CHAPTER 36 “Gagawin natin ang lahat ng ating makakaya anak. Oo, maaring mas marami siyang koneksiyon. Naniniwala akong mas mayaman siya, mas maraming pera ang kasalukuyang Alkalde ngunit baka naman may naiwan pang naniniwala sa akin. Mga natulungan ko noong nasa posisyon pa ako.” “Paano ho kung wala, Dad? Paano ho kung ang lahat ay bayaran na rin pala.” “Huwag kang mag-isip ng ganyan, anak. Nandito ako, nandito ang buo mong pamilya at angkan para ipaglaban ka. Lalabas rin anak kung anong totoo basta kailangan mo lang magpakatatag at maniwala ha? Hindi ito ang panahon ng pagsuko kaya please, lumaban ka. Gusto kong maniwala ka pa rin sa kabutihan kasi sa natatakot ako sa nakikita ko ngayon sa’yo na ikaw mismo, hindi na naniniwala sa sistema pa sa ating lugar. Huwag kang panghinaan ng loo