CHAPTER 17 Dahil sa kakaiba ko nabg nararamdaman, kailangan ko nang ibang mapaglibangan kaya agad kong binuksan ang car stereo ng sasakyan. Isinabit niya ang ibinigay kong damit niya sa kanyang balikat at wala yatang plano na isuot iyon kaya kita ko pa rin ang mabuti, makinis at nakakatakam niyang katawan. “Hindi ka pa ba magdadamit?” tanong ko. “Mamaya na,” sagot niya habang pinaabante na niya ang sasakyan ko. Tumingin ako sa side mirror at aming dinadaanan at pilit kong iwinawaksi sa isipan at paningin ko ang kanyang kahubdan. Kailangang mawala ang init at libog na aking nararamdaman. Hanggang sa biglang may isang lumang kanta ang pumailanlang. Isang kantang madalas kong marining noon ngunit hindi ko pinansin ang kahalagahan. Kantang pagdating ng Panahon ni Aiza Seguerra. “Alam kong