ma’am, ito yung balbal, lalawiganin at kolokyal na mga salita.” “Magaling.” Nakita kong nagtatawanan pa rin sina Valerio at Olivarez. Uminit ang bumbunan ko. Tuluyan na nga talagang naimpluwensiyahan ni Gjiam ang dati ay tahimik lang niyang katabi. “Olivarez, anong ibig sabihin ng balbal at magbigay ka ng halimbawa. Gamitin ang halimbawang ito sa pangungusap.” “Ma’am ah, ikaw ah. Gustung gusto mo kong magbalbal ah.” “Ano?” tumaas ang boses ko. Nabastusan ako sa sinabi niya. “Balbal. Sa mga lalaking kagaya ko Ma’am, alam na alam na nila ‘yon. Mahusay silang magbalbal.” Nakita ko ang simpleng galaw ng kamay niya at alam ko ang kanyang tinutukoy. Tumawa ang mga lalaki. Nainis at namula ang mga babae. “Olivarez, alam mo ba yung salitang respeto at disente?” “Yes po, ma’am.” “Yun yung dapat meron ka. Ugaling dapat hindi na itinuturo sa’yo sa ekwelahan kundi dapat nagsisimula iyan sa inyong tahanan.” Bumuntong hininga ako. Namula siya. “If I can’t handle you, our Guidace will or our Principal might call your parents for futher disciplinary actions.” Yumuko. “Class, kung kagalang-galang ang inyong mga magulang lalo na kung kayo ang tinitingala dahil sa posisyon sa gobyerno at kayamanan, dapat kayong mga anak nila, kayo ang dapat walking and living example nila. Hindi lang kayo ang pinagpala sa mundo. Bakit ko sinabi at isinali ang mga magulang ninyo rito? Kasi, kung anong ugali ang ipinapakita ninyo sa ibang tao lalo na dito sa paaralan , iyon ang iisipin ng lahat na upbringing nila sa inyo sa inyong tahanan. Iyon ang nakikita ninyo sa kanila na maaring nagagaya na ninyo. Kung wala kayong respeto sa amin na pangalawang magulang ninyo, malaki ang posibilidad na gano’n kayo sa inyong mga tahanan. Huwag dalhin sa paaralan ang ugaling iskwater. Baka nga marami pa sa mga iskwater na kilala ko na kilos edukado kaysa sa mga nakatira sa bahay na bato na ang ugali ay barumbado.” Tumahimik ang lahat. Yumuko si Gjiam na akala mo pagkaamo-among tupa. “Sagutin mo ng maayos ang tanong ko. Kung alam mo ang sagot, manatili ka sa upuan mo pero kung hindi, lilipat ka sa harap sa tuwing ako ang guro ninyo, maliwanag?” “Opo Ma’am.” “Anong ibig sabihin ng balbal at magbigay ka ng isang halimbawa at gamitin mo ito sa pangungusap.” “Ang balbal ay mga impormal na antas ng salita na may katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika. Ito ay mga salitang pangkalye o panlansangan.” “See? Alam mo naman pala ang sagot. Kailangan pang simulan mo ng bastusan bago ka sumagot nang maayos. Okey, sige, tama. Manatiling nakatayo, hindi pa tayo tapos.” Ibinaba ko ang hawak kong stick. “Class tama ang sinabi ni Olivarez. Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga salita. Pinakamababang antas ito ng wika na karaniwang ginagamit sa lansangan. Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad ng mga LGBT na nagsisilbing koda nila sa kanilang pakikipag-usap. Naintindihan?” “Opo,” halos sabay na sagot ng mga mag-aaral. “Okey, Olivarez. Magbigay ka ng halimbawa at gamitin mo ito sa pangungusap.” “Si Xyrine ay chipipay dahil chipangga ang kanyang mga kasuotan.” “Mali.” “Ma’am? Paanong mali, ang chipipay at chipangga? Ito ay mga halimbawa naman ng salitang balbal.” “Oo, mga salitang balbal nga naman ang ginamit mo sa pangungusap ngunit tama bang sabihin mong mumurahin ang isang tao dahil sa mumurahin niyang gamit? Ikaw, gusto mo bang sabihin kong basura ka dahil basura ang iyong inuugali?” “Pero halimbawa lang naman ‘yon, Ma’am ah.” “Hindi porke halimbawa lang ay pwede mong gamitin ang mga iyan for the sake na makasagot lang. Kailangan ring tignan natin ang substance ng ating ibinibigay na halimbawa. Kaya nga tinawag na halimbawa e para pamarisan, para tamang maging batayan. Kung ang paggamit ng