THE COCKY

1840 Words
CHAPTER 5 Dala ng matinding emosyon, nakaipgabardagulan ako kay Gjiam. Pinatulan ko siya sa mga simpleng banat niya sa akin. Birong landi ngunit kahit anong itawag pa roon, landi pa ring maituturing. “Pwede naman akong magkaboyfriend ng kagaya mo basta huwag sa istudiyante ko. Siguraduhin mo munang hindi na kita istudiyante kung may balak kang mag-apply, okey?" sagot ko sa kanya.. Biro lang din sa akin iyon pero half meant. Natatalo kasi ako sa mga pasaring at pagpapacute niya sa akin eh. “Okey. Noted po, Ma’am. Tatandaan ko ho iyan. Babalik ako kapag hindi mo na ako istudiyante," Ngumiti siya. Kinindatan ako. "Marami kang makikilala, Gjiam. Paghanga lang ‘yan," sagot ko. “Sabihin man nating makapagtapos ka, liligawan mo ako pero alam nating dalawa na kahit kailan hindi nagkakasundo ang pamilya mo at pamilya ko. Mortal na magkalaban ang Daddy mo sa Daddy ko at hindi ko alam kung paano maayos ang gusot. Malalim ang kanilang hindi pagkakaunawaan. Sinasabi ko ito sa’yo para magising ka sa katotohanan na hindi lang sa istudiyante kita ang magiging problema, kasama na rin ang sigalot ng ating mga pamilya. Ngayon pa lang, kalimutan mo na na posible ang gusto mong mangyari.” “Hindi ako pabor sa sinabi mo, Ma’am. Naayos naman lahat eh. Napag-uusapan, Ma’am. Ilalaban ko ito, ilalaban kita.” Nagulat ako sa sagot niya. Mukhang palaban. “Anong pinagsasabi mo? Bata ka pa. Darating ang araw makakatagpo ka ng babaeng kaedad mo, kaklase mo. Sandali, tungkol dito ba yung nilalaman ng sulat mo sa akin?” “Nabasa mo na?” “Hindi pa, babasahin ko pa lang sana kaso dumating ka.” “Pwede bang malaman ang sagot mamaya? Di ba pupuntahan kita sa faculty? Sabi mo, may sasabihin ka sa akin?” “Bakit ganyan ang tono mo? Magka-level lang ba tayo? Kaklase mo lang ako?” “Sorry pero wala naman tayo sa loob ng classroom ah.” “Pero nasa campus pa rin tayo at nauna ako sa’yo ng halos anim na taon. Kahit iyon lang ang bigyan mo ng paggalang. Kahit po at opo lang, baka pwede?” “Opo,” nakangiti at nakakairita niyang sagot. "Salamat sa miryenda, I still have a class and I need to go," simpleng pamamaalam ko sa kanya. Ayaw kong lalalim ang aming pinag-uusapan. Simpleng panliligaw na kasi ang ginagawa niya. Gustuhin ko man ngunit hindi pwede. Hindi mapagkakatiwalaan ang ama ni Gjiam. Hindi kailanman papayag ang aking mga magulang na magkakaroon ng koneksiyon ang pamilya ko sa pamilya niya. "Ubusin mo na lang muna ‘yan? Dalawang kutsara lang nasubo mo eh.” “Hindi ako mahilig sa pansit. Mahilig ako ng pasta pero hindi pansit,” Hindi iyon totoo. Mas paborito ko ang pansit sa kahit anong pasta pero gusto kong huwag na niya akong pilitin pang manatili. “Hindi ka mahilig pero halos araw-araw kong nakikita na pansit ang binibili mo sa canteen? Bawat araw, sinusundan ka ng mapanuri kong mga mata. Walang araw na hindi kita napapansin at nakikita.” “Alam mo, tumataas ang balahibo ko sa’yo.” “Tumataas because of attraction.” “Tumataas dahil sa kapreskuhan mo. Sige na. Mauna na ako. Baka kung saan pa mauwi ang usapan nating ito.” “Ako yung tipong hindi tumitigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto.” Nang narinig ko iyon sa kanya, uminom muna ako ng juice saka ako mabilis na tumayo. “Sige see you around ha. Ingat ka. Sabihin mo sa Daddy mo, mag-cancel na ng klase kasi ang lakas na ng ulan oh?” pamumutol ko sa usapan. Hindi pa siya sumasagot pero kinuha ko na ang gamit ko at tumalikod. Kahit vacant ko ay kailangan kong umiwas habang kaya ko pa. Mabilis akong naglakad palayo sa canteen. “Ma’am, sandali lang!” Narinig kong tawag sa akin ni Gjiam. Bumunot ako ng malalim na hininga. Mukhang matigas talaga ang ulo ng batang ‘to. Hindi ako huminto. Tuloy lang ako sa aking paglalakad. “Sandali lang naman.” Nabigla ako nang hinawakan niya ang braso ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Nakita niya ang pagsasalubong ng kilay ko at nahalata niyang hindi ko nagustuhan ang paghawak niya sa akin. “Sorry,” pabulong niyang sinabi saka niya tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin. Napakamot siya. “Huwag na huwag mo akong hahawakan uli, okey?” Tumango siya. “Oh? Anong sasabihin mo, Mr. Olivarez?” “Pwede bang makuha ang number mo, kung okey lang?" "Number ko? For what? Aanhin mo ang number ko?" "Baka lang pwede kitang i-text o tawagan sa tuwing may tanong ako tungkol sa lesson." "Tuwing natatapos ako sa klase natin, I often ask kung may tanong. I am sure na ganon din ang iba ninyong teacher. Hindi mo kailangang kunin ang personal number ko to ask about our lesson.” “Please?” nakikiusap siya. “Adviser kita, hindi ba kailangan, may number ka sa amin, just in case we need your advise o kaya kapag may kailangan kami na di namin masabi sa aming mga magulang o ibang teachers?” “Sure ka na para sa lesson lang ha? Huwag sa kung anong kalokohan.” “Oo naman. Hindi ko hahaluan ng kalokohan kasi seryoso ako sa’yo.” “Anong pinagsasabi mo. Okey na sana eh. Ibibigay ko na. Kung anu-ano pang dinudugtong mo sa mga litanya mo.” “Joke lang naman ‘yon.” “Ma’am. Joke lang naman ho iyon, MA’AM!” Ipinagdiinan ko sa kanya ang huling salita. “Joke lang ho, Ma’am.” “Good. Ibibigat ko pero huwag mo akong ite-text kung hindi tungkol sa lesson natin ha? Nagkakaliwanagan ba tayo Olivarez?” “Bakit ba ang sungit-sungit mo po sa akin, Ma’am?” “Pa’nong hindi ako magsusungit sa mga banat mo sa akin? Umiiwas lang ako. Ayaw ko lang na sumabit ako sa school o masira ako o pangalan ng pamilya ko. Lahat kasi ito, pwedeng gamitin ng Daddy mo kapag naisipan kong labanan siya sa susunod na election.” “Sasabit ka sa akin? Sa pagbigay mo ng number mo, sasabit ka agad? Sa pakikipag-usap ko sa’yo, pwedeng magamit na panira laban sa’yo?” “Tumatagal pa tayp eh. Akin na ang cellphone mo. Para matapos na ito, ibibigay ko na ang number ko. Happy?” “Yown! Hindi ka naman pala mahirap kausapin eh.” Ibinigay niya ang cellphone niya sa akin na latest model pa. Mabilis kong nai-type ang cellphone number ko. Bago ko ibinalik ang cellphone sa kanya, pinagsabihinan ko uli siya, “Basta kung magtext ka magpakilala ka ha at please, huwag kang magte-text ng hindi tungkol sa kalokohan at huwag kang tatawag na hindi naman tungkol sa coincern mo sa iyong pag-aaral at sa school. Nagkakaliwanagan ba tayo, Gjiam?." “Makakaasa ka, Ma’am. Sige, Ma’am. Ingat ka, Ma’am ha?” Nakailang Ma’am siya. Medyo OA na pero mas mainam na iyon kaysa walang Ma’am. Ngumiti lang tumalikod sa kanya. “Diyos ko, ilayo mo ako sa tukso habang kaya ko pa,” bulong ko sa aking sarili. Pagdating ko sa aming Faculty Room. Binuksan ko agad ang sulat sa akin ni Gjiam. Binasa ko na agad iyon habang wala pa ang mga co-teachers kong maiisyu sa buhay na lahat napapansin sa akin. Hi Faith, Alam kong nakukulitan ka na sa akin o nababastusan ka sa akin sa klase. I am sorry. I did those intentionally to get your attention. Sigurio, iniisip mo wala akong disiplina at walang respeto. I do respect you pero kung magiging kagaya ako ng aking mga kaklase na takot at ilan sa’yo, I’ll never catch your attention. Magiging kagaya lang nila akong hindi mo mapapansin. Mainam pang mapahiya, mapagalitan mo o mabungangaan kaysa hindi mo ako napapansin. Pasensiya na kung tingin mo sa akin walang respeto at hindi ako pinalaki ng maayos ng mga magulang ko. Partly, true. Abala silang pareho sa pagpapayaman. Abala silang manatili sa posisyong meron sila. Nagkakaroon lang ako ng buhay sa school. Nakakapagsalita at may nakakausap lang ako kapag nandito ako. Minsan, mas gusto ko pa ngang manatili na lang dito kaysa sa bahay at least alam kong may nakakapansin sa akin. Alam ko na may kakausap sa akin. Ito na yung dating ako noon Ma’am. Bago ka dumating sa buhay ko, naging laman na ako ng guidance sa pagiging basagulero ko. Naging laman ng kulungan dahil sa pakikipagbasagan ko ng mukha. Sa pagiging suwail na anak. Mukha lang akong gwapong anghel pero hindi sa katarantaduhan. Maniwala ka, Faith. Matino-tino na ako sa lagay na ‘to ngayon. Kung nakilala mo ako noon, iisipin mo, wala nang mangyayari pa sa buhay ko. Patapon. Walang kuwenta. Pero nang makita kita noong pasukan, nang akala ng mga magulang ko, itong school na ito ang magiging parusa sa akin sa aking pagwawala, nagkamali sila kasi nang makita kita, nagkaroon ng direksiyon ang buhay ko. Nangarap ako. Naayos ako kahit papa’no. Kaya lang kahit magbago ako, kahit pala, tumino-tino na ako, hindi pa rin nabubura ang tingin ng iba sa akin. Ganoon pa rin ang tingin sa akin ng lahat. Magbago man ako, yung pagiging masama ko noon pa rin yung nakatatak sa utak nila. Akala ko sanay na ako kasi lahat naman ng masasakita na salita, naibato na sa akin. Hindi pa pala. Lalo na kapag galing sa’yo. Lalo na kapag ikaw mismo ang pumuna sa akin. OO, inaamin ko, astang tarantado pa rin ako. Astang hindi kagaya ng matino kong kaklase pero may pakiramdam ako, may isip ako, may puso pa rin naman ako. Ito na ang huling taon ko dito sa school natin ngunit ngayon lang ako nakarinig ng mga patamang hindi ko masikmura. Galing pa sa inyo mismo. Masakit pero okey lang kasi iyon naman talaga ang gusto ko. Ang sana mapansin mo ako. Kung hindi mo ako magustuihan, ang mainis at magalit ka sa akin ay sapat na para sa tuwing nag-iisa ka, nasa isip mo pa rin ako. Pero sana darating yung araw na makilala mo yung tunay na ako, Faith. Sana malaman mo ang totoong nasa puso at isip ko. Sinulat ko habang nagtuturo ka kanina. Gusto ko lang makahingi ng tawad sa’yo. Gusto kong malaman mo na nirerespeto kita, Faith. Hindi man bilang guro ko kasi Faith ang tawag ko sa’yo rito pero mataas ang respeto ko sa’yo. Pasensiya na dahil hindi ko lang alam kung paano ko ipapakita sa’yo dahil nga nasanay na akong ganito ako sa school mula pagkabata. Saka kung magbabago ba ako, magbabago rin ba ang tingin ninyo sa akin? Mapapansin kaya ninyo ako lalo pa’t may impression na sa akin ang lahat mula sa mga janitor hanggang sa ating Principal. No choice. Kailangan ko na lang panindigan at magpakatotoo sa tunay na ako. Kikitain kita mamaya. Pupunta ako sa faculty pagkatapos ng klase ko at may mahalaga akong aaminin sa’yo. Gjiam Napabuntong-hininga ako. Ano naman kaya ang aaminin ni Gjimam sa akin bukod sa alam ko namang pagpapalipad niya ng kanyang pagkagusto sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD