CHAPTER 18 “Bakit ba ang kulit mo? Hindi pa nga pwede ngayon… sa ngayon,” binigyang diin ko ang huling dalawang salita. “Okey. Bahala ka. Baka kung kailan wala na ako saka mo ako hahanapin. Ikaw rin, baka lang kasi pagsisihan mo na sinayang mo lang ang kagaya ko.” “Grabe oh! Taas ng kumpiyansa sa sarili. Kapal mo talaga eh, no? Gwapong-gwapo ba sa sarili?” binatukan ko siya para mahimasmasan. “Hindi mangyayari ‘yang pangarap mo na pagsisihan kong hindi kita pinatulan ngayon. Baka ang pagsisihan ko ay kung pinatulan kita habang istudiyante pa kita.” “Tignan natin. Mahirap ang magsalita ng patapos, Faith” Nakangiti siyang nakatitig sa akin. “Alama mo, ikaw? Pinagbigyan ka lang na magtapat, kumapal na ng todo ang mukha mo. Bakit hindi mo maisiksik sa isip mo na teacher mo pa rin ako kaya