salitang balbal sa inyong diskurso ay makapanakit sa tao, huwag itong gamitin. Ang chipipay ay para sa gamit hindi para sa tao. Maliwanag?” “Opo Ma’am,” sagot ng ibang mga mag-aaral. “Sige, makipagpalitan ka kay Abad ng upuan. Dito ka sa harapan.” “Ma’am, please. Huwag naman oh.” “Sino bang guro sa ating dalawa? Ako ba o ikaw.” “Ikaw.” “Sino ang dapat nasusunod sa loob ng silid aralan, ang mag-aaral ba o ang guro?” “Ang guro, siyempre.” “Sino uli ang guro sa ating dalawa?” “Ikaw.” “Anong ikaw? Kayo ho, okey? Paggalang. Respect.” “Okey ho. Kayo ho,” matigas ang pagkakasabi no’n. Halatang pikon na. “So, malinaw na sundin mo ang utos ko.” Narinig ko ang kanyang pagbunot ng malalim na hininga. Umiling siya. Kinuha ang backpack. Naglakad siya paharap. Pabagsak na umupo sa harap. “Bago ka umuwi mamaya, mag-usap tayo. Huwag mong hintaying ipatawag ng Principal ang Daddy mo.” “Kayo ho ang guro, kayo ho ang masusunod.” Sasagot pa sana ako pero hindi na iyon ang tamang lugar para disiplinahin siya. Isa pa, hindi lang siya ang student ko. Maraming gustong matuto kaya tinantanan ko na muna siya. Tumatakbo ang oras. Kailangan ko nang tuldukan ito bilang adviser niya. Napapagod na ako sa mga sumbong ng mga subject teachers niya sa akin. Pagkatapos ng klase ko sa kanila ay nagsimula nang lalong sumungit ang panahon. Bumagsak ang malakas na ulan. Tinanggal ko ang cord ng HDMI. Nahalata kong hindi siya kumilos para tulungan ako. Nakayuko lang siya at may isinusulat sa kanyang kwaderno. Kahit nang magpaalam ako, hindi rin siya sumabay sa pagbigkas ng “Paalam Binibining Sandoval. Mabuhay,” sa kanyang mga kaklase. Mukhang dinamdam niya ang aking mga sinabi. Dapat lang. Nang dumaan ako sa harap niya ay hindi niya pilit kinuha ang mga dala ko para ihatid ako sa susunod kong klase tulad ng kanyang kinagawian. Hindi ko rin siya pinansin. Hindi ako ang dapat bumaba sa kanya, guro pa rin niya ako at kailangan niyang makinig sa akin. “Ma’am! Ma’am!” Sigaw niya habang naglalakad ako pababa sa hagdanan. Hindi ko siya nilingon. Hanggang sa hinarang niya ako. Humihingal. “Ano na naman?” tanong ko. May iniaabot siyang nakatuping papel sa akin. “Ano ‘to?” “Apology letter, Ma’am.” “May paganito ka pang nalalaman. Umayos ka, Olivarez.” “Basahin mo, Ma’am ah?” “Sige basta mag-usap tayo mamaya ha. Faculty Room.” “Ayos! Bye, Ma’am.” Muling siyang kumindat. Kinilig ako nang hawak ko ang sulat niya. Ibinulsa ko muna iyon. Ngunit paano kung paglalaruan kami ng tadhana? Paano kung malalaman kong ang astig at gwapo kong istudiyante ay may balak pa lang siyang maglalagay sa buhay ko sa alanganin. Nasa second period pa lang ako pero gusto ko nang basahin ang ibinigay sa akin ni Gjiam na sulat. Hindi tuloy ako makapag-focus. Iniisip ko kung tama ba itong nangyayaring nagkakaroon ako ng pagkagusto sa aking istudiyante. Konting pagkakamali lang, panigurado magiging tampulan ako ng tsismis. Nang recess na ay pumunta ako sa canteen. Puno na ng istudiyanteng bumibili kaya umupo muna ako sa sulok at hintaying matapos namimili ang mga mag-aaral bago ako bibili ng aking miryenda tutal wala naman akong next period pa. Inilabas ko sa aking bulsana ng iniabot sa akin ni Gjiam na sulat para basahin nang may naglagay ng tray ng pansit at juice sa harap ko. Tinignan ko kung sino. Si Gjiam. Ngiting-ngiti. “Anong ginagawa mo rito? Maghanap ka ng ibang table, huwag dito kasi baka mamaya may makakakita sa atin at pag-isipan pa tayo ng kung anu-ano.” “Maki-table lang naman ako ma’am. Saka binilhan na rin ho kita ng miryenda ninyo para hindi na ho kayo pipila," pabulong niyang sabi sa akin habang inilapag niya ang isang plato ng pansit sa harap ko at juice. “Ano bang ginagawa mo? Sinisira mo ako sa mata ng tao.” “Ma’am, naman, magmimiryenda lang tayo. May batas na bang nagbabawal na sabay magmiryenda ang teacher at istudiyante? Saka baka kayo lang Ma’am ang nag-iisip ng iba. Kayo lang ang may malisya.” “Tingin mo hindi magkakamalisya ang ibang makakakita sa atin? Teacher mo pa rin ako at student pa lang kita.” “Peace offering lang naman ito sa ginawa ko kanina. Wala naman sigurong masama.” “Hindi ko kailangan at hindi ko hinihingi ang peace offering mo. Ang kailangan ko, distansiya. Okey na?” “Hindi ba puwedeng magpasalamat sa effort kong dalhan ka ng miryenda?” “Thank you. Please address me, Ma’am lalo na nasa campus tayo.” “Okey Ma’am. Kahit ngayon lang. Ang hirap mo namang suyuin eh” “Ang presko mo naman.” “Sorry po. Ganito ka lang kasi talaga ako, Ma’am at alam siguro naman, alam ninyo kung bakit ako nagkakaganito sa inyo.” “Subukan mong sukatin kung hanggang saan ka lang. Teacher mo ako, adviser mo pa nga. Student pa rin kita. Mamaya makita pa tayo ng Admin.” “Sorry po. Pasensiya na talaga.” Nakita ko ang pamumula niya. Huminga siya nang malalim. Tumayo na siya para umallis. Hindi ko naman talaga intensiyong pahiyain siya. Medyo nagulat lang ako na ganoon na siya ka-preskong makipag-usap sa akin. “Sige Ma’am. Hindi na mauulit. Salamat po.” Tumalikod na siya at iniwan niya ang binili niyang miryenda. Naalarma ako. Napaisip ako na may kagaspangan din ang ginawa ko sa kanya. Kakain lang naman kami. Hindi ko lang matanggap na tama naman siya sa sinabi niyang kakain lang kami. May masama ba sa gagawin naming sabay magmiryenda? Hindi ba’t nasa ibang tao na kung anong iisipin nila? Huminga ako nang malalim. Hangga’t hindi pa siya nakakalayo ay tinawag ko na siya agad. “Gjiam, sandali lang.” Huminto siya. Lumingon. Basa ko sa mukha niya ang kalungkutan. Hindi ko iyon nakita sa kanya mula nang naging teacher nila ako. “Bakit ma’am?” “Bumalik ka nga rito. Samahan mo akong kainin itong inorder mong pagkain natin. Hindi ko ito mauubos." “Ho? Payag na kayong kasabay akong magmiryenda?” “Oo na. Basta mangako kang hindi na ito mauulit dito ha?” “Opo,” masaya niyang sagot. Mabilis siyang umupo uli sa tapat ko. “Sabi mo, huwag nang maulit dito, ibig bang sabihin pwede sa labas?” Kumunot ang noo ko. Mabilis talagang mag-isip. Marunong kumilatis ng salita. Matalino nga. "E, di sige, next time sa labas na lang, Ma’am.” “Kahit sa labas, hindi na muna pwede.” “Hindi na muna? Bakit? Kasi student mo ako? Paano kapag graduate na ako? Pwede na kita ma-date?” “Ayos ka ah. Graduate ka man o hindi, tandaan mo, teacher mo pa rin ako. Huwag mong kalimutan ‘yon.” “Ang hirap naman, Ma’am. Eighteen na ho ako. Hindi na ho ako bata. Alam ko na ang pwede sa di pwede. Saka kakain lang naman ho tayo. Ako na po ang manlilibre kasi ako naman ang nagyaya ho sa inyo.” “Wala namang kaso sa pera. Hindi yung bayad ng meryenda ang iniisip ko rito. Yung patakaran na umiiral. Yung sasabihin ng ibang taong makakakita sa atin. Nakikita mo ang tingin ng mga teachers sa atin sa kanilang table?” “Oo, nakangiti naman sila ah.” “Nakangiti sila pero pinupulutan na nila tayo. Alam kong kung anu-ano na ang mga sinasabi ng mga ‘yan laban sa atin. Bukod doon, alam mo naman ang sitwasyon natin hindi ba? Anak ka ng Mayor na tumalo sa Daddy ko na dating Mayor.” “At lalabanan mo si Daddy bilang Mayor, tama?” “Alam mo iyon?” “Nabanggit lang ni Daddy sa akin. Kailangan mo talagang pumasok sa pulitika?” “Hindi pa confirm. Hindi pa ako pumapayag.” “Pero iyon na ang alam ng lahat.” “Si Daddy lang ang nagsabi, hindi sa akin mismo galing. Kung ako ang tatanungin, ayaw ko sana.” “Ibig sabihin, you are considering to run. Huwag na, baka mapapahamak ka lang…” Binuksan niya ang juice ko at inilapag niya sa tabi ng plato ko ang bukas nang juice. “Anong sinabi mo? Ako? Mapapahamak?." “Wala. Kalimutan mo na ang sinabi ko.” “May plano ba ang Daddy mo na masabi laban sa akin? Laban sa pamilya ko? Alam kong Daddy mo iyon pero alam kong may mga kalokohan siyang ginagawa. Tapatin mo ako, Gjiam. Ano yung sinasabi mong mapahamak lang ako?” “Wala ho. Basta huwag ka na lang sanang tumakbo pang Mayor. Hayaan mong iba na lang ang tatakbo sa pamilya ninyo. Huwag na lang ikaw.” “Bigyan mo ako ng sapat na dahilan kung bakit hindi ako lalaban sa Daddy mo bilang mayor sa nalalapit na election.” “Pwede bang huwag na lang natin dito pag-usapan? Kumain na ho kayo at lumalamig na ang pansit sa harap ninyo.” Sumubo ako sa binili niyang pansit. Habang kumakain kami ay panay ang tingin ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at kumindat. Ang ginagawa niya ng iyon ang lalong nagpapakilig sa akin. Ang gwapo talaga ni Gjiam sa malapitan. Ngayon na lang na naman ako nakaramdam ng ganito. Noong nag-aaral ako, may mga naging crush din naman ako. May mga sobrang natipuhan akong mga kaklase ko, may mga teachers pa nga akong naging crush pero hanggang doon lang ako. Masyado kasi akong tutok sa buhay. Maagang napasabak sa pulitika at negosyo. Tinuruan ako nina Mommy at Daddy na maging seryoso agad sa buhay kaya hindi ko nagawang lumandi. Yung talagang landi. Kung may crush ako o nagugustuhan, madalas landi nga lang sa biruan. Tuksuan pero hindi kailanman umabot sa s*x. Sa edad kong 23 years old, virgin pa ako. Hinintay lang talaga ni Daddy na mag-23 ako para puwede na akong tumakbo bilang Mayor sa aming lungsod at ngayon na 23 na ako, nililigawan na ako ng aming angkan. Hindi ko alam kung paano ako tumanggi sa lahat lalo pa’t may mga organisasyon ding gustong tapusin ang nangyayari sa city hall at ang paglala ng droga mula nang umupo sa posisyon ang Daddy ni Gjiam. "May boyfriend ka na, Ma’am?" diretsahang tanong niya sa akin. Titig na titig siya sa aking mga mata. "Personal na ‘yan ah.” “Mahirap bang sagutin?” “Wala pa. Okey na.” "Talaga? Sa ganda ninyong iyan wala kayong naging boyfrend?" “Malinaw naman ang isinagot ko, hindi ba?” “Ano ba talaga? Wala pa o wala na?” “Kakain ba tayo o buhay at relasyon ko ang pag-uusapan natin?” “Kakain habang pina-uusapan natin ang buhay mo,” sagot niya. Nakita ko na naman ang kanyang makalaglag panty na ngiti. “Ikaw ba? May naging girlfriend ka na ano?” “Naka-tatlo na rin at lahat ng iyon naikama ko.” Napainom ako sa juice nang marinig ko sa kanya iyon. Hindi ko napaghandaan. Hindi ko inakala na sa edad niyang iyon, nakatatlo na siya at may karanasan na siya sa s*x. Kaya pala ganoon siya magsalita sa akin. Halatang bihasa siya sa babae. Hindi na kasi siya nahihiya sa akin kahit teacher pa niya ako. Ako pa ang namumula sa mga lantaran niyang mga tanong at diretsahang sagot. Parang kabisado nga niya ang tulad ko lalo pa't mula nang naging student ko siya ay napansin siguro niyang malagkit ang aking mga tingin ko sa kaniya. Nahuhuli niyang nakatitig ako sa kanya nang madalas kaya malakas siguro ang kutob niyang may gusto ako sa kanya. "Ano nga ma’am? Sinagot na kita, sagutin mo ako nang diretso. Wala pa o wala na?” “Wala pa nga. Bakit mo ba kasi ako tinatanong ng ganyan?” “Hindi ako makapaniwala na wala pa. Sa ganda mong ‘yan at wala kang boyfriend e, anong nangyari? Baka naman pwedeng…” “Pwedeng ano? Hinay-hinay ka sa pagbibitaw ng salita. Ibabagsak talaga kita!” Pinagtaasan ko siya ng kilay. “Pwede kayang magka-boyfriend ka ng kagaya ko lang? O pwede ba akong maging boyfriend ng kagaya mo?” Alam kong idinadaan niya ako ng pasimpleng tanong at hindi ko alam kung paano ko lalabanan ang emosyon kong lalong kumakawala sa tuwing umiiwas ako sa mapanukso niyang mga mata at nang-aakit niyang kabuuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD