CHAPTER 35 Mabilis mang punasan ni Daddy ang luha niya ngunit ang nanginginig niyang kamay na dahan-dahan humawak sa kamay ang lalong siyang nagpaluha sa akin. Humihikbi ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ko ba sisimulan ang lahat. Kung paano ko ikukuwento ang buong nangyari sa akin. Hanggang sa niyakap na lang ako ni Daddy nang mahigpit na mahipit at sa balikat ng mapagmahal kong ama. Sa balikat ng nakatampuan kong Daddy ako umiyak nang umiyak. “Anak ano bang nangyari? Bakit ganito?” tanong ni Daddy sa akin habang nakahawak siya sa magkabila kong pisngi at pinupunasan niya ang luha sa aking mga mata. “Totoo ba ang bintang nila sa’yo, anak?” tanong din ni Mommy sa akin kahit hindi ko pa nasasagot si Daddy. Hindi rin muna ako sumagot. Pagakatapos kong yakapin si Dad