THE TEACHER

3669 Words
Chapter 3 Pagkarating ko sa aking condo ay tinignan ko ang orasan. Mag-aalas-dos na ng madaling araw. Kailangan kong makatulog kahit pa hindi matanggal sa isip ko sa nangyaring engkwuwentro kanina. Pero positibo lang dapat ako. Hindi ako mabubuhay sa takot. Kakalimutan ko ang nangyari. Bukas paggising ko, iwasan kong isipin ang nangyaring pananakot dahil paniguradong maapektuhan ang trabaho ko bilang guro. Wala silang planong patayin ako kasi kung iyon talaga ang balak nila, dapat patay na ako ngayon. Itutulog ko na lang muna ang nerbiyos at takot. Paggising ko kinaumagahan ay patuloy pa rin ang malakas na buhos na ulan. Nakailang check na ako sa page sa social media ng aming City ngunit walang announcement na walang pasok. Ibig sabihin, kahit pa masama ang panahon, kailangan ko pa ring pumasok at magturo. May klase pa rin talaga kami sa araw na ito. Kailangan ko nang kumilos dahil kung hindi, mahuhuli na ako sa klase. Papasok na ako sa school na pinahinto ng guard ang sasakyan ko. Kahit tinatamad akong ibaba ang salamin ng bintana ng aking sasakyan ay kailangan kong gawin para makausap siya at ipakita ang ID ko at magpakilala. Dahil bago ang guard, hindi niya pa kilala kung sino ang mga guro sa paaralang iyon. Pagkabukas ko sa bintana ay ngumiti ako at kumaway. “Good morning po, Ma’am. Saan ho tayo Ano hong sadya?” tanong niya. Hindi talaga ako kilala dahil mukhang ngayon ko lang rin siya nakita. Hindi rin kasi ako nagsuot ng aking uniform dahil tinatamad na akong mamalantsa kanina. Akala ko kasi wala talaga kaming pasok dahil sa lakas ng ulan. “Good morning,” bati ko. “Dito ako nagtuturo. Heto ang ID ko ko oh.” Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong ID.. “Sorry Ma’am. Bago lang kasi ako rito.” “Okey lang. Pasok na ako ha?” “Sige po. Pasensiya na po.” Tumango ako. Mabilis kong itinaas ang salamin ng aking sasakyan para hindi ako tuluyang mabasa sa lakas ng buhos ng ulan. Bago ako mag-park ay nakita kong tumatawag si Daddy. Alam ko na naman ang kanyang sasabihin. Kakausapin na naman niya ako na tumakbo bilang Mayor bilang kalaban ng kasalukuyan naming Mayor. Filing na kasi ng candidacy kaya mas makulit na siya ngayon. Hindi pa ako tumatanggi. Sinabi ko lang sa kanya na pag-iisipan ko nang maigi. Natalo si Daddy sa election ng nakaraan at unang pagkakataon na naagaw sa angkan namin ng 30 years ang pwesto. Alam niyang mabango ako sa mga tao dahil kilala ako nang tumakbo at nanalo ako bilang isa sa mga Sangguniang Bayan. Hindi lang talaga ako masaya sa ganoong paglilingkod. Mas gusto ko talagang magturo na siyang hindi niya suportado. Bukod roon, may negosyo pa kasi kami at pinapipili niya ako kung sa pulitika ako sasabak o siya uli ang tatakbo at ako ang magpapatuloy sa pagpapatakbo ng aming negosyo. Isang buwan na akong bumukod dahil natotorete na kasi ako sa paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na tumakbong Mayor o pamunuan na lang ang aming negosyo kaysa sa magturo. Parehong kasing ayaw ko ang inaalok niya sa akin. Gusto niyang maging mayor ako sa aming lungsod para maprotektahan ang mga negosyo ng aming pamilya at kung hindi ako papayag, siya ang tatakbo uli at ako ang mamamahala. Ngunit mas gusto niyang ako ang tatakbo dahil sigurado ang panalo ko. Natalo na kasi siya ng minsan ng kasalukuyang Mayor na makakalaban ko kung sakali. Kung malalaman kaya niya ang nangyari kagabi, maisip niya kayang buhay ko na ang nakataya? Pero baka kung sasabihin ko, lalo