CHAPTER 19 Wala na rin lang naman akong nagawa pa nang bigla na lang niyang iniliko ang sasakyan papasok sa hotel. Medyo nahirapan na nga lang kaming makahanap ng parking dahil punuan na. Marami na kasi ang stranded at siguro, piniling kumuha na lang ng hotel room kaysa sa makipagsaparan sa dumating na na ngang bagyo. Mabuti at may bakante pa sa kanilang parking area kaya nauna siyang bumaba at hinugot niya ang susi ng sasakyan ko. Kinuha ko muna ang bag ko na naglalaman ng mga pamalit ko sa tuwing may ensayo ako ng boxing ko at klase ko sa martial arts bilang kinahiligan kong exercise na rin. Sinadya kong laging maglagay roon ng extra kong damit at personal kong mga gamit. Nang nakapasok na kami sa hotel ay pumasok na agad siya sa restaurant. Eksaktong may upuan na rin. Hindi niya ako