lang niya akong piliting labanan na ang nakaupong Mayor. Hindi. Hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyari sa akin kagabi. Hindi ko gustong susugod si Daddy at baka ikapahamak pa niya. Marumi maglaro ang kasakuyang Mayor. Natatakot ako sa ibunga nitong gulo sa buhay ko kunsakali. Nainis lang ako dahil hindi pa ako pumapayag tumakbo, naipamalita na na ako ang makakalaban ni Mayor sa susunod na halalan. Pinangunahan ako ni Daddy at ng aming mga kamag-anak. Sa negosyo naman, alam ko may mali noon pero tumiwalag na si Daddy. Hindi na niya maatim pa ang kalakaran sa bentahan ng dati ay pinasok niyang bawal at maling negosyo. Ngunit hindi pagnenegosyo at pagpupulitika ang gusto kong pasukin na mundo. Pagtuturo ang nasa puso ko. Doon ako mas nakakaramdam ng saya. Kaya iyon ang aming laging pinagtatalunan. Pinagbigyan ko na siya nang nanalo ako bilang councilor ng isang term at naging SK Federation President din ako noon, sinubukan ko na ring magtrabaho sa aming kumpanya habang nag-aaral pero hanggang do’n na lang iyon. Hindi na ako kailanman mangingialam pa sa natuklasan kong maling transaksiyon. Kahit pa sinasabi niya sa akin na malinis na ngayon ang negosyo at wala nang halong kalokohan pa ay hindi ko pa rin siya pinaniniwalaan. Hindi negosyo o pulitika ang gusto kong tahaking daan. Maayos kong nai-park ang aking sasakyan. Sinipat ko ang aking orasan. Late na talaga ako. Kinuha ko ang aking payong at pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay agad kong binuksan ang aking payong para hindi ako mabasa. Mabilis kong tinalunton ang daan patungo sa gusali kung saan naroon ang first period at advisory class ko. Habang mabilis kong inakyat ang hagdanan papunta sa room 412 ay sinagot ko na ang tawag ni Daddy dahil alam kong hindi niya talaga ako titigilan. “Yes, Dad?” huminto na muna ako sa pangalawang palapag. “Napag-isipan mo na ba yung sinasabi ko?” “Dad, may klase ho ako. Uuwi na lang ako diyan bukas para pag-usapan natin.” “Please anak. Alam na ng buong lungsod ang pagtakbo mo bilang mayor. Huwag mo naman akong ipahiya. Kung hindi ka papayag, ako ang mapipilitang tatakbo uli.” “Uuwi ako riyan, Dad. Saka na ho natin pag-uusapan.” “Sige, hintayin ka namin ha? Magpapahanda ako sa paborito mong pagkain kay Yaya.” “Okey Dad. Bye na po.” Huminga ako nang malalim. Muli akong nagpatuloy sa pag-akyat sa hagdanan. Kung bakit doon lagi ang room assignment ko. Iyon kasi ang pinakamataas na palapag sa isa sa apat na building ng aking pinagtuturuan. Nang nasa pangatlong palapag na ako ay tumingin ako sa kalangitan, napansin kong lalong kumapal ang ulap. Mukhang nagbabadya ng mas malakas pang pag-ulan. Tinatamad akong pumasok dahil inaakala ko na magsu-suspend ang aming bagong Mayor ng klase dahil alam naman niyang may parating na bagyo. Nakailang bukas na ako sa page ng aming lungsod sa social media ngunit wala talaga siyang announcement. Noong si Daddy pa Mayor, kapag ganitong may parating na bagyo, wala na agad pasok pero sa bagong namumuno, mukhang walang pakialam sa kanyang mga nasasakupan. Wala akong magawa kundi ang magmadaling maligo at magbihis kanina. Tuloy hindi na ako nag-uniform pa. Mabuti at hindi pa ako inabutan ng traffic sa Edsa dahil kung hindi paniguradong mas na-late pa ako sa klase ko. Nang nasa pang-apat na palapag na ako ay muli kong tinignan ang relo ko. Napabuntong-hininga ako. Late na ako ng fifteen minutes pero nakita kong marami pa rin ang mga mag-aaral sa pasilyo. Ibig sabihin marami rin sa mga katulad kong teacher ang umasa na walang pasok ngayon. Yung iba marahil pinanindigan na lang ang di pumasok. Umaasa na magpo-post rin ang aming Mayor na kanselado na ang klase. Iyon ang hindi magandang nangyayari. Saka lang sila magsuspende ng klase kung kailan nasa paaralan na ang mga mag-aaral at guro. Sayang yung pamasahe at panahon ng mga mag-aaral. Nababasa sa ulan kaya wala na ring silbi pang maguspinde pa. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga. Binilisan ko pa ang aking paglalakad at baka mag-iingay na naman ang aking mga istudiyante. Nang mabungaran ako ng ilang mga mag-aaral na nasa pasilyo ay agad naman silang nagsipasok sa kanilang silid aralan. Takot na lang sila sa akin. Alam kasi nila na pagsasabihan ko sila kahit pa hindi nila ako guro. Kilala ako bilang masungit at istrikto ng mga hindi ko hawak na mga mag-aaral ngunit sa mga naging istudiyante ko at kasalukuyan kong mga hawak, alam nila na palakaibigan, mabait, matalino at maunawain akong guro. First year of teaching ko kaya naman kailangan kong magpagkitang gilas. Kailangan seryoso ako sa klase dahil kung hindi, kakainin ako ng buhay lalo na yung mga halos kaedad ko at mga pasaway na grade 10. Pero hindi naman ako all the time masungit na guro, approachable naman ako sa labas ng silid-aralan. Sanay na rin ako sa may paghanga at pagnanasang tingin ng istudiyante na bumabati sa akin. Batid ko naman kung bakit. Hindi sa pagyayabang, ako ang pinakamaputi, pinakabata, pinakaseksi at pinakamagandang guro sa aming paaralan. Hawig ko raw si Liza Soberano kaya maraming mga babaeng mag-aaral ang inggit na inggit sa akin at mga lalaking mag-aaral na ako ang kanilang pantasya. Kung tinitignan ko sa salamin ang aking mukha hawak ang litrato ni Liza, para nga kaming kambal. Pati yung tangos ng ilong, kuhang-kuha ko. Kung sumali nga siguro ako sa lookalike ng noon ng Showtime, ako panigurado ang mananalo. Napailing ako. Isang classroom na lang nasa room 409 na ako. “Good morning po Ma’am Crush,” bati sa akin ng isang Grade 10 na kalapit lang ng room 409. Napapansin ko na madalas ang maputi at gwapong batang ito. Lantaran na kung magparamdam. Iba na talaga ang mga mag-aaral ngayon. Lantaran na kung sila ay lumandi o magpakita ng pagkagusto sa kanilang guro. Pagpasok ko sa aking advisory class ay naabutan ko pa silang naghaharutan ngunit nang makita nila ako ay tumahimik sila. Umayos sila ng upo ngunit hindi lahat. “Uy nandiyan na si Ma’am!” sigaw nang nasa pintuan. Agad na nagsibalikan sila sa kanilang mga upuan at nanatiling nakatayo. Yung umupo kanina ay tumayo na rin nang makita akong nakatayo na. Alam kasi nila na hindi ko na dapat pa sila sasabihang tumayo pa. Kapag nasa harap na ako, kailangan na nilang tumayo dahil kung sino ang huling tatayo, sila ang mag-lead ng prayer. Nakatingin sila sa akin. Nakangiti ang ilan. Inaantok at humihikab ang ilan. “Ang ganda talaga ni Ma’am,” bulong iyon ng isang babae kong mag-aaral sa katabi niya ngunit nagkunwarian na lang ako na walang narinig. Halos lahat na sila ay nakatayo nang nakatingin sa akin. Naghihintay sila sa aking sasabihin. Inilapag ko sa malinis nang mesa ang aking laptop, class record, stick na ginagamit kong panturo sa pisara at libro. Iniusog ko ang aking upuan. Halatang bagong punas. Lumingon ako sa likod ko, wala na rin nakasulat sa blackboard. Sinuyod ko nang tingin ang sahig, wala akong makitang kalat sa aming classroom at maayos na rin ang kanilang mga upuan. Bagong dilig ang aming halaman sa bintana. Walang dahilang kagalitan ko sila bukod sa isa kong istudiyante na hindi pa rin tumatayo at patuloy pa rin sa pakikipagkulitan sa mga katabi niyang nakatayo na. “Olivarez,” pagtawag ko sa kanyang pansin. “Nakatayo na lahat, prero ikaw… anong balak mo?” Si Gjiam Olivarez ang isa sa mga istudiyante ko na matalino ngunit sakit sa ulo. Nakailang lipat na sa private school bago itinapon ng Mommy niya sa aming school para parusahan at tumino. Isang kilalang public school ako nagtuturo at kilala sa magagaling na nakatapos sa pag-aaral. Sa tagal niya sa high school, 18 na siya ngunit grade 10 pa rin. “Ma’am, good morning po,” sinaluduhan pa ako at kinindatan. “Ikaw ang inaatasan kong manguna sa ating dasal.” “Ako na naman, Ma’am?” “May agreement ang klase. Huloing tumayo ang mag-lead ng prayer. Bakit? Ayaw mo?” “Kasi Ma’am, ako na naman ho kahapon saka nang nakaraang araw.” “Pwes, hanggang hindi ka nagbi-behave, ikaw lagi ang aatasan ko. At dahil ikaw ang huling tumayo ngayon, ikaw pa rin ngayon ang magli-lead ng prayer. Hindi ba usapan natin iyon, class?” “Yes po Ma’am,” halos sabay-sabay na sagot ng aking mga mag-aaral. “Narinig mo?” mataray kong tanong. “Okey, wala naman akong magagawa eh,” parinig niyang sagot sa akin. “Ako naman ang laging nakikita eh?” Napakamot. Sasagutin ko sana siya pero agad kasi siyang nagsimula kaya tumahimik na lang ako. “Sa ngalan ng ama, ng anak, ng ispirito santo, amen,” pagsisimula niya. Pumikit. Sumunod kaming lahat na nag-sign of the cross. Yumuko kaming lahat. Naghihintay sa kanyang dasal. “Our Father, who art in heaven, hallowed be Thy name; Thy kingdom come; Thy will be done on earth as it is in heaven. Give us this day our daily bread; and forgive us our trespasses as we forgive those who trespass against us; and lead us not into temptation but deliver us from evil. “ “Hindi ba’t kabilin-bilinan kong gawing personal ang dasal?” “Ho? Eh, dasal rin naman po ‘yon Ma’am?” “Gawin mong personal ang dasal mo,” pinagdiinan ko. Hindi siya kailanman mananalo sa akin. Huminga siya nang malalim. Narinig ko ngunit alam ng buong klase na ang dasal dapat sila ang gumawa na galing sa puso. “Panginoon,” pagsisimula niya, “Nagpapasalamat kami sa araw na ito na kami ay ligtas na narito ngayon para sa panibagong kaalaman. Basbasan mo po ang aming guro na maramdaman niya na may lihim nagmamahal sa kanya. Bawas-bawasan mo po Diyos ko ang kanyang pagiging manhid, istrikta at masungit. Nawa’y bigyan mo ng kapal ng mukha ang lihim na nagmamahal sa kanya na sabihin na iyon sa kanya.” Tinignan ko siya. Nakangiti pa siya habang dinadasal niya iyon dahilan para matawa na rin ang kanyang mga kaklase. “Si Miss Reyes ba ‘yan?” singit ng katabi niya at kaibigang si Valerio. “Huwag kang magulo, nagdadasal pa ako eh,” siniko niya ito. Tawanan na ang lahat. Ipinalo ko ang stick. Naglikha iyon ng ingay. Tumahimik sila. Hindi ko nagugustuhan na ginagawa nilang biro ang pagdadasal. Tumahimik sila. Nakita ko sa mukha nila ang gulat at takot. “Hindi ka talaga maasahan, Olivarez. Umagang-umaga puro lang kalokohan ang nasa isip mo. Kagaya ng panahon ang utak mo ngayon, makulimlim.” Tumawa ang ilan sa mga istudiyante ko. “Okey naman yung dasal ko, hindi ba, Ma’am?” kumindat pa siya. “Contreras, ikaw na lang ang mag-lead ng ating prayer. Mukhang sabog pa si Olivarez.” Pagkatapos magdasal ang kalaban ni Olivarez na pinakamatalino sa aming klase ay umupo na sila. “Olivarez, lumapit ka nga muna rito,” tawag ko sa kanya bago ako umupo. “Patay ka ngayon,” pang-aasar ni Valerio, ang katabi niyang maingay at pasaway rin. “Anong patay ka riyan? Peborit ako niyang si Ma’am eh. Di ba, Ma’am?” Tawanan ang lahat. Hindi ko alam kung sinasadya niyang magpatawa o sinisira lang niya muli ang aking umaga tulad ng mga nakaraang umaga. Hindi ako tumawa ni ngumiti habang naglalakad siya palapit sa akin at nagkatitigan kaming dalawa. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya habang siya ay pangiti-ngiting lumapit sa akin pero nang mahalata niyang hindi ako natutuwa sa kanya ay napakamot siya. Halatang nagpapa-cute sa akin. “Bakit po Ma’am?” Kumindat pa siya sa akin na lalo kong ikinairita. “Hindi porke anak ka ng isa sa pinakamayamang negosyate sa ating lungsod at kasalukuyang Mayor eh ganyan ka umasta sa klase ko. Hindi ka ba talaga nadadala? Itinapon ka na sa public school eh ganyan ka pa rin sa lahat ng klase mo? Tignan mo nga, 18 ka na pero junior high school ka pa lang. Yang mga kaklase mo, 15 at 16 pa lang ang mga ‘yan. Ikaw dapat ang modelo nila.” “Ma’am, wala naman ho akong sinasabi tungkol sa pamilya ko. Ni hindi ko nga ni minsan binanggit ho ‘yan sa kahit sino sa classroom o kahit sa buong paaralan. Saka bakit pati ang edad ko nadadamay?” “Dahil nga kuya ka na nila pero ikaw pa rin ang pinakapasaway. At oo, wala kang sinasabi tungkol sa pamilya mo, hindi mo nga naman ipinagyayabang pero yung angas mo at yung asta mo, parang ipinagsisigawan mo na untouchable ka! Na kaming mga guro mo ang laging dapat mag-a-adjust sa’yo kasi mayaman ka at makapangyarihan sa city na ito ang Daddy mo. Tandaan mo Gjiam, teacher mo pa rin ako at istudiyante pa rin kita. Hindi ko gusto yung inuugali mong ganyan kaya bago kita mapahiya sa buong klase, tigilan mo ‘yan!” “Ma’am, ano bang problema? Nagdasal naman ako ah.” “Tingin mo, maayos ang dasal mo?” “Oho, ayaw niyo no’n. Kayo ang pinagdasal ko?” Napakunot ang noo ko. “Sa pagsisimula ng klase, ganyan talaga ang sasabihin at inaasta mo? Dito pa lang sa unang period ko, kotang-kota na ako sa kakulitan mo. Inubos mo na ang pasensiya ko.” “Wala naman masama sa sinabi ko Ma’am ah.” Napakamot siyang muli. “Sige na. Bumalik ka na sa upuan mo. Sa galing mong rumason, dinner na hindi pa tayo tapos. Ayaw kong ubusin ang oras ko sa’yo.” “Gusto mo ba, Ma’am?” “Gusto ang alin?” “Diner with me?” Kumindat pa siya. Nagpa-cute. Tawanan ang buong klase dahil malakas ang kanyang pagkakasabi sa dinner with me. “Kung di lang masamang magmura, minura na talaga kita. Sige na, mag-usap tayo mamaya after my class. I-connect mo na lang ang laptop ko sa TV natin nang makapagsimula na tayo. Markado ka sa akin, Olivarez!” “Okey po Ma’am.” Tumabi siya sa akin. Nang buksan ko ang aking laptop ay iyon rin ang ginawa niya. Naramdaman ko tuloy ang paghawak niya sa aking kamay. Tinignan ko muna siya bago niya tinanggal ang kamay niya. Hindi ko alam kung napansin ng mga kaklase niya ang pasimpleng paglalandi niyang iyon. Araw-araw, palala nang palala ang ginagawa niyang ito sa akin kaya kailangan ko na siyang kausapin nang masinsinan mamaya. Hindi ko na gusto yung pagpaparinig niya. Natatakot ako na baka mabuyo ang mga kaklase niya at sila rin ay mawalan sa akin ng paggalang. Hindi ko iyon hahayaang mangyari. Bumuntong-hininga ako. Naamoy ko ang kanyang mamahalin at lalaking-lalaki na pabango. Tinignan ko siya nang inabot ko ang HDMI cord. Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig sa tuwing nakikita ko ang kanyang makinis, maputi at maamong mukha. Ang kanyang makapal na kilay, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at mapula-pulang labi na tinutubuan na ng bigote. Kung tutuusin mas gwapo pa siya kay Daniel Padilla. Yung angas, gano’n na gano’n din kaya sino ba naman ako para hindi apektado sa kanya. Lumalakas ang kabog ng aking dibdib sa tuwing dumadampi ang braso niya sa akin. May kakaibang kiliti na umuukilkil sa aking isip. Kung sana hindi ko lang siya istudyante. Kung sana mas matanda pa siya nang bahagya. Kung sana hindi bawal sa katulad kong guro ang makipagrelasyon sa kagaya niyang istudiyante. Kung sana walang ganong estado na siyang nagbabawal sa amin. Wala namang mali sa pagkagusto, mali lang kung sasabihin at isakilos na ito. Hanggang lihim na lang ang lahat at kuntento na akong araw-araw ko siyang nakikita, napagsasabihan at nakakausap. Sapat na iyon. Lilipas rin ang lahat. Ga-graduate rin siya. Baka sakali, balang araw, pwede na o baka balang araw, tuluyan rin itong mawaksi kapag graduate na siya at hindi ko na muli pang makita. Pero, huh! Ang gwapo talaga ng batang ‘to. Ayaw ko magpaka-ipokrita. Kinikilig din naman ako sa kanya at iyon ang problema. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko mapapanindigan ang pagsungit-sungitan sa kanya. Pakiramdam ko kasi, araw-araw natatalo ako ng aking lihim na nararamdaman. Tinatalo ako ng aking emosyon. “Ma’am, tapos na.” Nakatitig lang ako sa napakagwapo niyang mukha. Alam kong may sinasabi siya ngunit nag-i-imagine kasi ako. Ano kayang feeling nang makahalikan siya? Ano kayang amoy ng kanyang hininga. Ano kayang higpit at init ang yakap niya? May alam na kaya sa pakikipagtalik? “Okey ka lang ba, Ma’am?” Tinapik niya ang braso ko. “Ha? Bakit?” Nagulantang ako lalo na nang inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, “Huwag mo masyadong ipahalata na gwapong-gwapo ka sa akin, Ma’am. Baka mapansin nila.” “Ha? Anong pinagsasabi mo?” tumaas ang boses ko. Halatang in denial. “Kanina ka pa kaya nakatitig sa akin.” “May iniisip ako. Hindi porke nakatingin ako sa’yo e ikaw talaga ang nakikita ko.” “Sus, ilang beses ko nang sinabi sa’yo na okey na yung HDMI eh. Nakabit ko na pero nakatitig ka pa rin sa akin na nakangiti. Iniimagine mo ba ako?” “Bastos ka ah!” “Si Ma’am, nag-iimagine.” Tumawa ang mga nasa harap namin. Namula ako. Kahit papaano ay napapahiya pa rin naman ako. “Stop it, okey! Napupuno na ako sa’yo, Olivarez! Feeling mo naman. Hindi pwedeng may iniisip lang ako?” “Iniisip mo na agad ako?” “Hindi kita gusto Olivarez. Khait siguro hindi kita student, hindi kita magugustuhan. Hindi ikaw yung tipo kong papatulan. Tulad ng sabi ko kanina, maaring tinitignan kita pero hindi kita nakikita kasi abala ang isip ko. Hindi ka nag-e-exist sa utak ko.” “Sus! Palusot ka pa Ma’am eh.” “Ano?” tumaas ang boses ko. “Wala ho Ma’am.” “Grabe ka, Olivarez. Pinalalabas mong may gusto si Ma’am sayo. Ang epal mo naman,” singit ni Abad. “Bakit, hindi ba pwede?” “Ang yabang mo naman, Olivarez. Nkakadiri ka!” iritang sinabi ng isa ko pang mag-aaral. “E di kayo na ang masarap at ako na ang kadiri.” “Quiet!” sigaw ko. Ipinalo ko sa mesa ko ang hawak kong stick. “Mag-usap tayo mamaya Olivarez ha!” Namumula na ako sa galit. “Hindi ko gusto ‘yang ganyang inuugali mo at tabas ng dila mo.” “Okey Ma’am, pupuntahan kita sa faculty pagkatapos ng klase namin ta’s date later.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD